CHAPTER 2

7 1 0
                                    

Author's P.O.V

"Teka lang" Napahinto silang lahat nung huminto si Lee na parang nagtataka pa rin kung bakit siya nasa mundo ng mga immortal.

"Bakit? May nakalimutan ka ba?" Tanong ni Clyde.

Mukha namang nagulat ang dalaga sapagkat hindi niya inaasahan na titigil din sila kapag tumigil siya.

"Hindi naman sa ganun. Hindi lang kasi ako makapaniwala na immortal din ako. Sa paningin ko kasi ay mahirap mabuhay ng hindi normal dahil nasanay na din ako sa buhay na ganun tapos bigla bigla na lang magbabago ngayon dahil kagaya na din ako sa mga hindi pinaniniwalaan ng mga tao. Ni hindi ko nga rin alam kung buhay pa ang mga magulang ko" Malumanay na sagot ni Lee at nagsimula na muling maglakad papunta sa isang dormitoryo kung saan siya tutulog.

Tumigil sila sa isang kwarto nung nagsalita si Xia. "Dito ang kwarto mo. Ako ang makakasama mo dito kaya pwede ka munang pumasok sa loob. Kakausapin ko lang sila"

Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod dahil alam niyang alam nila kung ano ang ikakabuti niya.

Xia's P.O.V

"So, ano na ang gagawin natin? Sasabihin ba natin kay Head Minister na kasama natin ang isa sa mga hybrid ng 'Creatiox'?" Tanong ni Xyrie.

(Creatiox- highest class of immortals. Mostly known as hybrids)

Napa-buntong hininga na lang ako dahil si Lee pa ang nakasali sa highesr class. Ni hindi niya man lang alam na isa siyang immortal nung pinanganak siya.

Pagkatapos naming mag-usap, pumunta ako sa kwarto namin ni Lee at nadatnan ko siyang nagbabasa ng isang libro na galing ata sa bookshelf ko.

Lumapit ako sa kanyang kama at umupo sa tabi niya.

"Ah...Xia. Anong kailangan mo?" Tanong niya.

Bakit ganun? Siya yung parang hindi kayang manakit ng tao. Well, hybrids are known to be merciless. At hindi base sa mukha ni Lee na isa siyang hybrid.

"What are you reading?" Tanong ko.

"Ahhh~ pasensya na. Kinuha ko kasi ito sa bookshelf mo. Nakuha kasi ng librong ito ang atensyon ko. Ang titulo po ay 'IMMORTAL'S HISTORY'" Sagot niya na nagpalaki ng mata ko.

Saan niya kinuha yun??!!? Wala akong librong ganyan!!!

Lee's P.O.V

"Asan na tayo Xia?" Tanong ko habang linilibot ang aking mga mata sa paligid na kaganda-ganda.

Umupo siya sa isang ugat ng puno at nagsalita, "Nandito tayo sa isang sagradong lugar ng Immortalia"

Hindi na ako nagusisa pa para lang itanong kung ano ang Immortalia dahil napaliwanag ba din naman yun sa akin ni Icy kanina. Ang Immortalia daw ang tawag sa mundo ng mga immortal.

"Xia, paano ako naging immortal?" Tanong ko.

"It's either you got it from your parents or you got bitten. But in your case, you probably got it from your parents since you're a hybrid. May apat na klase ng dugo ng immortal. Pureblood, half-blood, hybrid at moon's blood. Ang pureblood ay kung saan nakuha mo ito galing sa iyong mga magulang. It's either they are both vampire or they are both werewolf. Ang pagiging half-blood naman means you are bitten or got marked by an alpha or a vampire. Ang hybrid ibig sabihin, pureblood ka rin pero iba ang lahi ng mga magulang mo. Maaring bampira yung isa at yung isa naman ay kabaliktaran. At ang moon's blood, ibig sabihin ay pinili ka ng Moon Goddess na maging immortal. At isa ka namang hybrid" Sagot niya.

Makalipas ang ilang minuto ng pag-uusap namin, ay bumalik na kami para kumain ng hapunan kila Lynna dahil siya daw ang pinakamagaling magluto sa kanilang walo.

Nung nakarating na kami dun, binuksan namin ang isang pinto na may nakasulat na,

"Beware for you shall not seek through the covers of these eight"

Pumasok kami sa loob at nakitang lahat sila'y nakaupo na pwera lang sa aming dalawa ni Xia.

"You didn't even wait for us? You bastards!!!" At kahit mabilis ang mga pangyayari, nakita ko pa rin kung paano naging pula ang mga mata niya at kung paano siya gumamit ng kanyang kapangyarihan. At iyon ay tubig na may kulay itim at lila sa loob.

"Tumigil nga kayo!!!" Nagulat ako nung sumigaw si Tyrell at tumigil naman sila.

"Pasensya na sa pag-uugali nila Lee. Masasanay ka rin" Nagulat ako nung pumasok ang isang lalaki na may gray na buhok at naka-pormal na pananamit.

Sino siya?

Author's P.O.V

"So siya ang pinuno ng mga bampira at kahit alam niyang ipinagbabawal na mag-asawa ng di-katulad na lahi ay nag-asawa pa rin siya ng isang babaeng asong lobo? Whoa. Hanga ako kay Sir" Di- makapaniwalang sabi ni Lee at mukhang natawa pa ang kanyang mga kasamahan dahil sa kanyang paglasabik.

Pagkatapos nilang kumain ay dumeretso na sila sa kani-kanilang kwarto at natulog para sa paninimula ng unang araw ng pasukan.


Umaga na at maaga namang gumising si Xia ngunit nung babangon pa lang siya galing sa kanyang higaan ay nakita na niya si Lee na naghahanda na ng almusal para sa kanilang dalawa.

Lumapit si Xia sa kanya at nagtanong, "Did you made this?" Sabay turo sa almusal na nakahanda sa lamesa.

Tumango lang si Lee bilang sagot at nagsimulang kumain kaya nagsimula na rin yung isa.


Lee's P.O.V

"Masarap ba?" Tanong ko sabay subo sa kanin at bacon.

"This is one of the most luscious food I had tasted!!!"

Natuwa na naman ako nung marinig yun pero sa tingin ko nasobrahan ako sa tuwa kaya ako naluugan.

"*cough*cough*"

"Lee!!! Ayos ka lang ba?!?!?????" Alalang tanong ni Xia sa akin at tumango naman ako bilang sagot.



Umupo ako ng maayos at nagsimula muling kumain. Pero di ko pa rin mapigilan ang kaba at excitement dahil unang araw ko ngayon sa VW Academy na kung saan na kahit anong lahi mo ay pwede kang pumasok sa akademyang ito.


Pagkatapos naming kumain, lumigo ako at nagbihis ng uniform ng academy. Magkaiba ang sa amin ni Xia. Indigo na may red yung kanya habang yung akin naman ay black at sa mga werewolves naman ay golden yellow.


Pagkatapos naming mag-ayos, dumeretso kami sa academy na hindi naman malayo sa aming dorm dahil parte na rin ito ng teritoryo ng academy. Oo. Teritoryo mismo ng academy ang lupang ito.


Kaya mo 'to Lee!!! Let's get it!!!








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Immortal's HybridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon