"Uy Blaster! Haha ano ba nakakainis ka"
"Sorry na! Haha 'to naman 'di mabiro. Sige na yakapin na kita! Tss."
"yehey! sige na alam ko namang nagbibiro ka eh! tara na maglaro na tayo ulit!"'Yan, ang madalas niyong pinagaawayan, ang inyong munting mga asaran. Si Blaster kasi ay ang iyong childhood bestfriend, close kasi ang mga magulang niyo kaya natural na rin 'yon.
Ngayon na medyo may kaedaran na kayo, patungo na ng first year college, parehas pa kayo ng campus. Madalas kayong magkasama, tila mga talang nagningning sa kalangitan ang inyong mga mata tuwing nasisilayan ang isa't isa, dahil nga't sobrang talik ni'yong magkaibigan.
At bilang mga legal na, naisipan niyong maki-saya o maki- "party" sa inyong mga kagrupo at nagkataon na sinama ka ni Blaster.
"Y/N!"
"Bakit?"
"Tara inom tayo! Celebration bago mag-simula ng todo-todo ang college!"
"Hmp. Ewan ko sayo, ter."
"Tss Y/N naman e, minsan lang."
"Oo na! Sige na tara!"At nagsimula na ang katuwaan nila, malalakas na mga tawanan at walang katapusan na musika. Lahat ng problema'y nakakalimutan kahit pansamantala lang, hanggang sa nagtungonang mga tao sa kanikanilang puwesto, para sumayaw lalo na't slow music bigla.
"May I have this dance with you, my darling."
Mga katagang narining mo bago magbago ang paningin mo sa buhay, mga katagang may halong alak sa bawat hininga. Gayo'n pa man, nananatailing totoo ang bawat katagang ito, dahil galing ang lahat ng ito sa puso, sa pusong 'di namamalayang matagal na pa lang tumitibok, tumitibok para sa'yo."Ha? Ako? Sure ka ba, Blaster?"
Sa una'y naguluhan, ngunit patuloy pa ring inasahan ang daloy ng tadhana sa bawat galaw nila, umaasang hindi maliligaw.
"Oo nga, sa tingin mo, ba't ikaw sinama 'ko rito?"
At hindi mo napansin na unti-unti na pa lang binabalot ni Blaster ang kanyang mga braso, nagsisilbing proteksyon mo sa kung ano mang haharapin niyo sa gabing inyong hinaharap.
"Alam mo, napakakabado ko para sa araw na 'to ewan 'ko ba, basta ngayon ang gusto ko lang ay makasama ka. Mahal na ata kita, Y/N."
Para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo nang marinig mo ang mga katagang ito, "mahal na ata kita" libo-libong mga tanong ang iyong na sa utak ngunit nawala ang lahat ng ito ng bigla kang hawakan ni Blaster sa iyong pisngi, habang parehas kayong may tama na ng alak, alam niyo pa rin ang mga nangyayari.
"Y/N, ewan ko ba matapos ang ilang taon ng pagsasama natin bilang matalik ma magkaibigan, ba't ngayon 'ko lang 'to naramdaman? Parang may mga "butterflies" sa tyan ko, haha........y/n, salamat pala dahil sa lahat lahat ng ito, ikaw ang naging inspirasyon ko, mahal kita."
At do'n, hinigit ka na lang ni Blaster upang halikan, 'yung tipong punong-puno ng pagmamahal, ng admirasyon. Sa una'y napatulala ka pero unti-unti
ka na ring nakisabay sa galaw ng labi niya, at naghalikan na kayo ng para bang wala ng bukas.Kinabukasan na at nagising ka na lang sa tabi at bisig ng iyong dating matalik lang na kaibigan na ngayon, mahal mo na rin pala.
Mga katagang, "Good Morning, love." Kasabay ng mapayapang huni ng mga ibon. Sinundan mo rin naman 'to ng "Good Morning din, Blaster." At ngumisi ng pagkalaki-laki. "Mahal kita, Y/N." Sabi naman ni Blaster, unti-unti kang lumapit sa kanyang mukha, tinitigan ang kanyang maamong mga mata, "mahal na rin ata kita, Blaster." 'Di mo maipaliwanag ang mukha ng iyong tinatangi, pero halatang mah halong gulat na 'di mo malaman. "'Di nga?!, mahal mo na rin ako?", sabi mo nama'y "Oo nga! Ano ba 'yan bawiin 'ko pa." at kitang kita naman ang tuwa sa mukha ni Blaster, " Pwede bang 'di na kita ligawan? Tutal, ilang taong naman na kitang naging best friend, please?" kasabay ng kanyang pagmamakaawa, "Oo na sige na! kainis 'to!" At sa mga mata naman ni Blaster ang nakita mong may nga luha na nagpipigil na bumaba, ngunit hinigit ka naman ni Blaster para yakapin.
"Salamat, mahal. 'Di mo alam 'kung gaano ako kasaya, akala ko dati na hanggang doon lang tayo, akala 'ko lang pala. I Love You."
At doon, doon muna natin tatapusin ang istorya ng pag-iibigan na pinagtibay ng... alak?
![](https://img.wattpad.com/cover/164746089-288-k248921.jpg)
YOU ARE READING
IV OF SPADES ONE SHOTS
Fanfictionpure imaginary one shots, dedicated to iv of spades. kathang isip lang ang lahat ng 'to, hehe.