Noon ay tahimik lang ang buhay ng aming pamilya.
Nagbago lang ito noong ibenta ng aking ama ang kapatid ko sa pamilya ng mga 'Gabriel'***
Ako pala si Dianne Ashpii Muesca! Galing sa pamilyang Muesca! Masayahin po akong tao :))) Pero nananapak po ako!!!
Kontento na ako sa buhay na mayroon ako. Kahit pa mahirap lang kami, Basta ligtas ang buo kong family!
Ang bawat isa sa myembro ng pamilya ko ay mahalaga sa 'akin. Lalo na ang kapatid ko, Si Dixelle Pii Muesca. Kung nagtataka kayo kung bakit parehas may 'pii' Ang pangalan namin. Aba! Tanungin mo nanay ko kung bat ganyan pangalan namin. hehe
Siya ang kasama ko lagi, Mas matanda ako sakanya ng tatlong taon. Nung nasa sampung taong gulang palang kasi ako ay siya ang lagi kong kasama sa pagkuha ng gagamba sa 'Tanzahan' Iniipon namin yung mga lalagyan ng posporo ni tatay, Tapos doon namin ilalagay yung mga nakuha naming gagamba, ilalaban namin yun sa mga batang kalaro din namin. Ako ang taga sigaw ng 'Fightinggg!!' Para ganahan yung gagamba ko diba! ≧∇≦ hihi!
Kaya naman close kaming dalawa, Pero madalas kasi naiinis siya sakin ‘︿’ Siguro dahil boy siya‘︿’ Pero sabi nya kasi. Ang daldal ko daw.Pero hindi naman eh ‘︿’!!
Balik tayo sa naunang usapan. hihi
Dahil nga sa mahirap lang kami, Sa mababang paaralan lang ako napasok, Si tatay ay nagtatrabaho lamang bilang tauhan sa Pamilyang Gabriel. Mayaman sila. correction, Sobrang yaman pala. Si Nanay naman ay hindi nakakapaglakad. Araw araw ay hawak niya ang kaniyang saklay, Alam kong nahihirapan siya, Kaya kahit na malungkot din ako ay pilit nalang akong ngumingiti sa harap niya para naman happy din siya:)
***