PART 1: CHAPTER 4: Dark past

19 3 0
                                    

Professor S's P.O.V

"Hanggang kelan mo ba itatago sakanya ang totoo?" Caleb whispered me. Kasasarado ko lang ng pinto ng kwarto nila Black at Jewelryx nang biglang sumulpot na parang kabute itong si Caleb.

"May panahon para dyan Cal." I answered him with a low voice.May panahon para malaman ni Black ang katotohanan. Hindi naman lahat ng sikreto ay kailangan ng ibunyag.Lalo na sa sitwasyon ngayon ni Black, nangungulila sa yapos ng kanyang ama't ina.

Lumakad na kami papunta sa kwarto ni Caleb kung saan ay kasama niya doon si Howard.Malaki ang mansyon na ito pero pinili kong pagsama-samahin sila sa isang kwarto para mas mabantayan nila ang bawat isa .Lalo na ang mga boys.Noong isang buwan kasi ay nahuli kong nagdala ng mga 'girlfriends' si Caleb sa kwarto niya,ang malala pa dun ay hindi iyon ang unang pagkakataon na nagpapasok siya ng mga 'girlfriends' niya.

Nang makarating na kami sa kwarto nila ay bumungad sa akin ang isang makisig na binatang nakaupo lamang sa gilid ng kama at tila nasa malalim na pag-iisip.Makapal ang kilay niya at talaga namang napaka tangos ng ilong, maihahalintulad mo ang itsura niya sa mukha ni Caleb. Minsan nga ay napapagkamalan ko siyang si Caleb dahil pareho lamang sila ng kapal ng kilay at tangos ng ilong.Kaibahan lamang ng batang ito ay mas anghel at mas mapapagkatiwalaan ang mukha nito kumpara sa mukha ni Caleb, Kaya nga ay siya ang pinili kong pumalit bilang panibagong Bodyguard ni Black, dahil mukhang malaki ang aasahan at tiwalang maibibigay ko sa binatang ito.Itong kapatid ko sana ang ipapalit ko dahil mas kilala ko na si Caleb,Ngunit may mas malaking trabaho na akong inatas sa kanya noon pa man.

Lumapit kami kay Howard na tila ngayon lamang naramdaman ang aming presensya.

"Professor, Gising ka pa pala?" Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin na tila ba ay kinakabahan.Nangako siya sa akin noon na gagawin niya ng maayos ang trabaho niya bilang Bodyguard ni Black.Hindi ko man alam ang nangyari sa pagitan nilang dalawa kaganina ay natitiyak kong wala siyang kasalanan doon.Into narin siguro ang nakasanayan namin,malakas ang kutob ko na pinairal na naman ni Black ang walang tabas niyang dila.Matagal na niyang ginagawa sa amin iyon pero ang kaibahan lang ay umiyak siya ngayon.

"Hindi ba halata ,Bro?. Mulat na mulat pa ang mata ng kaharap mo ngayon. What a stupid question?" Pamimilosopo ni Caleb kay Howard. Hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang ulo nitong unggoy na ito kay Howard.

"Cal, stop that" Pagbabanta ko sakanya.Kailangan ko pa siguro turuan ng good manners itong unggoy kong kapatid, 'di man lang respetuhin ang panibagong parte ng aming 'Pamilya'.

"Ang tanga kasi Professor e!." At lumingon siya kay Howard na matalim narin ang tingin kay Caleb."Hoy Hudong! 'Wag mo akong tignan ng ganyan.Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa. Bakit mo pinaiyak si Black? Anong ginawa mo sa prinsesa namin---"

"Lumabas ka nga muna Caleb!"Sigaw ko sakanya.Kailangan ko nga palang makausap si Howard tungkol doon. Kanila ay nagulat na lang kami nung makita naming hindi kasama ni Howard na umuwi si Black.Nag-alala kaming lahat kaya naman pina-track ko na kay Shaun kung saan naroon so Black. Nakita nalang namin siya sa isang abandonadong bahay na walang malay.

B L A C KWhere stories live. Discover now