Third Person's POV
"Missy bilis! " hila sakanya ni Julie papunta sa loob ng Beach Resort.
Nagdesisyon sila na magkakaklase na magpunta ng beach para sa farewell nila dahil nga magtatapos na ang school year.
Masaya nilang sinalubong ang iba nilang kaklaseng nauna na...
"Oh Julie, Missy! Akala namin hindi na kayo pupunta" sabi ng isa nilang kaklase
"Ano ka ba! Ito na nga ang huling araw natin na magkakasama tapos hindi pa kami pupunta? Hindi makatarungan yun! Lalo na at marami ring pagkain hehe....saka sino bang aayaw sa isang vecation with whole classmates? Wala 'diba?" Kitang kita sa mata ni Julie na masayang masaya siya sa lahat ng pwedeng mangyari.
Napatingin na lamang sakanya ang kaibigang si Missy at ngumiti nang magtama ang paningin nilang dalawa.
"Tara na Missy! Ligo na tayo, nandun na yung iba nating kaklase!" Muli ay hinihila nanaman niya si Missy
"Sige pero mauna kana..aayusin ko lang itong mga gamit natin at kakamustahin si Ma'am Mira"
"O sige hintayin kita doon" at ngumiti ito sa kaibigang si Missy
Pupunta na sana at lulusob si Julie sa pool ng muli siyang tawagin ni Missy
"Basta Julie! Alalahanin mong huwag kang masyadong nagpapapagod dahil diyan sa hika mo okay?" Paalala ni Missy sa kaibigan.
Nginitian lang siya ni Julie at tumango saka lumusong sa tubig kasama ang iba pang mga kaklase nila.
Masaya namang tumitig si Missy sa kaibigan dahil ngayon niya lang ulit nakasama ang kaibigan at nakita nang ganon kasaya.
Limang araw kasi siyang nasa Hospital sa ICU dahil sa lumala nga ang sakit niyang hika.
Hindi niya nakasama ang kaibigang si Julie at labis niya itong na miss kaya ganun na lamang siya katuwa nu'ng malamang makakasama siya rito sa farewell nila.
Inayos ni Missy ang gamit nila at pumunta sa kuwarto kung saan sila tutuloy. Nakita niya ang teacher niyang tinitikman ang niluluto niya.
"Goodmorning ma'am" bati ni Missy
"Goodmorning Missy, Glad you're here. Kasama mo ba sa Julie?"
"Opo Ma'am Mira. Ang totoo ay ayaw ko talagang sumama dahil medyo nahihilo ako pero sumama na po ako para bantayan ang kaibigan ko"
"Alam mo Missy, sa pagkakakilala ko kay kay Julie ay malakas siya. Kahit hindi mo siya bantayan ay alam nating kaya niyang alagaan ang sarili niya" ngiting sabi ni Ma'am Mira at pinatay ang ang apoy ng niluluto niya.
"Haha alam ko po. Gusto ko lang siguraduhin... tsaka yun din po kasi ang gusto niya pati ng magulang niya"
"Magsasaya ka naman dito Missy, don't worry. Siyanga pala, kumain ka muna at uminom ka ng gamot kung nahihilo ka pa"
Binigyan siya ng guro ng niluto niyang sopas at binigyan din ng maiinom na gamot.
"Maiwan na muna kita Missy, kung gusto mo pa kuha ka lang diyan 'wag kang mahihiya"
"Sige ho, ma'am Mira"
Tuluyan na ngang lumabas ang kanyang guro at nagpatuloy lang ito sa pagkain.
"Hey Missy" dinig niyang tawag sakanya ni Julie na nasa pinto at basa ang ibabang bahagi ng katawan niya
Mukhang tumampisaw lang siya pero hindi pa talaga lumubog sa tubig...
BINABASA MO ANG
Paalam (One Shot)
القصة القصيرةHanda ka ba? Kung isang araw malaman mong wala na siya?