Proluge: Avelin's Past

4 1 0
                                    

Avelin's PoV.

   Bumibili ako ng regalo para sa 4th monthsary namin ni Joshua. "Hmm,ano kaya ang perfect gift para sa kanya.." naghanap pa ako sa gifts section ng store hanggang sa may narinig ako sa dalwang employees ng store...

    "Uy nabalitaan mo na ba na si Joshua Gibson ay ikakasal na kay Stacie Julivan??" yun ang narinig ko sa isang employee. "Talaga?! Wow! Napaka-swerte naman ng mapapangasawa niya. Sana magtagal sila noh?" "Oo nga!"

    Itinigil ko na ang pagkinig sa usapan nila at lumayo ako doon at pumunta sa restroom at pumasok ako sa isang stall at umupo habang umiiyak na lang. "Totoo ba talaga yung narinig ko? Ikakasal na si joshua..sa ibang babae? Pero...pano niya magagawa sakin yun.."

     Mga ilang oras ay inayos ko muli ang sarili ko at inisip na hindi ito magagawa sakin ni Joshua at saka pumunta sa bahay ni joshua para ibigay ang regalo ko sa kanya.

Timeskip....

     Naglakad ako papunta sa bahay ni joshua na dala-dala ang regalo na binili ko sa kanya. Umakyat ako sa doorstep at kumatok pero walang sumagot o bumukas ng pinto.

      "Siguro busy lang yun sa business niya..."kinuha ko yung spare key sa ilalim ng vase at binuksan ang pinto at umakyat sa kwarto niya.

      Imbes na makita ko na nakaupo siya at naka-focus sa laptop niya,bumungad sakin ang dalawang taong naghahalikan.

     Nabitawan ko ang regalong dala ko sa lapag at napatigil sila at tumingin sakin.

    Doon ko na lang nalaman na totoo nga ang pinagsasabi nung dalawang employee kanina sa store.

     "Joshua...pano mo nagawa sakin toh? Akala ko ba ako lang..."mangiyak-ngiyak ko na sinabi. Tumayo na lang si joshua at sinabi "Avelin...kahit kailan ay di kita minahal. Pampalipas oras lang kita. Inangkin lang naman kita dahil kaawa-awa ka at dahil sa pamilya mo."

    Napatingin ako kay stacie na paramg di siya gulat sa sitwasyon na toh. "Alam ba toh ni stacie?" Tumango si Joshua "Oo alam ko yun avelin. Hinayaan ko lang si joshua na 'mahalin' ka hanggang sa dumating yung araw na masaktan ka. Nice plan diba? Nag-work nga."ngumisi si stacie at hinawakan ang kamay ni joshua at parehas sila may singsing.

    "So totoo nga...Isa ka nga talagang manloloko joshua. Pero salamat na lang sa 4 months na pagsasama natin kahit ako lang ang nagmahal sa ating dalawa. Kahit di mo man ako minahal at least may pagsasama naman tayo...kahit di man ito mahalaga para sayo. Paalam joshua. Maging masaya sana kayong dalawa."

      Iniwan ko ang dalawa at umalis na sa bahay ni joshua at di na bumalik pa kahit kailan.
-
   Iyon ang nakaraan ko. Napakahina at walang magawa. Pero nag lumipas ang mga taon,naging matapang ako at di nagpatalo....

.....Hanggang sa dumating ang araw na dumating sila.

Is it you or Is it him? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon