MGA INUTIL NA diosdiosan SA ATING PANAHON

13 0 0
                                    

ANG MGA KARUMALDUMAL NA PAGSAMBA SA MGA diosdiosan SA ATING PANAHON.

Ang pinaka unang mga diosdiosan ay yung mga larawang inanyuan, tulad ng mga imaheng gawa sa bato, kahoy, ginto, pilak, maging tanso at di nagtagal ay nagkaroon narin ng kung ano ano pa, tulad ng gawa sa plastik at bang mga materyan na bagay,
Ngunit alam ng marami sa atin na ipinagbabawal ng Dios ang karumaldumal na mga bagay na ito, mula sa pagawa, paglilingkod at pagsamba na siya naming ipinasulat ng Dios upang sundin ng mga tao sa Deuteronomio 5:7-10.
Hindi nagtagal, sa katigasan ng ulo ng mga tao ay lalong dumami ang mga diosdiosang ito at patuloy na nanganak ng nanganak hanggang sa nagkaroon na ng mas malalaki at mas nakakatakot na kung ano anong uri ng mga diosdiosan.
Marahil ay iniisip ninyo kung ano ang mga ito..
Ito ay mula sa iba’t ibang uri ng mga bagay sa sanlibutan, na mula sa material na bagay hanggang sa mga gawa o bunga ng patuloy na paglago kaalaman, hindi kaalaman bilang karunungang galing sa Dios, kundi mga kaalaman ng mga nasa sanlibutan bunga ng malilikot na karunungang pantao.
Ang mga diosdiosang tatalakayin natin ngayon ay patungkol sa mga modernong diosdiosan na mas nakakatakot pa sa mga larawang inanyunan, mas karumaldumal sa mga rebulto, mas kasuklamsuklam sa mga katutubong diosdiosan sapagka’t ito ay kinahuhumalingan ng mga tao na tila nagiging kanila ng mga dios sapagka’t dito na nauubos ang kanilang panahon at oras.
Ano ano ang mga ito?

Ang mga ito ay mga bagay na kinahuhumalingan ng mga tao tulad ng;

(FACEBOOK)
Marami sa mga tao ang nauubos na ang panahon ditto, kung inyong papansinin ang inyong sarili ay tila isang hipnotismo ang nangyayaris a karamihan sa atin, maghapon lang scroll down, scroll up, click sa Profile, then click sa newsfeed, na para bang nauubos nalang ang maghapon sa pagtingin sa kung ano ang kaganapang nangyayari sa loob ng facebook. Tila naging tirahan o komunidad narin ito ng maraming tao, na hindi na nila napapansin ang tunay na nangyayari sa paligid sa actual na pagtingin sapagka’t sa facebook nalang nila ito inaabangan. Marami ring tao na tila ang facebook na ang kanilang naging buhay, na dito na inilalahad at ginugugol ang panahon sa pang-araw-araw na pangayayari sa kanilang buhay, sa madaling salita ay dito na naubos ang kanilang panahon imbis na magbasa ng bibliya, makinig ng mga salita ng Dios, at higit sa lahat ay gawin ang kung ano ang kalooban ng Dios na nakasulat sa Bibliya. Ngunit hindi na ito nangyayari sapagka’t nangingibaw at mas pinipili ng mga ta ang magbabad sa facebook maghapon kesa tumalima sa tawag ng Panginoong Dios, kaya’t isa ito sa mga uri ng pagsamba sa mga diosdiosan sapagka’t mas pinipili ito ng mga tao kaysa sa maglingkod sa tunay na Dios.

Facebook Addiction Disorder
http://www.techaddiction.ca/facebook-addiction-disorder.html

(Computer Games/Mobile Games/at mga libangan gamit ang teknolohiya )
Talamak sa mga kabataan ngayon maging sa mga may edad ay labis na nauubos ang maghapon at magdamag sa mga bagay na ito tulad ng paglalaro ng mga computer games, mobile games at mga hobies na gamit ang teknolohiya.
Kapansin-pansin ang pagkahumaling ng mga kabataan sa paglalaro ng mga computer games na halos araw araw ay maghapon silang nakaharap sa computer upang maglaro ng mga karumal dumal na bagay na ito kalakip ang mga nakakatakot at kasuklam-suklam na itsura ng mga imahe tulad mga karakter sa DOTA, na ang karamihan ay anyong mga halimaw. Mga Online Games na may iba’t ibang karakter mula sa mahahalay na babaeng karakter hanggang sa pinaka nakakatakot at karumaldumal na itsura ng mga ito. Tulad din naman ng Counter Strike o iba pang mga online games kung saan nagpapatayan at pumapatay ang mga karakter nito. Kapansin pansin na halos lahat ng mga online games na ito ay iisa ang layunin, ANG PUMATAY. Kapansin-pansin din na madalas gamitin ang karakter na Dragon na kadalasan ay ginagamit pa ito bilang sasakyan, alaga o armas o sa medaling salita ay kakampi ng naglalaro.

Ngunit hindi lingid sa marami sa atin na ang Dragon ay simbolo ni satanas na mababasa sa Bibliya sa;

Apocalipsis 12:9
[9]At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.

Ang mga inutil na diosdiosan Sa Ating PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon