The Light

13 2 0
                                    

5 Hours later

Nang paggising ko, nakita ko na itong katawan ko sa isang kuwarto na may asul na dingding. Pagtingin ko sa kanan, nakita ko sila Miss Wendy at yung mga ka-roommates kong sina Kyle at Clint. "Anong ginagawa ko dito? asan ako? kinuha na ba ako?"

"Ano ba yang pinagsasabi mo! Takte!" Malakas na Sabi ni Kyle na natawa si Miss Wendy at si Clint.

"Nasa infirmary ka lang James! Wala kang dapat ipag-alala! Ang mas mahalaga, May Qirk ka na, pero sa tingin ko ay di mo pa iyan magagamit, Pero ibibigay ko sayo itong phoenix necklace na galing sa mga schools dito sa mundo ng mahika."

Nang sinuot ko to, may biglang umilaw yung necklace na dating clear ay naging black. Normal lang raw iyon dahil nakita na niya yung owner niya.

Pagkatapos ng ilang oras, pumunta na ako sa dorm para magpahinga habang sila kyle at clint ay dumiretso na sa shift nila. Paghiga ko, hindi pa rin mawala ang pagkahanga ko sa kagandahan ng phoenix necklace. Na ito ay galing sa kalangitan na nabasa ko sa mythology, kaya sa tingin ko ay nasa langit kami. Pero sa pag-isip ko sa kwintas na iyan, di ko namalayan na may nakatingin na sa akin sa bintana.

"Sino ka? Wag kang lalapit!"

"Chillax lang jan boi. Ako si Kimmy, yung nakabanggaan mo."

"Pano ka nakapunta dito? Diba bawal pumunta dito yung opposite gender?"

"Simple, just tricks & Tips." Tapos nakita ko yung wig at uniform na dala niya. Nagsorry na rin siya dahil nagkuwentuhan kami ng di namin namalayan na mag-5:30 na, bigla na siyang umalis dahil andyan na sigurado mga ka-dorm mates niya. Wala rin raw siyang pasok dahil nagpanggap siyang may sakit. Ayun yung first time na nagandahan ako sa isang babae.

A/N
Nakuha ko po yung phoenix necklace sa Altheria Academy at Class Zero ni @Penguin20.
Please read it! This stories have a really great plots!

Navy UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon