Ang hirap mahiwalay sa mga taong kasama mo simula noong sanggol ka pa lamang, pero kailangan ko mag sakripisyo para mas lalo akong makatulog sa aking magulang.Ako nga pala si Gabriel John Escota, 16 na taong gulang, gumraduate ako sa eskwelahan na nag ngangalang International Philippine School In Tehran, na matatagpuan sa Persia.Tama lang ang katangkaran, maputi, at hindi naman gwapo ngunit hindi rin naman pangit.Hindi ako katulad ng ibang tao na pala usap o maingay,mas gusto ko kasi ang katahimikan kesa sa maingay na kapaligiran.
Kaka lapag palang ngayon ng eroplanong kinasasakyan ko mula Persia papuntang Pilipinas , dahil dito ko planong ipagpatuloy ang aking pag aaral sa kolehiyo, hindi dahil ginusto ko, pero ginagawa ko to para narin sa aking mga magulang at sa dalawa kong kapatid. Magsisimula akong mag aral ng Physical Therapy sa Far Eastern University-Nicanor Reyes Medical Foundation.
"Saan yan?" Tanong sakin ng kapatid ko na si Lloyd.
"Sa Quezon City yun,kuya" sabi ko sa kanya.
"Ah,hindi kasi siya ganon kakilala eh,ang alam ko lang yung sa Morayta"sagot sakin ni kuya.
Hindi ganon kasikat itong branch na ito ng FEU pero eto rin kasi ang nirekomenda saakin ng aking tiyahin.Makalipas ang 5 araw, magsisimula na ang aking buhay bilang isang PT student, gumayak ako at tumungo na sa aking unibersidad.
Habang naglalakad ako papunta sa room namin, may nakita akong isang babaeng hindi mapakali, tila nawawala siya, nagkatinginan kami sa mata,at tila ako ay nabighani sa kanyang mata na parang puting perlas.Hindi ko na dapat siya papansinin pero heto siya palapit sakin na tila nahihiya at sabay nag sabi,"Kuya,PT freshman karin diba?", Paano niya nalaman na PT student ako? Eh ngayong palang kami nagkita at nagusap?,"Opo,paano nyu po nalaman?"tanong ko kay ateng kay ganda ng boses ang kumikinang niyang mata."Nakita ko kasi yung nameplate mo, by the way ako nga pala si Trinity,Trinity Jane Lajara".Hindi lang pala mata at boses ang maganda sa kanya, pati narin pala ang pangalan niyang tila unique na unique pakinggan.
"Ga-Gabriel John Escota po", nerbyus kong sagot.Sino nga ba kasing hindi nenerbyusin kung mukhang dyosa ang kausap diba? "Nice to meet you Gabriel" with matching smile,"Alam mo ba kung saan yung Room 606?, kanina pa kasi ako paikot ikot, eh hindi ko mahanap",nagulat ako sa narinig ko kasi yung sinabi niyang lugar na pupuntahan niya ay ang room ng aking first subject,
"Section 1E ka ren ba?",tinanong ko sa kanya na tila ako ay nahihiya.
"OMG,OO! So magkaklase pala tayo :), tara sabay na tayong pumasok".
Napangiti ako,dahil ilang minuto palang kaming unang nagusap at nagkakita pero parang isang taon ang haba ng aming kaugnayan.
"Sige", yan nalang ang isinagot ko.
"Maraming salamat Gabriel, ay wait ok "Gab" nalang,since tinulungan mo ako, friends na tayo :)"
Happy ako na first day palang may tumawag na sa akin na "friend", pero mas lalo akong napatalon sa saya sa aking isipan dahil ang ganda ng unang naging "friend" ko at hindi ko makakaila na parang na
.
.
"Crush at first sight" ako.
To be Continued...
BINABASA MO ANG
A Love "With"out a Spark
Romance-You never know pareho pala kayong may crush sa isa't isa diba? Ano kaya ang mangyayari sa bagong buhay ni Gabriel sa pag uwi niya sa Pilipinas?Eh si Trinity kaya, naka move-on na? Subaybayan :) Note: just Enjoy :) kung may suggestions, just comment.