Chapter 1

133 3 3
                                    

I am here now at my new school. Ang saya saya ko nga dahil dito ako nag-aaral sa DVHU (de La Vega High University). Hindi ako makapaniwala na nakakatapak ako ngayon sa school na pinapangarap ko lang dati. Senior High School na ako ngayon. Two years nalang at college na ako. I'm very excited. Sobrang laki ng school ng DVHU at puro mayayaman ang nag-aaral. Hindi naman ako mayaman. Actually, may pinsan ako dito na nag-aaral at nag-promise yung Daddy n'ya sa akin na 'pag pinagbutihan ko daw yung studies ko at nasa honor ako, pag-aaralin n'ya ako dito.

Parang maliligaw ako sa laki ng DVHU, sobrang lawak talaga, as in. Medyo may nangilid na luha sa mata ko. Tears of joy, syempre. Ang tataas nga ng building dito tapos may roof top pa ata.

Naglalakad-lakad ako nang biglang nahulog ang salamin ko at natumba ako. May nakabangga sa akin habang naglalakad ako. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang gwapong lalaki. Gwapo n'ya. Lantod ko 'no. Haha.

Sinuot ko na ang salamin ko at pinulot ang bag ko nakakainis din.

"Sorry" sabi ko sa lalaking pogi.

"Next time. MISS. Titingin ka sa dinadaanan mo, huh? Nalukot pa 'tong uniform ko dahil sa'yo. Baka nalagyan pa ng germs 'to" Sabi n'ya sa akin at nilagpasan ako. Familiar yung face n'ya sa akin. But I don't know kung saan ko s'ya nakita. Maybe, nakasalubong ko s'ya kanina

Hindi na lang ako nagsalita. Nalukot yung damit n'ya dahil sa'kin? Abnormal ata 'yong lalaki na 'yon.

Nakaka-turn off naman yung lalaking 'yon. Pogi nga s'ya, pangit naman ugali. Hindi na nga ako tinulungan tumayo, sumakit nga pwet ko dahil sa pagkakabangga n'ya sa akin. Kainis pa yung lalaki na 'yon! Magiging crush ko na sana kaso! Grr, yung ugali nakakainis.

Naglakad na lang ako at hahanapin ko si Arch, pinsan ko.

Natanaw ko s'yang nakikipagtawanan sa mga girls na kasama n'ya. I think, friends n'ya 'yon kasi nakilala ko na si Pearl.

Lumapit ako kay Arch. Kinalabit ko s'ya.

"Arch" tawag ko sa kanya at ngumiti ako.

"Trish , nandito ka na pala." Nakangiting sabi n'ya sa akin. Sobrang close kami ni Arch since we're child. Kapatid na nga turingan namin sa isa't isa, e.

"Hi Trish" pagbati sa akin ni Pearl. Nag-wave hello naman ako sa kanya.

"So s'ya yung sinasabi mo sa amin na pinsan mong matalino?" Tanong ng babae na mukhang mataray.

"Yes. Her name is Trisha." Sabi naman ni Arch sa kaibigan n'ya.

"Hi" I say to them shyly.

"Hi Trisha, I'm Venezria but you can call me Ezra." Nakangiting sabi sa akin ng babaeng mukhang mataray. Hindi naman pala s'ya mukhang mataray pag ngumiti. Mukha s'yang anghel pag ngumingiti s'ya.

"Nice to meet you, Ezra" sabi ko sa kanya at nginitian n'ya ako. Mababait naman pala mga tao dito, akala ko mga mayayabang tapos mga maarte. Hindi naman pala, may ibang mababait din pala. Nakakainis kasi yung lalaki na nakabangga ko kanina. Nakakainis yung pananalita n'ya sa akin kanina.

Naglakad na kami nila Arch papuntang room. Nasa fourth floor pa ang room namin, buti nalang hi-tech 'tong school na 'to. May elevator kasi, namangha pa nga ako kasi walang elevator dati sa school ko no'ng Junior High ako.

Nakarating na kami sa room namin. At nakita ko ang lalaking pogi---ay hindi na pala pogi, dahil sa pangit n'yang ugali. Yung nakabangga ko kanina, nakita ko. Papalapit kami sa direksyon no'ng lalaki na 'yon. Hala, bakit papalapit kami do'n?

"Hi Arch. Hi Pearl. Hi Ezra" bati nong lalaki na nakabangga ko kayla Arch.

Napatingin s'ya sa akin. Nagtataka naman n'ya na tiningnan ako.

The Ending Of Our BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon