My First One Shot Story.

92 3 2
                                    

She's Yesha Buenavista. She's my classmate, at the same time my Bestfriend. I already knew her before, but we're not close. Pag nagkasalubong kami, we're just saying our simple "Hi and Hello" with a smile. Simula nung naging classmates kami, palagi na kaming magkasama. We're seatmates, groupmates, partners in reporting, partners in crime, etcetera etcetera. Tuwing breaktime, magkasabay kaming kumain, pumunta sa library, at maging sa pagtulog sa room magkatabi kami. Isinasandal ko pa nga yung ulo niya sa balikat ko. Palagi pa nga kaming tinatanong if we have a relation, at ang palagi namin sagot ay "Wala nuh! Magbestfriends lang kami" sabay tawa. But, honestly, may gusto talaga ako sa kanya. 'Di lang ako gumagawa ng hakbang dahil mas pinahahalagahan ko yung friendship namin. Mas importante kaya yun sakin.

 Isang araw, nalaman ko na lang na sila na pala ni Andrei Sebastian, isang sikat na varsity player dito sa Willford Academy, also known as Mr. Heartbreaker. Casanova kasi, pero kahit marami na siyang babaeng pinaiyak at sinaktan, marami pa ding nagkakagusto sa kanya, including my bestfriend.

"Sha, alam mo namang casanova 'yang Andrei na yan, pano kapag pinaglalaruan ka lang din niya?" tanong ko nang minsang magkaroon ako ng lakas ng loob.

"Riri, (short for Perry) mahal ako ni Andrei, at mahal ko rin siya. Alam kong totoo yung nararamdaman niya sakin. Hindi niya ako sasaktan." sagot niya naman.

"Sha, marami na siyang babaeng pinaglaruan at pinaiyak, pa'no pag ikaw naman ang isusunod niya?"

"Perry, di'ba bestfriend kita? Akala ko pa naman ikaw yung taong susuporta sakin." bigla siyang naging malungkot.

"Yesha, concern lang ako sa'yo. Ayokong masaktan ka." sabi ko habang inaangat ang ulo niyang nakayuko.

"Riri, magtiwala ka sakin please. Hindi mangyayari yang iniisip mo."

"Oo na, oo na. Pero kapag may ginawang masama 'yang lalaking yan sayo, ako ang makakaharap niya.:

"Talaga Riri? Yehey, thank you! Da best ka talaga!" sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya ako. Hay! May magagawa pa ba ako?

Lumipas ang ilang linggo, at wala naman akong nabalitaang may nangyayaring 'di maganda sa kanila. Ang pinagkaiba lang, 'di na kami masyadong nagkakasama. Lagi kasi siyang andun sa boyfriend niya. Hay! Namimiss ko na talaga ang bestfriend ko.

"Sha, libre ka ba ngayon?  Tara labas tayo, matagal na din tayong di nakakapag bonding ng tayong dalawa lang." kami nalang dalawa ang nandito sa room. Dismissal na kasi at nag-aayos na siya ng bag niya.

"Riri, di ako pwede eh. Pupuntahan ko pa si Andrei, may practice game sila ngayon at gusto niyang manood ako." medyo nadissapoint ako.

"Perry, sorry talaga ah. Intramurals na kasi next week. I need to support him. Pero promise babawi talaga ako next time."

"O-Okay lang. Sige punta ka na dun. Baka hinihintay ka na niya. Uuwi narin ako. Mag-ingat ka ah." at nauna na akong lumabas ng room. Naisip ko, kung 'di kaya ako pumayag, magkakaganito kaya kami? Siguro hindi, pero hindi naman siya magiging masaya, kasi masasakal lang din siya sakin. Siguro tama narin yung naging desisyon ko, atleast napasaya ko si Yesha.

---

Intramurals na ngayon, pero wala ako sa mood para pumunta. Almost 10 na pero nakahiga parin ako dito sa kama.

*toot toot*

1 message received:

From: Yesha

 Riri, asan ka na ba? Magsisimula na yung game.

Nasa school na pala siya. Hindi ko na lang siya nireplyan, muli akong pumikit.

FrienemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon