Third POV:
Di nalang namalayan ni James na nakatulog siya ng mahigit 12 oras, kaya na-late siya sa lesson sa training. Pero magkakaroon na lang siya ng special class. Pagkatapos nun, pumunta siya sa lesson niya sa crafting.
***
James POV:
Kailangan raw naming gumawa ng Phoenix Necklace. Kahit meron na siya nun, hindi pa rin siya exempted dahil mayroon pa akong kateammates, sila Kimmy, Kyle, at Clint. Kahit wala man lang silang teamwork, ako na yung naging leader kahit meron na akong kwintas. Kailangan namin ng Ironium, Lavar, at Cotton. Iyong Lavar, makukuha lang namin iyan kapag meron kaming Lava at Star Shard. Ang Star Shard raw ay napakabihira sa Elite Division, kaya kailangan namin pumunta sa Pinet River,kung saan nagkakaroon ng Star Fall every once a week, at ang naghihiwalay sa Elite at Master Division.
Pero pupunta lang kami dito ng pasikreto dahil hindi kami pinayagan ni Ms. Wendy at bawal dito ang mga Elite dahil sa mga Master na nagpapapahamak sa amin. Pero pagkapunta namin dito, nakita agad namin ang Star Shard kaya bumalik agad kami para kumuha ng lava sa crates sa Elite.
Pero, nung pauwi na kami, biglang may pumunta na isang cute na tuta na papunta sa amin. Hinawakan ito ni Kyle, ngunit sumabog ito at nagkaroon ng galos si Kyle sa kanyang kamay. "Stranger Danger!" sabi ko kaya tumakbo nalang kaming apat palayo. Pero ang di inaasahan, nadapa si Kimmy.
"Kimmy!" sabi ni Clint. "Tayo! Bilis! Mahahabol tayo!" Nakatayo na nga siya, pero nahabol kami ng kalaban. Nang binato na niya sa amin ang kanyang alaga na alam naming puputok, pumikit nalang kami pero may dumating na isang lalaking humahaba ang kanyang kamay at natamaan ng malakas ang kalaban.
"Hmm! Magkikita tayo sa susunod, James!" Sabi ng kalaban sa mababang boses.
Bakit ako? Ano ang ginawa ko? Buti na lang may nagligtas sa amin.
"Elites kayo? Anong ginagawa niyo dito?"
"Paano niyo nalaman na Elite kami?" Sabi ni Kimmy.
"Sa mga Pants niyo. Light Brown ang Elite, Yellow ang Master, Black ang Epic, at Blue ang Legend. Sa nakikita niyo, ako ay Epic na. Talagang magaling ako noh!"
Biglang lumakas ang hangin ng di ko alam kung bakit. Siguro, sa kahanginan niya. Pero buti sa kanya, napauwi kami ng ligtas.
BINABASA MO ANG
Navy University
FantasyPirata, o Navy? Ayun yung nasa isip ko nung bata pa ako. Saan kaya ako mapapadpad?