Panaginip.

560 9 3
                                    

Galing ka sa iyong paaralan, graduating ka na nga e. Pumunta ka sa iyong kwarto at naisip mong matulog dahil tapos mo na rin naman ang lahat ng iyong kailangang ipasa.

'Yon nga, nakatulog ka na.

Nang biglang nakaramdam ka ng mahigpit na yakap, nagtaka ka dahil mag-isa ka lang naman dito sa dorm mo. At may nagsalita naman, "Ange, miss na kita, sobra."

At nung marinig mo iyon ay alam mo na, alam mo  kung kaninong boses 'yon. Hindi mo napigilan ang sarili mo at napaiyak ka na lang.

"...zild? Miss na kita sobra, bumalik ka na parang awa mo na."

"Ange naman e, gusto ko mang bumalik, hindi na maaari."

"Zild? Ba't mo kasi ako iniwan, 'di ba sabi mo pa sabay tayo g'graduate, tsaka....t-tsaka sasamahan mo'ko sa lahat ng bagay? Pero ba't ka nauna?"

Heto na talaga, umiiyak ka na ng sobra. Sobra sobra.

"Angeline, my love, magkikita pa naman tayo, medyo matatagalan nga lang.

Ange, i'm so sorry na iniwan kita alam mo naman na para sa ikabubuti mo na rin 'to, kundi ikaw pa nawala 'di ba? Marami ka pang pangarap ako, okay na ako, nakasama na kasi kita e. Okay na 'yun. Okay lang na ako 'yung mamatay, kaysa naman sa'yo. Basta alalahanin mo, mahal na mahal na mahal kita. Paalam."

At 'yun ang huling beses na naramdaman mo at nakausap ang 'yong pinakamamahal na tao. At doon mo rin nalaman na may mga taong gagawin talaga ang lahat, para sa kanilang mahal.

"Zild, my love, magkikita pa tayo."
At dun ay nagising ka na muli, mula sa isang panaginip na hindi mahihigitan ng kahit sino man.

~ tapos ~

a/n : salamat sa mga bumasa at patuloy na nagbabasa. malaking bagay na 'yon mwa. uwu. hindi na muna ako gumamit ng y/n, hehe. labyu mga dude pare tsong. <3

IV OF SPADES ONE SHOTS Where stories live. Discover now