Chapter 7- Officially His--?!

43 5 6
                                    

In Life, EXPECT THE UNEXPECTED :)

Chapter 7

Ang aga aga pero badtrip na naman ako. May pangit kasing lalaki sa harapan. Mukhang kutong lupa na tinubuan ng mukha. Ewan ko ba kung bakit pa nag-exist sa earth 'tong bano na to. Kainis lang kasi parehas kami ng oxygen na hinihinga. Eew. Sa lahat ng teacher siya ang pinaka pangit at nakakainis!! Yung mere presence niya ay nakakasira na ng araw ko!

"Ms. Forteza, is there any problem?"

Nakita siguro nung unggoy sa unahan ang pagkayamot ko. Pake niya ba?

"Opo. Kayo po."

Poker face kong sagot. Nagtinginan ang mga kaklase ko sakin at nanlaki ang mata ni Sir. Tss. Problema ko naman talaga siya. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung anong ipapagawa niya sakin. Siguraduhin niya lang na matino yun kundi isusumpa ko siya at ang buong angkan niya.

"So iniisip mo pala ako?" Mapang-asar niyang sabi. He smirked at me. Yuck. Ansarap dukutin ng mata niya at ipakain sa goldfish.

Inantabayanan ng nga kaklase kong echosera ang magiging sagot ko. Yung mga kaibigan ko naman binigyan ako ng 'ayie-iniisip-mo-pala-si-sir' look. Tss.

"Opo,sir. I am thinking of ways on how will I incinerate you. Oh, maybe I should not bother thinking? 'Coz you'll burn in hell shortly."

Alam kong below the belt na yung sinabi ko pero hindi ko mapigilan ang bibig ko. Nagsigawan ang mga kaklase ko. May sumigaw ng 'WOAHHH! ANG HARD!' at 'SABUNUTAN! SABUNUTAN!'

Sabunutan? Bakla yata tingin nila kay bano.

They are anticipating our cat fight. Sumama ang mukha ni Sir. Wait. Let me correct that. LALONG sumama ang mukha ni sir.

I gasped. Wrong move yata ang nagawa nito. Baka pahirapan niya ako sa ipagagawa niya sakin!

Ansama pa rin ng tingin ni sir sakin. Oh no. Natahimik na ang lahat. Nakatingin lang sila kay sir tapos maya maya sakin naman. Hindi ko alam kung kakabahan ako o matatawa. Ampangit kasi ni bano magalit. Parang bull na natatae.

In the end napagdesisyonan kong tapatan ang tingin ni sir. Ako ang nagsimula nito kaya ako rin ang magtatapos. Kung ano man ang mangyari sakin bahala na. Para na ngayong may imaginary na electric current sa pagitan namin. Walang nagsasalita. Walang kumikilos. So hanggang kailan kami ganito? Naiiyak na yung mata ko kasi kanina pa ko hindi kumukurap!

After a few seconds ng titigan ay naglakad siya.. papunta sakin? Ah, hindi. Baka sa CR. Ilalabas na niya siguro ang 'sama ng loob' niya.

Hakbang. Hakbang. Hakbang.

Napatunganga ako sa kanya ng tumigil siya sa harapan ko. He leaned downwards at ngayon ay magkatapat na ang mukha namin. Ewan ko pero parang uminit ang mukha ko bigla. May nagpatay ba ng aircon? Ay, wala nga palang aircon dito.

Ayoko Talaga Sayo! Gets mo?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon