.............
Agad tinungo ng mag-asawa ang presensya ng kanilang anak nang biglang yumanig ng mas malakas pa sa nagdaang pagyanig ang naranasan nila. Kaya nung pagdating nila sa balconahe ay natagpuan nila si Darwin na sumisigaw sa pangalan ni Claudine.
"Nasaan si Claudine?!", tanong ni Kent sa binatang prinsipe na naging normal nitong anyo.
"Bigla lang sya nawala...", sagot ni Darwin.
"Alam ko na mangyayari ito...ang anak ko", napaluhod na lang si Keanna.
Dumating din sina Mother Clariz at Sarah na pasan ang walang malay nasi Easter. Yumanig ulit ang paligid at doon nila na pansin ang pagtubo ng isang malaking puno sa toktok ng nahating bundok. Kakaiba ang kulay nito kaya biglang nag-alala si Keanna. Agad nyang tinungo ang kakaibang puno sumunod naman sa kanya ang iba lalo na si Darwin na agad nagteleport. Kaya unang nakarating ang Prinsipe, nadatnan nila ang malaking ugat na kulay puti na nakadugtong sa katawan ni Claudine. Tila pakpak nito ay syang naging sanga sa puno. Maging ang balat nito ay nagkatulad na rin sa isang balat ng kahoy, ang mga daliri sa kamay nito ay may mga kulay kahel na dahon.
Lalapitan sana ni Keanna ang anak ng biglang lumitaw ang isang nilalang,"S-Shinigami?!", maluha-luhang sigaw nya.
Nagising si Claudine sa sigaw ng isang babaeng umiiyak dun nya nakita ang isang babae na nakaluhod sa lupa. Kahit gulagulanit na ang suot nito hindi matatabunan ang ganda ng babae. Nagulat sya ng napatingin sa kanya ang babae,"M-mama?", bulong nya.
"Ako na lang!! Ako ang dahilan nang lahat kaya ako na lang", pagmamakaawa ni Keanna. Lalo syang nasaktan nang nagtama ang kanilang tingin ng anak nya. Narinig din nya ang boses nito na nahihirapan kaya napatutup sya sa kanyang bibig nang isiping wala sya magawa sa anak. Maging si Darwin ay nangamba sa kanyang nakita.
Yumanig ulit ang paligid kasabay ng pag-ulan ng mga nagbabagang bato. Niyakap ng mahigpit ni Kent ang asawa nya nasi Keanna nang nagtangkang lumapit sa puno. Unti-unting nilamon ng puting ugat ang katawan ni Claudine sa bilis ni Darwin ay narating nya si Claudine. Walang habas nyang kinalmot ng matutulis nya koko ang mga ugat pero sadyang makapal ang mga ito. Hindi sya papayag na mahiwalay sa mahal nya kaya niyakap nya ito at napasama sa loob ng puno.
"Ang anak ko!!!! Kent, ang anak natin ni hindi ko man lang sya mahawakan ulit," sabi ng naghihinagpis na ina habang yakap sya ng kanyang kabiyak na kanina pang di kumikibo.
Natagpuan ni Darwin ang sarili sa lugar ng mga ugat at baging na kulay puti. Naalala nya si Claudine agad syang napatayo,"Gaya ng nasa sumpa, ikaw ang magiging bagong binhi. At ang nasa iyo ang nawawalang spirit particle ng Bathalang Galvez", napatingala si Darwin sa itaas kung saan nya narinig ang boses. Unti-unting nagbago ang anyo ng shinigami at naging isang Bathala.
"Ang Bathalang Sioco", napahakbang paatras ang paa ng Prinsipe. Isang kalapastanganan sa isang tulad nya ang kakalabanin ang isang Bathala.
Nakatayo sa malaking ugat na may malaking mata si Bathalang Sioco habang may idinukot sya sa dibdib ni Claudine. Naalarma ang Prinsipe kaya agad nyang sinugod ang Bathalang Sioco kahit isang kapangahasan ang ginawa nya. Pero, ang mahal nyang si Claudine ang nasa panganib kahit sinoman ay kakalabanan nya.
"Pakawalan mo si Claudine!!", sigaw nya dito.
Gumalaw ang mga ugat na syang sumalo sa kanyang atake na tila hindi sya dapat makialam dito. Saglit napatingin sa kanya si Bathalang Sioco.
"Bakit sya pa?!", tanong nya. Nakapulupot na sa kanang paa ang isang ugat kaya di na nyang magawang makalapit.
Hindi ito sumagot kaya lalong nagsusumidhing umatake ang Prinsipe kaya pinutol nito ang ugat na nakapulupot sa paa nito. Pero sadyang malakas ang mga ugat kahit nanghihina na ay patuloy sya pag-atake na unti-unting dumarami ang mga ugat,"CLAUDINE! GISING! MAHAL KO!!!", sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Eiy Bhie Ehm I : Pearl Of The Orient Seas |MASTERPIECE AWARDS 2021 1ST PLACER|
FantasyKapalaran ata ni Claudine ang magdusa, nawala sya sa tunay nyang mga magulang at napunta sa mundo ng mga tao. Sa una, maayos ang buhay nya doon pero may dumating na nagpapahirap sa kanya. Dahil din doon, muli syang bumalik sa Third World. At nalaman...