Chapter 2

111 3 0
                                    

Trisha's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay nila Arch para sumabay papuntang school. Sayang naman kasi yung 20 pesos na pamasahe diba. Hindi naman ako mayaman katulad nila Arch. Maulan ngayon tapos medyo maputik pa ang daan tapos basa pa. Nakapayong ako, s'yempre.

Nagulat naman ako nang may dumaan na motor sa harap ko. At alam n'yo yung nakakainis? Nabasa pa yung uniform ko kasi natilamsikan. Nadumihan tuloy uniform ko, bwisit! Huminto yung motor. Lumapit ako sa kanya at hinubad n'ya ang helmet n'ya. Lalo akong nainis no'ng hinubad n'ya ang helmet n'ya kasi si Killian pala ang driver ng motor na 'yon.

"Hindi ka ba marunong mag drive, ha?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Hindi ka ba marunong tumabi sa daan, ha? Tss" sabi n'ya sa akin at parang naiinis din.

S'ya pa may ganang mainis, s'ya na nga 'tong may kasalanan. Tsk.

"Hindi ka ba mag-so-sorry?" -ako

"Chicks ka ba para mag-sorry ako?" Tanong n'ya.

Tss. Kainis!

"Tao po ako! Tao! Hindi ako chicks!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Tss, pilosopo! Bahala ka nga d'yan!" Inis na sabi din n'ya sa akin at nag-smirk pa s'ya. Sinuot na n'ya ang helmet n'ya. Pinaharurot na n'ya ang motor n'ya. Kainis!

"HOY! MAG-SO-SORRY KA NA NGA LANG HINDI MO PA MAGAWA! ANONG KLASENG TAO KA! BWISIT!" Sigaw ko sa kanya habang papalayo nang papalayo ang motor n'ya. Umagang-umaga, naiinis na agad ako dahil sa engot na 'yon.

Lagot sa akin 'yon mamaya. Akala n'ya hindi ko s'ya gagantihan? Akala n'ya lang 'yon. Ha Ha Ha *evil laugh*

Nandito na kami sa school. Nagpalit ako ng uniform ko kanina tapos binabad ko muna sa tubig ang nadumihan.

Natanaw ko agad si Killian. Kasamahan n'ya si Jozuel at yung crush kong si Kriniv. Papalapit na si Killian kay Arch ngayon. At may plano na ako para makaganti. Sakto naman na maputik yung sahig dito. Ayan na malapit na s'ya HAHAHA.

"Ouch!" Pag-aray ni Killian na nakadapa na ngayon sa sahig. Pinatid ko s'ya.

Tumayo na s'ya at tiningnan ako ng masama. Nagpipigil ako ng tawa ngayon sa reaksyon n'ya. Katawa kasi s'ya.

"Oops, sorry po. Hindi ko po sinasadya" sabi ko sa kanya with sincere na boses. Pero ang totoo, sinadya ko naman talaga na patidin s'ya.

"Hindi sinasadya? Wow, ha! Ang galing" he said with sarcastic tone.

"Nag-sorry na nga po DIBA?" Sabi ko sa kanya.

"Sorry? Malalabhan ba ng sorry mo ang uniform ko? Hindi diba? HINDI!" Sabi n'ya at halatang galit na s'ya. Namumula na ang mukha n'ya sa galit.

"Kanina ba? Nag-sorry ka sa akin? Hindi diba? Sorry lang naman ang hinihingi ko sa'yo kanina, hindi mo pa magawa! Ma-pride ka kasi" inis na inis na ako sa kanya. Bwisit.

Magsasalita na sana ulit si Killian nang...

"Mr. Andromeda and Ms. Garcia! Go to guidance office. Now!" Sabi ni Sir Santiago, teacher din sa school na 'to. Paktay na! Dapat pala hindi ko na ginawa 'yon.

"Hala, Trish. Patay ka na" sabi sa akin ni Arch na parang nag-aalala.

"Sir, s'ya po ang may kasa---" hindi na natuloy ni Killian ang sasabihin n'ya.

"Doon kayo mag-usap sa guidance!"

Nasa guidance na kami ngayon ni Killian at ang sama ng tingin n'ya sa akin. Na-guilty tuloy ako sa ginawa ko. Pero s'ya ba? Na-guilty sa ginawa n'ya sa akin?

The Ending Of Our BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon