Chapter II: Tjane

23 2 1
                                    

Knock,

....

Knock,

....

Knock.

"Anak, halika na bumaba ka na, nakahanda na ang almusal","Kailangan mo narin mag ayos, ngayon ang start ng Physical Therapy journey mo!". Yan ang sinabi ni Mama sa akin, na my voice of excitement pagkatapos niyang kumatok, pero parang gusto ko lang matulog hangang hapon."Susunod nalang ako Ma!" Yan nalang ang nasagot ko sa kanya.

Ako si Trinity Jane Lajara, 18 na taong gulang,3rd year college na sana ako ngayon, pero dahil nga K to 12 system ang eskwelahan na pinang galingan ko, nadagdagan ako ng 2 years sa highschool.Hindi kami mayaman,katamtaman lang, Si Mama at si Papa ay parehong Physical Therapist, kaya nag mana lang ako sa choices nila, gusto ko rin maging Physical Therapist dahil idolo ko sila.

Binagalan ko ang pag kilos dahil sino nga ba ang gustong lumabas kung puro ingay at problema lang ang maidudulot sa akin, lalo na kung kagagaling  lang ng isang tao sa matinding break up. Nauso ang linyang "Pare pareho lang naman ang mga lalaki, mga manloloko" sa bokabularyo ko dahil sa impluwensya ng best friend ko na si Edith.Ngunit hindi ako naniniwala noon, especially noong nakilala ko na ang Mr. Perfect na akala ko makakasama ko habang buhay, si Charles.

Magkaklase kami ng best friend kong si Edith since grade 7, hangang gumraduate kami.Noong humantong kami ng grade 11, "Okay class may addition nanaman tayo sa famiglia natin" sinabi samin ng adviser namin na si Ms.Alcarado, siya yung type ng teacher na jolly, palabiro, at bihirang magalit. "Iho, come in". Since sa harap ako nakaupo at nasa likuran ko si Edith, ako ang unang nakakita sa bagong "famiglia" member ng section namin.Pumasok ang isang lalaking mukhang foreigner, matangkad, matipuno, lastly mukhang matalino.

"Hi, I'm Charles Bartolomeo, Sana maging magkakaibigan tayong lahat".

"Looks plus yung ganong boses, nakakakilig at inlove naman!" bulong sakin ni Edith.

"Kalma mo yang kaluluwa mo Dith, Pero infairness ang gwapo nga!",sabi ko ng parang kinikilig kay Edith.

"Girl baka ikaw ang kailangan kumalma, baka ma handusay effect ka nanaman jan", sunod na sabi ni Edith.Bumalik tuloy sa alalaa ko yung nakakahiyang nangyari sa akin noong nakaraang buwan.

Last month... 2:00 pm sa Fairview Terraces sa Quezon City

May live show yung crush ko na artista, ala James Reid mix with Dingdong Dantes ang itsura. Eh nung papunta kami doon sa venue ng live show niya, nakasalubong namin siya ni Edith sa elevator na naka "disguise" para hindi makilala.Pero dahil nga sa kaadikan ko sa kanya, kahit anong panyo o salamin ang ilagay niya mamumukhaan ko siya. At dahil nga sa pag papa fangirl ko nayun ayun..na dali ako ng excitement ko at nawalan bigla ng malay.

"Oo, Dith iba naman to eh", sabay smile ko kay Edith para hindi na niya ako alalalhanin.

" Charles, wag kang mahihiya dito ha, pamilya tayo kaya dapat nag tutulungan.Teka saan ka ba pwedeng maupo...Ah dito nalang sa harapan since wala ren namang nakaup jan, Ate Trinity, kaw na muna bahala kay Charles, since bago pa lang siya sa school nato, bigyan mo narin siya ng tour sa campus natin, may aasikasuhin pa kasi ako, salamat" ang sabi ni Ms. Alcarado at tila nagmamadaling parang may hinahabol na 10 minute sale sa mall ang peg.

Sa totoo lang nagulat ako at kung bakit ako ang napili ni Ms. Alcarado, pero napag utusan na wala ng magagawa.

"Ni--nice to meet you, Ako si Tr-trinity Jane" pa utal kong nasabi sa kanya, sino nga bang hindi mauutal kung gwapo at hindi mo pa lubos kilala ang kausap mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love "With"out a SparkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon