LS - 059

1.5K 32 5
                                    

~JK~

Naiyukom ko ang kamao ko at nakaramdam ako ng galit sa chinat sa akin ni Lisa kanina na kasama niya si Taehyung. At nagdilim din ang paningin ko nang makita 'kong pinost ni Taehyung yung picture nilang dalawa. 

Hindi ko alam sa sarili ko diba nga nagpapanggap lang kami pero bakit?  Bakit ko kailangang maramdaman 'toh?!

Dapat nga diba maging masaya ako, kasi magkasama sila ng taong mahal niya at magkasama kami ng taong mahal ko dahil heto yung gusto namin eh. Pero hindi ko lang maintindihan yung sarili ko ngayon.

"Jungkook... " napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Rosé na papalapit sa akin "Sorry ha pabigat pa ako sayo" ngumiti si Rosé sa akin, umiling naman ako

"kahit kailan Rosé hindi ka naging pabigat sa akin" sabi ko naman at hinawakan ang pisngi niya at tumango naman siya

"masakit pa ba ang ulo mo?" tanong ko

"hindi naman na" sambit niya "uhm...  Jungkook, may nasabi ba ako kagabi?" Tanong nito, mukhang wala siyang naalala.

"wala naman, ano pumunta ka lang dito sa bahay" sagot ko naman

"sigurado ka ba? Baka kasi may nasa--"

"bakit? May kailangan ba akong malaman?" tanong ko at natigilan naman siya

"W-wala naman" liar.

"kung ganon kumain ka muna" sabi ko at iginaya siya sa kusina

"goodmorning ate!" bati naman ni Soyeon sa kanya "Goodmorning din" ngumti naman si Rosé

"kamusta na ang pakiramdam mo ate?" tanong ulit nito

"okay na din naman" sabi niya tsaka umupo sa tabi ko

Kumain naman kami at nagusap lang si Soyeon at Rosé habang ako hindi lang ako kumikibo. Wala yata ako sa mood minsan kasi ang hirap intindihin ang sarili ko.

Parang naapektuhan talaga ako kina Taehyung at Lisa kanina. Hindi ko alam at hindi ko rin maintindihan kung bakit ko 'toh dapat maramdaman.

Eh dapat nga maging masaya ako kasi kasama namin yung mga mahal namin pero bakit?!

Nagseselos ba ako?

Tapos na kaming kumain at nandito ako ngayon sa kwarto ko katatapos ko lang maligo. Si Rosé naman naliligo at pinahiram siya ni Soyeon ng damit.

"Jungkook..." tumabi naman si Rosé sa akin sa balkoneha nang kwarto ko "Sorry ulit ha" aniya

"ilang beses ko 'bang sasabihin sayo na ayos lang?" tumawa naman kami sa sinabi ko

"may tanong sana ako sayo" napatingin naman ako kay Rosé "mahal mo ba talaga Lisa?" natigilan naman ako sa sinabi niya.

Pati tuloy ako hindi mapigilang mapaisip kung mahal ko nga ba talaga siya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Hin--" naputol naman ang dapat 'kong sasabihin nang may tumawag sa Cellphone ko. Agad ko naman iyong kinuha at tignan kung sino yung caller.

Si Lisa.

"Hello Lisa"

["Jungkook, pwede mo ba akong puntahan?"]

"umiiyak ka ba?! Asan ka??"

["Dito sa bahay."]

"sige papunta na ako"

Binaba ko na nga yung tawag at tumingin ako kay Rosé na nakayuko, "pasensya ka na Rosé ah kailangan ako ni Lisa ngayon" sabi ko at dali dali 'kong kinuha yung susi ng motor ko.

"Okay lang. Unahin mo muna yung mahal mo" ngumiti siya ng mapait at tumango lang ako.

Mahal ko nga ba talaga si Lisa?

Iyan ang nasa isip ko sa buong byahe patungo sa bahay nina Lisa. Kumatok naman ako at bumungad sa akin si Jin hyung

"hyung, si Lisa?" tanong ko

"nasa taas-- tekaa! Baka may gawin kayo ah! Malilintikan ka sakin Jungkook!" pinanlakihan naman niya ako ng mata

"Jin hyung naman! Oo manyak ako pero rinerespeto ko naman ang kapatid mo"

"panindigan mo yan. Pero sa totoo lang nakakadiri na may dalawa akong tropa na may gusto sa kapatid ko!"

"tsss! Iba ako Hyung" nakipag fist bumped pa ako sa kanya bago tumungo sa kwarto ni Lisa.

Kumatok ako sa kwarto niya "sino yan?!" sigaw niya "si Jungkook toh" sabi ko naman tsaka niya binuksan yung pinto at agad niya akong yinakap.

I really feel comfortable when im with her.

Pumasok na nga kami sa loob, naupo kami sa kama niya "Nagkita kami ni Taehyung.."

"sinaktan ka na naman niya?" mariing tanong ko

"hindi, pero sabi niya we are better of as friends. Hindi ko man lang nasabing mahal ko pa rin siya nanghingi na siya ng closure" she said sobbing

"mahal mo pa rin siya?" tanong ko

"i hate to say this Jungkook but... Yes! I still do!" umiyak na siya at agad ko naman siyang yinakap "kung pwede lang turuan ang pusong hindi siya mahalin ginawa ko na" dagdag niya

"ikaw Jungkook, mahal mo pa rin ba si Rosé" tanong niya.

Hindi ko alam.

Tumingin lang ako deretso sa mga mata niya.

"Hindi, May mahal na akong iba. "

***

Sorry for the long time i didn't update to this story. Naisipan 'kong gumawa ng isa' pang book na hindi na fanfiction. What do you guys think?

Love ScenarioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon