.......Nakatayo sa harapan ng malaking tarangkahan ng palasyo sina Claudine. Nararamdaman nila ang bigat ng presensya sa loob nang biglang bumukas ang tarangkahan. Nag-aabang sa kanila ang mga centaur, dryad, Ogre at pati na rin ang mga tagabantay na Goblin. Walang pa isang minuto lumabas si Benjie sa palasyo kasama nito si....
"Chendy!!", ang sigaw ni Claudine. Lalapitan sana nya ito ng pinigilan sya ni Darwin.
Hindi mapigilang mapangiti ang dalagang mortal nang makita nya muli ang stepsister nya. Pero agad naman naglaho ang ngiti nya nang nagsalita ang Benjie.
"Buti at bumalik ka sa akin, Calamity. Kasama mo pa ang dalawang maharlika mula sa mga kalaban kong kaharian", sabi nito.
"Lagot ka sa kapatid ko! Baliw na aso!", hindi mapigilang mapasumbat sa inis si Chendy pero hindi naman sya pinansin ni Benjie. Nakatuon ang atensyon ng Pinuno sa isang bagay ang kwentas ni Claudine.
Kung sinuswerte nga naman.... I hit a two birds in a one stone!.
(Teka?! Tama ba yung grammar ko? 😅✌-kokok)
Humakbang si Darwin at tila pinoprotektahan nya si Claudine,"Pakawalan mo ang taong yan kung ayaw mo ng gulo dito sa balwarte mo", ang matapang nyang tuwiran.
Hindi ligtas ang Prinsipe sa mapanuring mata ni Chendy. Kaya, di maiwasang matitigan nito ang Prinsipe. Hanep tung si Claudine, ah? Nakabingwit ng gwapong nilalang!! Pero, wait! Napadako ang tingin nya kay Claudine. Napakunot ang noo nya na may napansin sya dito. Nagpakulay sya ng buhok?! Kokok lang?! Akala ko naglalakbay sya para mabuo ang perlas? Yun pala nagpakulay lang sya ng buhok?! Kokok lang ha?!
"Inuutusan mo ba ako? Aking pamangkin?", napatigil ang pagmomonologue si Chendy sa kanyang isipan ng nagsalita ulit ang Taong Aso sa tabi nya.
Bakas sa mukha nito na hindi nito nagustuhan ang pananalita ng Prinsipe. Base kasi sa tuno ng pananalita nito parang inuutusan ng Prinsipe ang Pinuno.
"Hindi yun isang utos. Kundi isang pagbabanta. Alam mo naman kung ano ang tunay kong kakayahan, aking Tiyu", hindi rin nagpasindak si Darwin.
Hindi alintana ni Prinsipe Darwin ang dami ng mga kalaban nila habang ang panig nya ay nasa apat lamang well, except lang kay Sarah na nag-anyong tutubi.
"Prinsipe Darwin, hindi ko akalaing sya ang kapatid ng iyung ama", bulong ni Claudine.
"Ganun na nga, sya ang aming Tiyuhin pero isang kaparusahan sa kanya sya napatapon dito. Pero, hindi namin akalaing magiging pinuno ka sa patapong kahariang ito, aking Tiyu", isang nakakainis na ngiti ang iginawad ng Prinsipe.
Napantig ang tainga ni Benjie sa tinuran ng kanyang pamangkin at wala sa sarili bigla nyang hinila ang kadenang nakakabit sa leeg ni Chendy kaya napadausdus sa marmol na sahig ang mukha ng dalaga.
Aray?! Bwes*t tung asong 'tong ah?! Isang matalim na tingin ang iginawad ni Chendy kay Benjie.
Nakita ni Claudine ang pangyayaring iyun na dahilan ng kanyang paggalit. Walang paligoy-ligoy syang sumugod at sa isang iglap lang nasa harapan na sya ni Benjie.
"Ano-?!", hindi pamagawang lumingon si Benjie nang sinipa na sya nito nang malakas. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi man lang nakapaghamda ang Pinuno.
Sa lakas ng impact ng pagkakasipa ay tumilapon si Benjie sa Tore kung saan ang kulungan ni Joanne.
Napahiyaw ang mga ibang halimaw at mga Goblin sa paligid na hindi makapaniwala sa pangyayari kaya naging alerto ang dalawang lalaki sina Kenneth at Darwin. Napansin ni Joanne na may hawak na gintong tela ang isang Goblin,"Ken.....kukunin nila ako. Gagamitin naman nila ang telang iyan", pagsumbong nya kay Kenneth.
BINABASA MO ANG
Eiy Bhie Ehm I : Pearl Of The Orient Seas |MASTERPIECE AWARDS 2021 1ST PLACER|
FantasyKapalaran ata ni Claudine ang magdusa, nawala sya sa tunay nyang mga magulang at napunta sa mundo ng mga tao. Sa una, maayos ang buhay nya doon pero may dumating na nagpapahirap sa kanya. Dahil din doon, muli syang bumalik sa Third World. At nalaman...