He's Gay but He's My Boyfriend

5.1K 138 84
                                    

WATTPAD LOVERS - One Shot Writing Contest (September 27, 2014 - dead line)

Hello guys, enjoy! :D

---

"Girl, you're late!" bulaslas ni Lanz sa akin.

Napayuko ako bigla. "Sorry, ngayon lang kasi natapos ang practice namin." sabi ko.

Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa sobrang pagod. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng practice namin ay tumakbo na agad ako papunta dito. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam sa mga kamembers ko dahil sa pagmamadali.

"Asus! Nagdahilan pa ang isang to! Dapat kasi kung magtatagal ka, sana hindi ka na lang nagpaintay! Peste tong babaeng to! Paimportante much!" Umirap pa siya sakin. "Bakit ba kasi sumali pa ng cheering squad? Tsk! Ang gusto niyo lang naman ay ang magpakita ng legs para magustuhan kayo ng mga lalaki!"

Doon na ako napikon. 

Kahit naghahabol pa ako ng hininga ay tumayo ako ng maayos. Humalukipkip sa harap niya sabay taas ng kilay.

"At paano naman napunta sa legs ang pagka late ko??"

Correction! Hindi ako sumali sa cheering squad para magpakita ng legs. Hindi ko kailangang magpakita ng legs para magustuhan ako ng mga lalaki. And hindi ko na kailangang magpakita ng legs dahil kahit hindi ko gawin yun ay magugustuhan pa rin nila ako. Hindi ako trying hard.

"Bahala ka diyan, babae ka! Uwi na ko!" aniya.

Hindi na niya sinagot ang tanong ko at nagsimula ng maglakad palayo.

"Teka, Lanz! Wait lang naman." ang sabi ko sabay kapit sa braso niya. Eto na naman ako, masyadong makahawak. Kapag hindi ko kasi siya nilambing ay siguradong iiwanan niya ako.

"Leche! Wag mo kong hawakan." At eto naman siya palagi, kung makapandiri sa akin, akala mo may virus ako. Ayaw niya talaga ng hinahawakan ko siya. Ang arte talaga. Pero kapag lalaki ang humawak, aysus! bigay na bigay. "Girl, di ba sinabi ko sayong hindi tayo talo! My God! Kailan ka ba magtatanda?"

Tinanggal ko ang kamay ko sa braso niya at nagpout na lang. Lord, bakit ba kasi naging bakla ang lalaking ito? Gwapo, matalino, mabait pero minsan suplado, sweet pero walang meaning, gentleman pero hindi naman man at dagdag mo pang maganda ang katawan. Huhu! Bakit ba kasi tumagilid ang landas nito.

"Umuwi ka na dahil uuwi na ko. Leche, wag kang makulit!" sermon niya sakin. Naglakad na muli siya at sinundan ko naman.

Nakakainis na talaga! Hindi ba niya naalala na monthsary namin ngayon kaya gusto kong magkasama kami. Kahit hindi na kami magdate, basta sana magkasabay man lang kaming umuwi. Ayos na ko doon. Kaso naman, naginarte pa siya. Baka kabuwanan niya? Tsk

Tinatanong niyo kung bakit monthsary? Isang sagot lang naman, dahil kami. Oo, kami nga at tumagal kami ng isang buwan. Nanligaw siya sa akin at hindi ko alam kung bakit ko siya sinagot. Siguro nadala lang ako dahil palagi kaming magkasama. O baka naman ginayuma niya ko. 

Sabi ko noon, hinding hindi ko sasagutin ang baklang yan! Kasi, unang una, hater ako ng mga gays. Umiinit ang dugo ko kapag nakakakita ng bakla. Dagdag mo pang may kaholding hands na boy. Ugh my gulay! Hindi pwede ito.

Ikalawa, hindi ko siya type. Oo, gwapo nga siya at maganda ang katawan. Sa unang tingin akala mo, lalaking lalaki pero kapag nalaman mong tagilid. Parang gumuho ang Eiffel towel.

Ikatlo, mortal enemy ko siya. Magkaaway kami since grades school. Inaaway niya ako! Ako daw kasi ang lagi niyang kaagaw sa mga boylets niya. Kasalanan ko ba na maganda at sexy ako? Na hinahabol habol ako ng mga lalaki? Pati nga siyang, baklang, hinabol ako dati. Nagmakaawa pang maging kami. Not totally nagmakaawa, pero parang ganun na rin yun.

He's Gay but He's My Boyfriend (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon