Maria

6 0 0
                                    


Maria.
Isang pangalan na hindi ko malilimutan. Isang salita na nagpaparamdam saakin ng ibat ibang emosyon. Si maria. Ang aking unang pag ibig.

Tagaspas National Colleges, 1982

Nahuli ko nanaman siyang nakatingin sa akin. Ang pinakawirdong babae sa ekwelahang aking pinapasukan. Madalas may mang asar sakanya, ngunit iniidolo ko siya sa kanyang pagiging matatag at masiyahin.

Maria. Isang salita. Nakasuot ng mahabang palda. Kupas na puting blusa. Malalaking salamin. At kulay berdeng mga mata.

Ang sabi sabi, ay nagahasa ang kanyang ina sa isang banyaga.

At siya ang naging bunga. Maria. Napakasakit na salita. Mismong kanyang magulang ay ikinakaila.

Si maria. Nakatingin sa akin, habang ang mga kamay ay nakalahad, inaabot ang isang sulat pag ibig.

Ang kanyang mga mata ang nangungusap, sa ilalim ng madilim na kalangitan.

Oh maria.  Nangungusap na tanggapin ang kanyang inilalagak. Ang pag ibig na kailanman ay di ko kayang tanggapin at suklian.

Nakita niya ang aking pagtanggi. Kasabay ng pagkabasag ng kaniyang mga ngiti, kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha, ay ang isang napakalakas na ulan.

Maria. Nasan ka kaya? Tanong sa aking sarili habang nakatingin sa umiiyak na langit.

Maria. Bakit ko nabalitaan? Na ikay naglayas? Ilang linggo kanang nawawala. Ngunit bakit ganon? At nagawa pang humawak ng alak at baraha ng iyong ina?

Maria. Labis akong nagsisisi. Sana'y kinausap kita ay ipinaintindi. Na hindi na ako maaaring umibig. Dahil may itinakdang ipakasal saakin.

Maria. Isang napakagandang salita. Na nagbibigay saakin ng saya. Ngunit kailanman ay di mapapasakin.

Maria? Nasaan kana? Ako'y tutuntong na sa entablado at tatanggapin ang aking karangalan, ang aking diploma. Maria? Mahal na mahal kita. Nasaan kana kaya?

Maria. Ilang taon na ang lumipas. Akoy nagtatrabaho na, isang ganap na inhinyero, may tatlong anak at mapagmahal na asawa.

Ngunit ngiti at mata mo'y di ko malimutan.

Maria. Hinanap kita. Gusto kong malaman ang iyong kalagayan?
Natagpuan kita sa isang malayong isla.

Ang sabi'y nagtrabaho ka dun bilang tagabitbit ng balde baldeng isda. Maria? Tinanong kita kung nasaan kana.

At ang sabi sakin ay walong  taon na ang nakalipas nung binawian ka ng buhay.

Maria? Bakit mo winasak ang mga ngiti ko? Ang sabi nila'y nagkaroon ka ng isang malubhang sakit. Heart enlargement, ika ng mga doktor.

Maria. Labis akong nagsisisi. Na di ko nagawang maipaglaban ang aking damdamin. Sana'y masaya kana kung nasaan ka man. Aking hiling na sa ikalawang buhay ay muli tayong pagtagpuin.

Nagmamahal,
Juan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon