Naisip ko lang toh habang nakasakay ako sa tricycle papuntang airport para mag duty. Ambagal kasi mag drive ni manong. Daydream. hope you guys like it.
I myself love it.
Comment/ vote. :)
______________________________________________________
Nagda'drive ako ng motor ko papuntang trabaho ng biglang bumagal yung daloy ng trapiko, buti na lang may motor ako at nakakasingit kahit papaano.
"Ayyy. Trap oh." sabi ko na lang sa sarili ko. May malaki kasing truck sa gilid ko, kailangan ko pang antayin na umandar yun para makausad ako ulit o kaya naman itong pick-up truck na rusco sa harapan ko.
Napatingin ako bigla sa babaeng nakaupo sa may likod ng pick up truck. Nakaside view siya, maputi, hanggang balikat yung buhok niya at mukha naman siyang matangkad. Sa tingin ko nga mag ka edad lang kami.
Lumingon siya bigla sa akin pero bago pa niya makita na tinitignan ko siya tumingin na ako sa ibang diresyon. Nagulat ako ng bigla siyang kumaway.
"UI!!!! HEEELLLOOO!" sigaw niya habang kumakaway.
Kilala niya ako? Tumingin ako sa kanya tapos sa likod ko kasi baka iba naman tinatawag niya tapos tinignan ko ulit siya. Sumenyas siya sa akin na tanggalin yung helmet ko, tinanggal ko naman. Nginitian lang niya ako.
"Kilala mo ako?" tanong ko.
"huh???" maingay kasi sa paligid, hindi niya ako siguro marinig. Pinaandar ko konti yung motor ko malapit sa sinasakyan niya.
"SABI KO KILALA MO AKO?" sigaw ko.
"Hindi ee." Umiling siya at ngumiti. Ang ganda ng ngiti niya. Natawa ako bigla hindi pala niya ako kilala pero kinakausap niya ako.
"Bakit mo ako kinakausap?" tanong ko.
"Bawal ba? I'm bored."
"Saan ka ba pupunta? I mean kayo?"
"Sa may fairview lang malapit. ikaw?"
"Parehas lang tayo ng dadaanan papasok ako ng traba---"
Biglang umandar yung sasakyan nila. Sinundan ko sila. Hindi na ako nagsuot ng helmet ko. Nagkwentuhan kami habang umaandar yung sinasakyan niya at habang nagmamaneho naman ako ng motor ko pero kailangan namin magsigawan para magkadinigan kami, maingay kasi sa paligid. Nag eenjoy naman kaming dalawa sa ginagawa namin. Siguro nga nakikita kami ng ibang tao pero hindi namin alam, busy kasi kami magkwentuhan.
"ILANG TAON KA NA?" sigaw ko ulit.
"20. IKAW?"
"21. MUKHA KANG BATA."
"ANO?" tanong niya.
"MUKHA KANG BATA PARA SA AGE MO." sigaw ko na naman. Napangiti siya, lalo siyang gumaganda habang nag uusap kami. Parang gusto ko tuloy magka'traffic at mapalapit lalo sa kanya. Para kaming naghahabulan.
"Taga saan ka?"
"HUH?" di ko naintindihan sinabi niya bukod kasi sa maingay sa paligid kailangan ko din mabalance yung attention ko sa kanya at sa pagmamaneho ko, delikado kaya 'tong ginagawa namin. Yari pag nahuli akong walang helmet.
"TAGA SAAN KA?" sigaw niya.
"AHH. TANDANG SORA. IKAW?"
"PHILCOA."
Napangiti ako kasi hindi kalayuan yung mga bahay namin. Nakita ko na yung kailangan kong paglikuan at male'late na din ako kaya kailangan kong magmadali.
"LILIKO NA AKO." sigaw ko habang sumesenyas yung kanan kong kamay. Bigla din bumilis yung sinasakyan niya. Kumaway siya sa akin ng nakangiti. Ang ganda niya. Sayang di ko man lang nakuha pangalan niya. Dumiretso na ako sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Love On The Road[One Shot]
RomanceThey were on the same road but unfortunately not in the same destination.