LS - 057

1.6K 21 6
                                    

~JK~

"KUYAAAA!!" sigaw ni Soyeon sa baba na may halong pagkakaba at nakarinig din ako ng malakas na pagtumba kaya agad akong kumaripas ng takbo

Pagkababa ko nakita kong nakahandusay sila ni.... Rosé?!

Paano siya nakarating dito?! At
Lasing ba siya?!

Agad ko namang binuhat si Rosé papuntang guest room, gabi na 12:30 AM na at bakit lasing siya

Ihiniga ko siya sa kama at inalalayan naman ako ni Soyeon "Paano siya nakapasok dito?" Tanong ko kay Soyeon habang ipinupuwesto ang unan ni Rosé

"Ewan kuya, basta nagsisisigaw na lang siya sa labas buti nalang nasa sala ako kaya ayon nagpatulong ako kay Manang sa pagbubuhat sa kanya pero biglang nasunog yung pinapaluto ko kaya ayon hindi ko nabuhat si Ate at napatumba nalang kami" page-explain ni Rosé, ngumiwi na lang ako

Pero bakit siya naglasing? Nag-away ba sila ni Taehyung hyung? At bakit dito siya dumiretso? Ahh oo nga pala naalala ko na bawal siyang umuwi sa kanila na lasing siya kaya dito siya dumidiretso... noong kami pa

Pinakuha ko naman si Soyeon ng basang towel at pinaluto ko siya ng soup kaya naman kami na lang at ang natutulog na Rosé ang naiwan sa kwarto

Nagsimula ko na nga siyang punasan, inuna ko muna ang mga braso niya hindi ko din naman mapunasan ang mga binti niya kasi naka pantalon ito kaya sa braso, leeg at sa mukha ko na lang siya pinunasan, gaya ng dati

Nang simula ko nang punasan ang mukha niya ay nagsalita ito "J-jungkook" sabi niya sabay ng pagpatak ng luha niya. Hindi ko mapigilan ang pananakit ng dibdib ko ng muli niyang baggitin ang pangalan ko

Gusto kong magsalita at tanongin siya kung bakit pero hindi ko magawa, parang may nakabara sa lalamonan ko na kailangan ko pa itong lunukin para makapagsalita ako ng maayos

"Jungkook....." muli nitong sambit, kahit nakapikit siya ay kitang kita ko ang pagkalungkot sa mukha niya "Rosé bakit?" Nagulat ako sa kusang pagbigkas ng bibig ko, hindi ko iyon sinadyang sabihin dahil galit na galit at nasasaktan parin ako

"Bakit? Bakit mo'ko iniwan? Bakit mo'ko hinayaang masaktan? Bakit mo'ko iniwan sa kawalan? Bakit ka umalis? Bakit? Ano bang kulang sakin? Binigay ko naman lahat, lahat ng pagmamahal nabigay ko..... pati sarili ko kusa kong sinuko pero bakit?! Bakit iniwan mo parin ako?! Bakit ka sumuko? Bakit ka bumitaw? Nagkulang ba ako o sumobra dahil bulag na ako sa pagmamahal ko sayo?! Rosé sabihin mo sakin para alam ko! Pleaseee...." sobrang nasasaktan na ako kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatanong na matagal ng naglalaro sa isip ko na kailan man hindi ko nabigyan ng sagot

Bakit ganon?! Kapag nagkulang iiwan ka kapag sumubra ka naman pagsasawaan ka?! Ano ba ang dapat kong gawin?! Ang tanga tanga ko!

"Jungkook.... I'm sorry" umiiyak na siya habang sinabi ang matagal ko nang inantay na sasabihin niya saken, bigla naman akong napaluha sa sinabi niya

"Sorry kung iniwan kita, sorry kung nasaktan kita, sorry kung iniwan na lang kita bigla, sorry kung kinailangan 'kong umalis, sorry talaga Jungkook....." sabi niya at unti unti itong dumilat at hinawakan ang pisngi ko kasabay ng pagtama ng mga mata namin

"Jungkook, hindi ka nagkulang... ako yung sumobra, im sorry pero kasalanan ko nagtake risk ako... im so sorry its all my fault Jungkook, you'll understand me someday" sabi niya tsaka tumulak ng ngiti sabay luha, agad naman niyang hinalikan ang nuo ko

"Be happy with her, nochu" sabi niya pagkatapos nun at tumulak ulit ng ngiti kasabay ng pagsabi niya sa dating tawag niya sa akin.

Hindi ako umiling at hindi din ako tumango sa sinabi niya, imbes ay tinignan ko siya sa kanyang mga mata.

Mga matang matagal ng linunod ang sarili ko, malapit ng magkalapit ang mga mukha namin at nakatingin kami sa mata ng isa't isa

"I still love you, Rosé" bulong ko dito pero ngumiti lang siya..... ng tulak

"Dont love me Jungkook, love her because she deserves it. I dont deserve you at mas lalong hindi mo ako deserve" aniya at pumikit siya ng mariin kasabay ng pagbitaw niya sa pagkakahawak niya sa akin

At tuluyan na nga itong nakatulog, pinunas ko na rin ang luha ko at umalis na sa kwarto

I still love you but not in the way it was before, Roseanne Park.

Love ScenarioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon