Elementary days
Kinder
Girl: pahiram nga ng lapis.
Boy: sige ito oh. Balik mo ah
Girl: salamat!
---
Girl: akin na nga yan! Ibalik mo yan hiniram ko lang yan!
Boy 2: bakit ko naman ibabalik? Akin na to ngayon.
Girl: Akin na sabi yan e!
Boy: hayaan mo na may lapis pa 'ko dito. Wag mo nang kunin sa kanya. Ito nalang kunin mo.
Girl: sige!
Boy: pag may nang-away pa ulit sayo. Magsumbong ka lang sakin ah?
Girl: okay
Ano nga palang pangalan mo?
Ako si ChelseaBoy: ako si Adrian
Graduation day
Grade six (6)
Adrian: Congratulations Chelsea! Galing Valedictorian. Nataasan mo pa 'ko.
Chelsea: salamat Adrian. Kung hindi mo ako pinahiram ng lapis noon. Hindi kita makikilala at wala akong kaharap ngayon. Wala akong magiging kaibigan na Adrian ang pangalan.
Adrian: Ayos! Mamimiss mo lang ako e.
Chelsea: ano?
Adrian: ay wala sabi ko ang gwapo ko
Chelsea: kapal!
Tara picture tayo Adrian.1-2-3 smileeeeee!
Adrian: pogi ko talaga. At ang ganda ng katabi ko.
Chelsea: Bolero!
High School Days
1st year.
Adrian: Paano ba yan? Kita nalang tayo sa canteen mamaya ah? Di kasi tayo magkaklase e
Chelsea: sige Adrian pasok na ko sa room Baka malate na ko e. Ikaw rin .
Adrian: sige sige Iloveyou
Chelsea: Ano?
Adrian: ay bingi! Pagkatalaga gwapo ang sinasabi ko nabibingi ka.
Chelsea: HAHAHA abnormal bye!
Canteen
1st year.
Chelsea: kilala mo ba yung president namin sa room? Ang pogi nya Adrian. Feeling ko crush ko na sya e.
Adrian: crush agad? Bilis naman.
Chelsea: ang bait kasi nya. Matalino, talented at Gwapo pa.
Adrian: di hamak na mas gwapo pa ko dun.
Chelsea: ano ulit yun adrian?
Adrian: sabi ko kumain ka nalang dyan.
High School Days
2nd year.
Adrian: Chelsea sigurado ka na ba jan?
Chelsea: Syempre.... hindi pa. Gusto ko pang malaman ang side mo about sa kanya.
Adrian: Kung feeling mo naman worth it sya para sayo. Why not? Nandito ako palagi para suportahan ka.
Adrian: sa oras na malaman kong sinaktan at pinaiyak ka nya. Ako makakalaban nya.