Chapter 29: Good bye!

185 7 3
                                    

Darren's POV

Maaga akong nagising ngayong araw kahit na last flight pa kami

Gusto ko kasing puntahan si Fiona sa school eh para sabihin sa kanya na sumama na lang siya kanila JK mamaya sa airport.

Sa totoo lang hindi ko naman gustong umalis dito eh. Dahil sa mga tao na nagmamahal sa akin parang ayokong umalis. Especially dahil kay Fiona.

Kamusta na kaya si Ella? Natatandaan niya pa yata ako? Ano na kaya yung mukha niya? Ganoon pa rin ba siya?

"Darren?" narinig kong sabi ni mommy papasok sa kwarto ko

Sa totoo lang hindi ko gustong pansinin si mommy dahil lang sa fixed marriage na yun. Pero kung hindi ko ba siya papansinin mag babago ba ang lahat? HINDI

"Po?" sabi ko

"Pupunta ka diba ng school niyo para mag good bye dun sa mga kasama mo?"

Ay oo nga pala!

"Opo mommy"

"Umalis na kayo ni manong para magkaroon ka ng mahabang oras doon sa mga kaibigan mo"

Tama naman si mommy. Nag ayos na ako at lumabas sa kwarto ko

"Darren dalhin mo na lang kaya si Lynelle" sabi ni mommy sa akin

"Bakit po?" abi ko. Bakit nga ba? Wala namang gagawin dun si Lynelle eh

"Eh gusto niya daw makita si Fiona eh"

Talaga?

"Sige po!"

"Kuya lets go! Dali! Gusto kong makita si Ate Fiona" sabi niya at parang ang saya saya niya. 

Pumasok na kami sa car.

"Lynelle wag kang makulit doon ha" sabi ko sa kanya

"Hindi naman ako magiging makulit eh. Gusto ko lang makita si Ate Fiona" sabi niya

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Wala pang ilang minuto nandito na kami sa school

Pagpasok ko palang marami ng bumabati sa akin

Pai kay Lynelle

Dumiretso na ako sa classroom namin

Nandito na kami sa tapat ng pinto ng...

"Ate Fiona!" sumigaw si Lynelle

-_-

"Lynelle sinong kasama mo?" narinig kong sabi ni Fiona

"Si Kuya Darren" sabi naman ni Lynelle

"Nandito si Darren?" singit naman ni JK

"Yes Kuya JK ayan siya oh:" tinuro naman ako ni Lynelle

"Uy Darren! Nandyan ka pala di ka pa nagpa-pakita"sabi sa akin ni Katnis

"Wala lang. Ahhmmm..ano..kasi.." sabi ko

Ay nako Darren! Bakit ba ako nauutal?

"Bakit?" sabi ni Fiona

"Punta kayo mamaya sa airport ha. Gusto ko kasing mag-good bye sa inyo'

Biglang nalungkot si Fiona sa sinabi ko

"Ay oo nga pala! Sige pupunta kami doon! Promise! Diba Fiona?" sabi ni Katnis habang nakatingin lang kay Fiona

"Diba Ate Fiona pupunta ka?" sabi ni Lynelle

"Sige!" sabi niya

"Magkita na lang tayo dun ha!" sabi ko

Fell in love with Mr.Domino (Darren's FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon