---------------
------------------------------Y/N
"Psst! Y/n, ano ba kasing ginagawa natin dito?!" kanina pang reklamo ni Jihoon sakin.
Sandali ko syang sinulyapan at kita sa mukha nya ang pagkabagot.
"Mauna kana kung gusto mo," suhestyon ko "Baka nakaka-abala na rin ako sayo. Pasensya na..." sabi ko pa.
Nakita ko ang paglinga-linga nito sa paligid bago ngumisi.
Tss -,-
"Libre mo muna ako. Pleaseee?" aniya ng naka-nguso "Pretty please?" sabay puppy eyes.
"Fine!" pigil ang inis na sabi ko saka sya hinila papunta dun sa coffee shop na sinasabi nya.
"Hi miss," naka-ngiting sabi nya dun sa kahera na halos mamatay-matay naman sa kilig.
"S-sir?" nau-utal pa na wika nung kahera "A-ano po y-yun?"
"Give me your bestseller coffee for two. Thanks." sandali pa kaming nanatili sa cashier para bayaran ang lahat ng order namin.
"Hindi naman halatang sumama ka lang sakin para magpa-libre." biro ko sakanya bago sumimsim sa kapeng inabot nya.
"You like it?"
"Hmm," tango ko "Masarap..."
"Well, that's my favorite." naka-ngiting wika nya na para bang may inaalala syang masayang pangyayari sa buhay nya "Thanks Y/n..."
Hindi naubusan si Jihoon ng kwento kaya naman ako ang naubusan ng pasensya sakanya sa kaka-asar at tukso nya sakin.
Hanggang sa hindi ko namalayan na palubog na pala ang araw at baka hinahanap na ako sa bahay.
"Jihoon, uwi na tayo." sabi ko sakanya na tuwang-tuwa pa dun sa arcade game na mag-hapon na naming nilalaro.
'Psh! Hindi yata uso sa taong 'to ang tama na.'
"Jihoon," tawag ko pa sakanya pero di nya ko pinansin.
"Wait, last na 'to..." kanina nya pa yan nasinasabi, pero wala. Walang nangyayari!
"Cr lang ako," paalam ko "...at dapat pagbalik ko ay tapos kana dyan. Malalagot ka talaga sakin!" banta ko sakanya bago ako tuluyang umalis.
"Manong?" tawag ko dun sa sekyu na agad naman akong nilingon "Saan po ang comfort room?"
Sinunod ko ang direksyon na sinabi nya na hindi naman kalayuan mula sa pinanggalingan ko. Dahil tanaw ko pa mula rito si Jihoon.
Pumasok ako sa loob at inayos ang kaunting lukot sa damit na suot ko. Hindi nagtagal ay lumabas na rin ako.
"What the?!---" bulaslas ko ng makita ko kung sino iyong naka-tayo mula sa mini-bench at palinga-linga.
Naiirita ako sa ginagawa nya.
At nag-init ang ulo ko ng makita kong tignan nya si Jihoon ng masama.
Hindi sya gaanong makalapit kay Jihoon na busy pa din sa paglalaro dahil sa dami ng tao sa paligid kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na lapitan sya at hilain mula doon palayo.
"Got you!" ngumisi ako.
"B-bitawan mo ako," aniya sa malalim na boses.
"Sino ka?" takhang tanong ko habang tinitignan ang mukha nya na pilit nyang iniiwas saakin.
"Hindi mo na ako kailangang kilalanin. Dahil matagal mo na akong kilala..." nabitawan ko ang kamay nya sa gulat.
'Hindi mo na ako kailangang kilalanin. Dahil matagal mo na akong kilala...'
What the hell?!
To be Continued...
***------------------------------
---------------
BINABASA MO ANG
Dealing with a Playboy (JungkookxReader's Story)
Fanfic(JungkookxReader's Story) Some parts may include matured contents. So please be aware. Read at your own risk. [On-Going] #1