Proloque
Sa tingin ko ako nalang ang natitirang tao sa lugar na ito. "Pagod na ako."
"Nasa tamang oras ang pagalis nyo, Mosette." sambit ko sa hangin.
Huminga ako ng malalim sa kawalan sabay hithit sa natitira kong sigarilyo.
"Tapos na ako sainyo!" Sigaw ko pa.Sa mga oras na yon, nasa itaas ako ng patong patong na sasakyan, naghihintay sa pagakyat ng mga halimaw saaking paligid.
Napapalibutan na ako ng daan daang halimaw, at tatlong araw na ang nakakaraan ng huli akong kumain, tanging tubig lang ang aking naging supply sa mga sumunod na araw.
Pagod at gutom na ang labis saaking nagpapahirap.
Konting oras pa ay may biglang umakyat na sa aking likuran, agad ko itong hinampas ng hawak kong baseball bat, nagpatuloy pa ang pagakyat nila sa ibat ibang banda ng sasakyan. At patuloy rin akong nakikipag sabayan sa mga halimaw.
Kaya naman labis na kangalayan na ang aking naramdaman. Napaluhod ako sabay sandal ng baseball bat upang hindi ako matumba, napatingala ako, sinabayan ko ito ng malawak ng ngiti, sabay sabing. "Hanggang dito nalang para saakin, nawa'y mabigyan ako ng pagkakataon na masilayan kang muli, Mosette."
Ang huli ko na lamang naramdaman ay ang masakit na pakiramdam at ang malakas na impak na aking kinamanhid, tuluyan nang nablanko saakin ang lahat.
***
"MR, SEBASTIAN!!! Tulog ka na naman sa klase ko!!..." Isang sigaw na gumulat sa diwa ko.
Inangat ko ang aking ulo upang makita ko kung saan ng galing ang malakas na boses na aking narinig.
Kanya kanyang tawanan ang nagpapalit-palit sa paligid ko.
"Ano to."
"B-bakit?, panaginip lang ba ang lahat?" pagtataka ko.Muli kong sinipat ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. "Sir, Harold?" Sambit ko.
Lalong naglakasan ang tawanan sa paligid ko, sa pagkakataong iyon alam ko sasarili ko na may mali sa lahat, sigurado akong totoo ang lahat ng nangyare, ang mga patay na nabubuhay, ang virus, at ang mga shaman.
Pero labis na pagtataka parin ang aking nararamdaman. "Is dis a second chance."
Napailing ako sabay ngiti, hanggang sa sinabayan ko na ito ng malakas na tawa.
Sino ba namang di matutuwa. Nabuhay akong muli, at sa pagkakataong ito, bumalik ako sa pagiging 4th year high school student.
Humagalpak ako sa katatawa, dahilan yun para magtinginan saakin ang aking mga kaklase.
Sa puntong iyon, nahinto nalang ako bigla sa paghagalpak, biglang bumagabag saakin ang nangyare sa huli kong buhay. Malaking crisis ang naganap maraming namatay at maraming naulila.
"Kung bumalik ako sa pagiging 4th year student, hindi imposibleng maulit din ang naganap sa huli kong buhay." bulong ko sa hangin
"Maari nga kayang kasama iyon sa pagbalik ko sa buhay."
Sandalian kong pinakiramdaman ang paligid, panandalian ko ding itinigil ang aking paghinga.
At nang mapakiramdaman ko na ang mga hangin at awitan ng mga ibon. Napahampas ako ng malakas sa aking upuan.
"Hindi nawala ang pagiging shaman ko, nakakasagap parin ako ng signal sa paligid ko, pero hanggang 500 meters lamang, maaring umulit ang lahat sa panibagong buhay na ito."
Sa nakaraan kong buhay, kaya kong kumuha ng impormasyon kahit pa triple ng train ang distansya nito saakin. At mabilis din akong nakakaramdam ng bawat paggalaw ng mga bagay kahit nakapikit ang mga mata ko. "Siguro nga lahat ng iyon ay bumalik sa umpisa." Saad ko. "At kung shaman parin ako sa buhay na ito. maari ngang may maganap paring kilabot sa buong bansang ito, kilabot na tatatak na naman sa buong istorya ng buhay ko."

YOU ARE READING
Meteor Of Doom
HorrorSabi nila pag may bulalakaw mag wish at magkakatotoo. Sabi ko naman pag may bulalakaw sumigaw ka sabay takbo. Corny Isang bansa ang nakaranas ng impyernong crisis matapos may mangyaring kakaiba. Pangyayaring naging bangungot sa lahat, may mga natata...