Please vote and comment po para naman maganahan akong magsulat.
Let's spread the word.
"Falling In Love To Someone I Shouldn't"by bluemia
Sana magustuhan niyo.
*************************
CHAPTER THREE:
Seatmate
*************************
Nakakalungkot talagang alalahanin ang nakaraan.
*Kriing*Kriing*
Oops time na.
Parang ang bilis naman ng oras ngayon. Parang kararating pa lang namin eh.
Oh well. Pumunta na kami sa classroom namin. Baka kasi malate pa kami ni Cat. First day pa man din.
Dumiretso na kami sa classroom namin.
Pagkapasok pa lang namin, nakita ko na agad si Kyle. Nasa may malapit sa bintana siya kasama ang kaibigan niya ata. Parang new face 'yong katabi niya. Transferee siguro.
Nag-meet ang mga mata namin ni Kyle. Nag-init agad ang mukha ko kaya iniwas ko ang mga mata ko.
"May vacant seats ba?" tanong ko kay Cat.
Tumingin tingin kami kung may vacant seats pa ba.
"Do'n oh."
Tinuro ni Cat ang dalawang vacant seats sa may likuran nina Kyle. Pumunta kami do'n at do'n na kami umupo.
Kinalabit ako ni Cat. Tumingin ako sa kaniya.
"What?"
"May bago na akong crush." kinikilig na sabi ni Cat.
Ito talagang si Cat. Nagma-man hunting na naman.
"Sino na naman ang malas na lalaking 'yan?"
"Grabe ka naman."
"Whatever. Oh, sino na nga?" I impatiently asked.
"Wow ah. Excited masyado? Chill lang. Di lang makapaghintay gano'n."
"Naaasar na'ko Cat. Sino na kasi?"
Kinikilig na ngumiti si Cat.
"Wow ah. Di ka rin malandi ano. Makangiti naman."
"Eeih."
"For the nth time, sino na nga?"
"'Yong katabi ni Knight in signing armour mo." kinikilig na sabi ni Cat.
Tumingin ako sa harapan namin.
"Alin? 'Yong nasa kanan o 'yong nasa kaliwa?" tanong ko kay Cat.
Nasa gitna kasi si Kyle.
"'Yong nasa kanan."
Tinignan ko kung sino 'yong nasa kanan ni Kyle kaya lang 'di ko makita 'yong face kasi nga nasa likuran lang nila kami.
"Ang gwapo niya 'no?" kinikilig na tanong ni Cat sa'kin.
"Oo nga eh. Grabe kita ko nga eh. Nasa likuran lang naman tayo nila kaya syempre kitang kita ko ang pagmumukha niya. Grabe. Kitang-kita ko nga eh." sarcastic kong sabi kay Cat.
"Whatever Elizabeth."
She rolled her eyes.
"Ewan ko sa'yo. At saka pa'no mo naman nasabing gwapo eh nakatalikod nga siya oh?"
"Naspotan ko siya kanina nang naghahanap tayo ng vacant seats."
"Ahhh."
Dumating rin ang teacher namin.
"Good morning class."
"Good morning sir." sabay-sabay naming bati sa teacher namin.
Nagpakilala muna 'yong teacher namin saka siya nag-assign ng mga seats.
Pauupuin sana si Kyle sa may likuran kasi medyo may katangkara ito nang sinabi nito na near sighted siya kaya nag-stay na siya sa harapan.
Okay na rin 'to para nasa harapan ko na lang siya lagi. ^_^
Nagulat ako nang biglang nagtaas ng kamay si Cat.
Ano na naman kayang kalokohan ang gagawin nitong lukaret na 'to? Baka kung ano nanaman gagawin nito.
Tinawag naman ito ng teacher namin.
"Sir near sighted rin po si Elizabeth kaya hindi niya po masyadong makikita ang mga isusulat sa pisara. Puwede daw po ba siyang magpalipat sa harap."
Ha? Ako? Near sighted? Weh? Kelan pa? Bakit ikaw alam mo eh ako nga mismo 'di alam eh? Pwede ba 'yon?
"Is that so? Well then, Miss Saavedra you may sit beside Mr. Perez."
What?! Sa tabi niya. You've gotta be kidding me.
"Pero...Sir... Kasi... Ano..."
"Please move fast Miss Saavedra."
Aangal na sana ako kaya lang baka mainis sa'kin 'tong teacher namin. Wala na akong choice kundi tumabi kay Kyle.
Kinuha ko na ang mga gamit ko. Nakita ko namang nakangiti lang si Cat. I glared at her. Mas lalo lang siyang ngumiti.
Umupo na'ko sa tabi ni Kyle. Grabe. Naramdaman kong uminit agad ang mukha ko. Alam kong nangangamatis na naman ako ngayon.
"Are you alright Miss Saavedra?" nag-aalalang tanong ng teacher namin.
"Sir?"
"Are you okay? Namumula ka."
"H-ha?"
Grabe pati si sir napansin 'yon. Nakakahiya.
"May nararamdaman ka bang kung ano?"
"Wala po sir."
"Are you sure?" paninigurado ng teacher namin.
"Yes sir. I'm fine."
"Okay then. Let's continue."
Nakarinig ako ng hagikgik sa likuran kaya tumingin ako sa likod ko.
Si Cat!
I glared at her.
Grabe lang ah. Napeace sign lang siya. Tss.
"Are you really okay?"
Oh my gosh.
I know that voice.
*************************
CHAPTER THREE:
Seatmate
*************************
Sorry kung short lang siya. Nadelete ko kasi 'yong una kong ginawa. Oh well.
Please vote and comment po para naman maganahan akong magsulat.
Let's spread the word.
"Falling In Love To Someone I Shouldn't"by bluemia
^_^
BINABASA MO ANG
Falling In Love To Someone I Shouldn't.
RomansUmaasa siya pero wala na siyang ibang magawa kundi ngumanga. Akala niya siya na, 'yon pala ginagamit lang siya. Not just once. Naging tanga siya ng paulit-ulit.
