Prologue

7 0 0
                                    

PROLOGUE:

“happy birthday!!” bati sakin ng lahat pagkapasok ko sa bahay.

Napangiti ako at nawala ang kaba na naramdaman ko kanina habang pauwi.

     “salamat. Nag abala pa kayo eh 20 naman na ako.” Sabi ko sa kanila habang nakatingin sa bigay nilang cake sakin.

       Kinuha ko ang cake habang nakangiti sa kanila. Ngumiti din sila sakin.

      “Alam mo Annedy, dapat sinicelebrate ang araw na to dahil madami ang nagpapasalamat na pinanganak ka, at kami na kaibigan at pamilya mo ang isa sa thankful sayo, ang bait mo kaya halos wala kaming makitang kapintasan sayo, ang perfect mo kaya” sabi ng kaibigan ko na si Shiela. Natawa nalang ako sa huli nyang sinabi.

      “thank you sa inyong lahat sa pagbibigay effort ngayon. Kaya mag enjoy kayo, salamat talaga.” Sabi ko sa kanilang lahat, tumingin din ako sa mama ko habang napangiti, nakangiti sya sakin pero nababasa ko sa mata na nya na nagwoworry sya at may something na parang may gusto syang sabihin. Nagmouth din sya na happy birthday sakin, nag mouth din ako sa kanya ng thank you.

      Nakaupo ako sa sala habang tinignan silang lahat na sumasayaw tumatawa, at nag eenjoy. Napangiti ako, masaya na ako sa ganitong buhay, may maalaga  at mapagmahal na ina at totoong mga kaibigan.

     Nagkwekwentuhan kami at maya-maya'ynagsiuwian na sila. Naiwan na ulit kami ng mama at yaya namin sa bahay. Wala akong kapatid at wala din akong papa, kaming dalawa lang ni mama dito, pero ok na yun sakin, thankful nako dahil may pamilya parin ako.

     Niligpit narin ng mga kasambahay ang mga kalat kanina. Hinanap ko rin si mama, pumunta ako sa kwarto nya pero wala sya kaya pumunta ako sa kwarto kong san sya napapadalas pumunta this past few days.Kumatok ako bago pumasok, at tama nga ko na andito sya.

      “ma?? May problema ba? Napapansin ko kasi kanina na parang di ka masyadong nakikipag usap sa mga kaibigan mo?” tanong ko sa kanya. Napapansin ko kasi kanina.

      Ngumiti sya sakin bago ako siangot. “wala naman. Nag enjoy kaba??” tanong nya sakin, tumango ako. “mabuti naman, tandaan mo lagi na mahal ka namin anak ah? At wag na wag mo kaming kalimutan mamimiss ka namin.” Sabi nito, pero di ko masyadong narinig ang huli nyang sinabi dahil halos pabulong narin ang pagkasabi nya dun.

     “oo naman po di ko kayo kakalimutan. Bakit moba sinasabi ang mga yan mama?? Alam mo naman na ayaw ko nang ganyan mama??” sabi ko sa kanya, ayaw ko kasi sa mga kanyan, napapanaginipan ko kasi ang mga katagang yun na sinabi sakin ng isang tao tas bigla nalang nagbago lahat.

      Alam ko naman na dapat di pinaniniwalaan ang mga panaginip, sabi nga nila diba? Na kabaliktaran ang mangyayari pero iba kasi ang mga napapanaginipan ko dahil, bawat nangyari ay naaalala ko parrin kinabukasan napara bang totoong nangyari.

      “pasensya na. sige na punta kana sa kwarto at magpahinga kana, alam kong pagod ka na.” tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit. Napangiti ako. Ang ganda sa pakiramdam na nasa bisig nya.

     Kumawala na sya sa yakap at ngumiti, tinignan ko ang mata nya at nakitang masaya na eto, na parang may pagkakuntento, di ko nalang pinansin ang nababasa ko sa mata nya at ngumiti rin at lumabas na at pumunta sa kwarto ko.

     Humiga ako sa kama ko at napangiti. Naaalala ko kasi ang mga nangyari kanina, sobrang na appreciate ko talaga ang pagpunta nila ngayon at pagsurprise sakin. Ginabi ako kakachika sa kanila pero di ko maramdamang ang oras kanina.

     Tumayo ako at napagdesisyonang maligo, ang lagkit kasi ng pakiramdam ko.

      Nakatuwalya lang akong lumabas sa cr, ng makaramdam ako na parang mangyayaring masama.

     Bigla akong napatingin sa bintana ng may maramdaman ako sa labas. Pumikit ako at may nakitang isang panang may pulang apoy na papunta sakin. Pero bago pako mapamulat may humila na sakin, at karamdam ako na para akong tinangay ng hangin. Napamulat ako ng maramdaman kong may nakayakap sakin.

     Natulak ko sya bigla, “sino ka bakit ka andito sa kwar…” di ko natuloy ang sasabihin ko ng marealize kong wala pala ako sa kwarto at nasa…. Nasa…. Basta parang nasa gubat kami at katabi nun ay bangin.

     “pagpasensyahan mo kong nabigla ka. Ammm alam kong nagtataka kong bakit ka napunta dito at kong sino ako, pero di ko pa maipapaliwanag sayo ngayon kaya humingi ako ng patawad.” Sabi ng lalaki sakin.

     “bakit mo naman di masasabi sakin?? at ano ang plano mong gawin ha??” tanong ko dito, biglang lumakas ang hangin at bigla akong nilamig. Kinakabahan akong tinignan ang sout ko. Bigla akong napatakip sa katawan ko at npayuko sa hiya.

     Nakatuwalya parin kasi ako. Naramdaman kong lumapit sya sakin. Lumayo ako ng unti. “a--anong gagawin mo??” kinakabahang tanong ko.

     “pasensya na… alam kong nilalamig ka kaya iuuwi na kita.” Sabi nito sakin at lumapit sya sakin aatras pa sana ako pero naabutan nya agad ako at biglang lumapit sa akin.

     Lumaki ang mata ko sa sunod na ginawa nya. Bigla nya kong hinawakan sa kamay at nawalan nalang ako ng malay at feeling ko para akong nahuhulog sa isang napakalalim na bangin.

     Na walang anumang naririnig kundi tulo ng tubig na tumutulo.

Night Stranger (NS) nobody can seeWhere stories live. Discover now