Chapter 25: 5 days left

196 6 3
                                    

Wala na kami ni Darren... Tama naman diba ang ginawa ko? Kaysa naman ipilit ko yung sarili ko sa kanya eh may fixed marriage na pala na nakatadhana sa kanya

Wala akong magawa dito sa bahay. Wala pa kasi si Ate eh. Ano kaya yung reaksyon niya kapag nalaman niya na totoo yung sinabi niya na babalik na si Darren sa Canada?

Katnis Calling

F: hello?

K: kamusta ka?

F: Katnis pilitan ko man na maging okay, ayaw talaga eh

K: alam mo naman diba na ikaw pa rin ang mahal ni Darren?

F: ewan ko. Ahmm kailan pala alis niya?

K: ewan baka 5 days from now??

F: sana hindi na lang toh nangyare

K: sana nga..

F: katnis I have to do something pa kasi eh. Bye!

K: bye Fiona! Kaya mo yan

I ended the call

Haay nako, sana nga hindi na ito nangyari. Dapat ba may itinadhana talaga sa isang tao? Hindi ba pwede na paibigin siya ng malaya?

Naiiyak na ako. Binuksan ko yung cellphone ko at nakita ko agad ang lockscreen ko. Ang saya ko dito kasama si Darren. Lahat ng photos at music ko lahat kay Darren. Kamusta naman? Paano ko mawawala ang tinik sa puso ko? 

Naramdaman ko na unti-unting may pumatak na luha sa mata ko....

"Fiona?"

Nakita ko si ate at niyakap ko siya kaagad. Hindi ko kasi kaya na makita niya akong malungkot eh

"Anong nangyare?"

"Ate aalis na si Darren" sabi ko

"ha?!"

"Bingi ka ba ate? Tama ang rumor na yun. Aalis na siya" sabi ko sa kanya

"Eh hindi na ba siya babalik?"

Ate naman!

"Syempre hindi na at ang masakit pa..."

"Ano ba?"

"Fixed Marriage ate"

"What!" halata sa mukha niya na gulat na gulat siya

"Oo at sabi ni Katnis baka 5 days from now wala na siya dito sa Philipines" sabi ko

"Fiona!" narinig kong sigaw ni mommy

"Bakit po?" sagot ko naman sa kanya

"Ano yung nabalitaan ko na.."

"Ma tama ho iyon babalik na po si Darren sa Canada"

"Anak, wag ka ng malungkot baka babalik pa naman siya dito o di kaya kung hindi man siya babalik ikaw pa rin ang mahal niya" sabi ni mommy sa akin

Fixed Marriage na nga eh...

"Ma sa labas na lang tayo mag-usap"sabi ni ate

Gusto ko ng maiyak. Bakit ito p ang nangyayari? Hindi ba pwedeng wala na lang ang fixed marriage sa buhay ng mga tao? Paano kung hindi mo mahal ang tao na yun? Dapat ba talagang ipilit?

Ang unfair naman ni universe oh! Kung saan na masaya na ako saka pa niya ako ginanito! Tss!

Hindi ko maimagine five days from now wala na. Wala na ang lahat. Ito yung mga pangyayari na ayaw ko eh.

Pero wait, Sino kaya yung ipapafix marriage kay Darren??

Author's Note

Readers! Im so sorry hahahaha! eto na po siya! Ang ikli noh? Hayaan niyo na hahahaha. Thank you talaga sa mga nagre-read ng story ko :*

P.S.

I'll try to update! :*

Fell in love with Mr.Domino (Darren's FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon