Sexy Chapter 5 <3

15 1 0
                                    

Napadilat ang mata ni Ethan sa Sakit ng ulo at Sinag ng araw na Pumapasok sa kanyang Condo.

Tanghali na.

"Aray Pakshet"

Mura nya ng subukan nyang tumayo at Pinagsisihan rin sa huli dahil sa sakit ng ulo ay nahulog lamang sya sa kanyang Kama.

"Aargh 'asan ba 'yung phone ko?"

Litanya nya habang Gumagapang ang kanyang kamay sa isang lamesa katabi ng kanyang kama. Pikit ang kanyang mata dahil sa tuwing didilat sya ay parang Pinupukpok ang kanyang Ulo. Nang mahanap ay Dali dali syang nag-dial ng Isang Number.

"Hello Van"

"Oh ano? Hulaan ko ha? Lasing ka nanaman 'no? Tapos? Tatawag ka sakin? Kasi hindi ka makabangon? Iinom inom ka tapos Kinabukasan kapag hindi ka makagalaw dyan sa Kama mo ako ang Tatawagan mo? Ha? Aba Matinde."

Sunod sunod na sermon sakanya ng Kaibigan. Kilalang kilala na talaga sya nito.

"Uhmm Oo eh. Sorry Van. Hayaan mo Ililibre nalang kita-"

Ngunit hindi na sya pinatapos ng Kaibigan dahil Sumabat nanaman ito.

"Sus Gagawin mo pa akong Bata eh. Oo na. On the way na ako. Pasalamat ka wala si Beysen dito, Kung hindi Ayy nako. Bahala ka sa buhay mo."

"Oo na po sorry. Kaya Mahal na mahal kita eh."

"Lul. Basagin ko bungo mo eh. Sige Ibababa ko na 'to. Punta na 'ko dyan."

"Haha Gege."

--------------------

"Oh ito na yung Gatas mo. Iinom inom kasi wala naman palang binatbat pag may Hangover ka na. Inom pa more"

"Salamat. Sorry na. Wala lang talaga akong magawa kagabi eh."

Dahilan nya pagkaraan ay Inabot ang isang baso ng Gatas at ininom upang makabawas sa sakit ng Ulo.

"Magkasama nanaman kayo ni Chrodd Kagabi 'no? 'Yung lalaking 'yun talaga."

"Ahhh Oo."

"Sabi na nga ba eh. Wala talagang ginawa 'yung Lalaking 'yun kundi uminom. Tsk tsk"

"Hayaan nalang daw sya"

"K. Osya Magluluto muna ako ng makakain mo Boss, Manager, Amo"

"Sige Salamat"

"Tanga. May Bayad 'to"

Wika nito at dumiretso na sa Kusina.

"Sabi ko nga"

Bulong nya sa sarili ng maka-alis na ang Kaibigan. Pinilit nyang tumayo upang maglinis ng katawan, Sa huli ay nagtagumpay naman sya ngunit nakahawak parin sa pader upang kumuha ng suporta para hindi matumba.

--------------------

Matapos nyang Maligo ay dumiretso na sya sa Kusina. Medyo nawala naman na ang tama nya ngunit masakit parin ang Ulo nya.

"Oy. Tapos na 'to oh. Kain ka na."

Naabutan nya ang Kaibigan na Naghahain na ng kanilang Kakainin sa Kusina.

"Wooow. Namiss ko 'to. Lagi nalang kaya akong mag-lasing para laging may gan'to ako? 'No? Hahahaha."

Biro nya sa Kaibigan na nagsasandok ng Fried rice.

"Neknek mo. Ano ako? Taga-silbi? Kumuha ka ng Katulong kung gusto mo. Gago 'to."

"Hahaha Joke lang naman eh.

"Ewan ko sayo. Oh ito, Gumawa ako ng Egg drop soup para mawala 'yang sakit ng ulo mo."

Inabot sakanya ng Kaibigan ang isang mangkok na Umuusok pa sa Init.

"Wooow! Salamaaat!"

"No Prob. Oh kain na."

--------------------

"Grabe ilang linggo ka ba hindi kumain? Taob yung Kawali sa'yo oh. Ang lakas mong kumain. Kulang nalang pati plato Dilaan mo eh."

Wika ng Kaibigan nya habang nililinis ang pinagkainan nila Kanina, Sya naman ay Naghuhugas na ng kanilang Pinagkainan. Wala narin ang sakit ng Ulo nya.

"Hahaha Grabe ka, Gutom.lang talaga ako. Ilang araw na akong walang Kain ng Maayos eh. Bawal naman kasi kumain ng Marami remember?"

Litanya nya habang Sinasabon ang isang baso sabay flex ng kanyang Muscles.

"Sus Patay gutom ka talaga Aminin mo na. Tinalo mo pa ako eh 'no? Kunyari pa 'tong mahina kumain. Tatalunin mo rin pala ako. Yuck wag mo ngang ipakita 'yang Buto't Balat mong katawan sakin baka ibato ko sa'yo 'tong Hawak-hawak kong Plato. Mandiri ka Bro"

"Hahahaha Gutom lang talaga ako! Ganito naman ako palagi hindi ka pa nasanay! Anong Buto't balat ka dyan!? Andaming nagkakandarapa dito! Alam mo 'yan! Pasalamat ka nga at may Kaibigan kang Hunk eh."

Sabi nya ng nakangisi pa habang binabanlawan na ang mga Nahugasang plato.

"Oo Patay Gutom ka Ever. Yuuuck! Wala kang Maskels! Si Brysen ko 'meron! Like duh?! Kung alam lang n'yang mga Fans mo na nagkakandarapa ka sa isang kaulad ko. *flips hair* Hindi rin ako nagpapasalamat dahil minsan Ginugulo nila ako. Bwisit sila. Minsan nga may binato ako ng itlog dahil sa sobrang kulit eh. Pati sa bahay ko nagkalat yung mga Garapata mo Hahahaha."

Pangaasar sakanya nito.

"Grabe. Ang sama mo talagang Babae ka. Bakit ba kita nagustuhan?"

Tanong nya dito habang Hinuhubad nya ang Apron matapos maghugas ng pinagkainan.

"Kasi nga, MAGANDA. AKO. *flips hair*"

"Hahahaha Oo na lang."

Matapos ang biruan ng magkaibigan ay napagkasunduan nilang pumunta sa isa pa nilang Kaibigan, Si Turk. Nagmamay-ari ang kaibigan nila ng isang malaking Amusement Park. Mayroon din Convinience store at ang pinakagusto nilang tambayan. Ang Orphanage.

(a/n Sorry Maikli lang po 'to. Wala ako sa mood mag-UD.)

Sexy, I Love You! (on-hold sorry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon