Chapter 2: Lunaria Of Tauria

104 8 1
                                    

Theodore's POV

Naglalakad kami ngayon at ipinagpatuloy ang aming misyong bantayan ang buong Legendaria.

Bumalik na si Vianus sa kanyang katawang tao at nasa likuran namin siya kinakausap si Fortchtwig.

Mukhang nakabuo yata sila ng mas makapal pa na koneksyon sa isa't isa. Naalala ko naikwento nga niya pala ang tungkol sa pagliligtas nilang dalawa kay Zack nung dinukot siya ng isang alien wizard. That's what happens when your living in the same universe.

Kasama rin namin ngayon ang batang florrian. Actually, kasalukuyan siyang nakasakay ngayon sa aking likod. Haha, sayang naman ang pagiging kalahating kabayo ko 'di ba?

Halos hindi pa nga makapagsalita ang batang lalaking ito. Masyado yata siyang nagulat sa mga pangyayari.

"Kumapit ka lang diyan ng mahigpit..." sabi ko.

Bigla namang nagsalita si Greenwizard...

"Parang kailan lang noong huli akong nakatapak sa lupang ito..." sabi niya at huminga ng malalim.

"Ano ba ang pinagkakaabalahan mo roon sa Earth Atarius?" tanong ni Zack at tinawag si Greenwizard gamit ang tunay nitong pangalan.

"Bumuo ako ng grupo ng mga malalakas na biniyayaang nilalang. Binabantayan namin ang earth mula sa mga masasamang nilalang. Nakakokonsensya nga eh, isipin niyo, pinoprotektahan ko ang Earth samantalang pinapabayaan ko naman ang lupang aking sinilangan..." sabi ni Atarius.

Bigla namang nagsalita si Vianus...

"Tigil, may naamoy akong kakaiba... May paparating!" sabi niya kaya naghanda na rin kami. Ginamit niya naman siguro ang kanyang kakaibang kakayahan.

Bigla namang may tumamang palaso sa lupang nasa harap namin at sumabog ito at lumikha ng barikadang yelo.

"Maghanda!" sigaw ko at inihanda ang aking pana.

Napayakap naman nang mahigpit ang batang florrian sa'kin.

"Huwag kang mag-alala, poprotektahan kita!" sabi ko.

Inihanda na rin nina Zack at Greenwizard ang kani-kanilang tungkod.

Bigla namang may sumigaw na babae mula sa kung saan.

"Sino kayo! Bakit kayo nandito sa nasasakupan ng Tauria!" sigaw niya at siya ay nagpakita.

Lumabas siya mula sa kakahuyan at ipinakita ang kanyang magandang mukha bitbit ang isang kakaibang pana.

"Isa kang Centaur?!" pagkagulat ko.

"Bakit, isa ka rin namang centaur ah, ano ang kaibahan do'n?!" sagot niya.

"Wala kaming masamang mithiin. Nandito lang kami para sa isang misyon..." sabi ni Zack.

"Teka lang? Ah!" sabi niya na para bang nagulat at napaluhod. Tinupi niya ang kanyang mga harapang paa at idinikit niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang napakalaking dibdib. Hooo! "Pasensya na po kayo sa aking kabastusan. Sana ay mapatawad niyo po ako mga mahal na pinuno ng Legendaria..." dugtong niya gamit ang kanyang nakabibighaning parang paos na boses.

"Ah... Walang problema, ma-maaari ka nang tumayo... Ahem..." sabi ko at tumikhim.

"Ah, matanong lang, ano ba ang ginagawa ng isang napakagandang centaur na kagaya mo rito sa gitna ng kagubatan?" tanong ni Dargath gamit ang isang pangmakatang tono ng pananalita. Huh. Maparaan din ang isang 'to ah.

"Pinoprotektahan ko po kasi ang lugar na ito mula kay Caprithorn at sa mga alagad niya... Ah, ikinararangal ko nga po palang ipinakikilala ang aking sarili. Lunaria, ang tagapagbantay ng bayan ng Tauria..." sagot niya habang dahan-dahang tumatayo.

********************

Mabilis lumipas ang oras at naabutan na kami ng kadiliman. Mayroon naman kaming apoy sa gitna na nagbibigay sa amin ngayon ng liwanag at init.

Hawak-hawak namin ngayon ang tig-iisang baso ng mainit na inumin panlaban sa lamig ng hangin dahil na rin paparating na ang taglamig.

"Pinoprotektahan ko ang lugar na ito simula pa lang talaga nung bata pa ako kasama ang aking yumaong ama na siyang unang tagapagbantay. Ngunit nang dahil sa isang pangyayari, ay nabura ang masasayang alaala na binuo namin ng aking ama sa isang iglap... Isang tahimik na hapon habang kasama ko ang aking ama sa pag-eensayo ay bigla na lang kaming nakarinig ng mga sigawan. Agad kaming tumakbo ni ama ng mabilis papunta sa maliit naming bayan. Ngunit huli na ang lahat. Halos mawasak ang aming mga puso habang nakatingin sa aming mga kabahayan na unti-unting nasusunog. Parang natigilan ako nung mga oras na 'yun at hindi nakagalaw. Dali-dali namang tumakbo si ama sa aming bahay nagbabasakaling maliligtas niya pa ang aking nakababatang kapatid, ngunit huli na ang lahat. Pati na rin si ama ay nadamay. Halos mawasak ang aking mundo na kahit sa mga pagkakataong ito ay dala-dala ko pa rin ang sakit. Kaya nga nandito ako para bantayan ang natitira at maghiganti kay Caprithorn..." pagkukwento ni Lunaria at biglang pinunasan ang kanyang mga luha.

Hindi ko maintindihan, pero nakatitig lang ako sa kanyang mga magagandang labi habang pinakikinggan ang kanyang magandang parang paos na boses.

Maganda naman talaga siya. Siya ay isang kulay puting centaur na mayroong magandang hugis ng katawan.

Tumikhim ako bago nagsalita...

"Ahem... Ahem... Ah, nakikiramay ako sa'yo Lunaria..." sabi ko.

"Ah, salamat..."

"Lumalalim na ang gabi mga kaibigan. Mukhang oras na ng pagpapahinga" sabi ni Zack at mahiwagang pinatay ang apoy.

*************

Nauna akong nagising. Parang nasasabik kasi akong makita si Lunaria. Haha. I'm 48 years old na kaya, so kailangan ko nang kumilos. Pero kung titingnan naman ako ay parang nasa 30's pa lang naman ako. Hindi sa binubuhat ko ang sarili kong upuan ha, pero magandang lalaki yata 'to. Ha ha ha.

Halos madilim pa ang paligid at medyo makapal pa ang hamog.

Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa akin at tumayo.

Nagulat naman ako na wala na si Lunaria. Nasaan na kaya siya?!

Baka multo lang 'yung nakausap namin kagabi. Naku hindi!

Agad akong pumunta sa malapit na maliit na ilog para manghilamos.

Nilusong ko ang tubig kahit na malamig.

Nanghilamos na nga ako at nung iminulat ko ang aking mata ay nagulat ako nung makita ko si Lunaria na nasa malalim na parte at walang suot na kasuotan sa kanyang parteng dibdib.

Diyos ko.

Napalunok ako sa aking nakita. Ah, wala pala akong nakita, nasa parteng dibdib niya kasi ang lebel ng tubig na tumatakip dito.

Naririnig ko namang kumakanta siya gamit ang isang kakaibang lenggwahe.

Ang boses niya ay parang kristal sa linaw at para itong tubig na kinalalagyan ko sa lamig. Mataas ang pitch ng kanyang boses at ang ganda na para bang kumakanta siya sa loob ng isang kweba.

At kumakanta siya habang hinahagod ang kanyang mga nakakabibighaning braso.

Tumikhim ako. "Ahem..."

Lumingom siya ng dahan-dahan at hinarap ako.

"Oh, magandang umaga haring Theodore..." sabi niya at lumapit.

Ano naman kaya ang balak ng babaeng centaur na ito?

Napalunok ako.

Natigilan naman ako kasi akala ko lalapitan niya talaga ako ng tuluyan, pero bigla na lang siyang umahon.

Alam kong wala siyang suot kaya hindi na ako lumingon pa. Tss.

Ano ba 'tong mga nangyayari? Ang aga-aga naman.

************

LEGENDARIA II: The Fire of Caprithorn (CSU SERIES #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon