CHLOE'S POV
NAPANGITI ako habang pinagmamasdan si raven na parang hindi alam ang gagawin sa pagyakap ng mahal na hari.
Alam ko kunting panahon na lang magiging masaya na din ng tuluyan si raven. Hindi na namin maibabalik ang nakaraan para mailigtas si raven kaya ang gagawin na lang namin ay siguraduhing magiging masaya ang future at ang present niya.
"Your highness!" napatigil kami ng may biglang sumigaw at nakita namin ang isang kawal na tumatakbo. Huminto siya sa harap namin. Bumitaw sa pagkakayakap ang mahal na hari at reyna kay raven at hinarap ang kawal.
"Pasensya na sa istorbo kamahalan. Pero meroon tayong malaking problema" sabi ng kawal
"What is it? Just make sure that it is really important or else" sabi ni king calix napalunok naman ang kawal sa huling sinabi ni king calix
"Kasi po ang mga taong bayan sumugod dito nasa labas po sila ng palasyo ngayon" sabi ng kawal na nagpalaki ng mga mata namin
"What?!" gulat na sigaw ni king calix
"But why? What do they want?" tanong ni Queen Victoria nag-aalinlangan na napatingin ang kawal kay zach
"T-they want Prince Zach die" nauutal na sabi ng kawal na siyang nagpagulat sa amin
"WHAT?!" gulat na sigaw namin
"May kumakalat po kasi na balita na si Prince Zach daw po ang King of Darkness at gusto nilang pagbayaran niya ang mga buhay ng mga pamilya nila na kinuha niya" sabi ng kawal
"Imbistigehan niyo kung sino ang nagpakalat ng balita na ito at iharap sa akin. Hulihin niyo siya ng buhay naiintindihan niyo?" ma awtoridad na sabi ni king calix
"Opo. Masusunod po kamahalan" sabi ng kawal saka umalis
"Paano nila nalaman ang tungkol sa bagay na iyon? Sigurado ako kung sino man ang nagpakalat ng balita na ito malaki ang galit niya sa iyo Prince Zach" sabi ni King Calix
"Mukhang alam niyo simula pa lang kung sino ako dahil hindi kayo mukhang nagulat na ako ang king of darkness bagkus mas nagulat pa kayo na nalaman ng taong bayan ang tungkol sa totoong pagkatao ko. Alam niyo kung sino ako pero bakit hindi niyo ako pinahuli agad?" tanong ni zach
"Dahil nangako kami sa iyon ina na si Celestine na poprotektahan ka namin kahit anong mangyari. Matalik naming kaibigan noon ang iyon ina. Kaya noong nalaman namin ang tungkol sa relasyon nila ng iyong ama ay agad namin iyong tinutulan. Pero nakilala namin ng personal si Jaze at napag-alaman namin na hindi naman pala talaga siya masama. Meroon siyang double personality katulad mo Prince Zach at iyon ang totoong masama hindi si jaze. Hindi niya ginustong pumatay at manakit ng kahit sino. Hindi niya kasalanan na pinanganak siya bilang King of Darkness. Ang tanging hangad ng ama mo ay mabuo ang pamilya niyo ng malaya at mapayapa. Kaya pumayag kami sa relasyon nila at sinekreto ito. Pero walang sikretong hindi nabubunyag. Nalaman ng iyong Lolo na si King William ang tungkol dito. Pinilit ng iyong ina na ipaintindi ang sitwasyon sa iyong lolo pero nanatili itong sarado ang isip. Pinakasal niya ang iyong ina kay King Duke at ng malaman iyon ni Jaze ay labis siyang nasaktan dahilan para manaig si King of Darkness na siyang pumatay sa iyong ina. Nang malaman ni Jaze ang tungkol dito kinuha ka niya sa Lolo mo. Gusto niyang bumawi kay Celestine sa pamamagitan ng pagpapalaki sa iyo. Kaya nga noong dumating si King Duke para bawiin ka sa iyong ama ay inutusan siya ni jaze na patayin siya dahil gusto niya ng mamatay para tuluyan niya ng makasama ang iyong ina sa kabilang buhay. Handa na daw siyang lisanin ang mundo at makasama si Celestine dahil nakasama ka na niya ng napakatagal na panahon at alam niyang napalaki ka niya ng maayos. Sapat na iyon para sa kanya. Hinabilin ka niya kay King Duke bago siya tuluyang patayin nito. Labis ang pagmamahal sa iyo ng iyong ama prince zach at alam kong ganun din ang iyong ina" sabi ni Queen Victoria
BINABASA MO ANG
Magisch Academy: The Heartless Princess
FantasyWARNING: Mature Content / R-18 / SPG Akisha Raven Scott a heartless woman who found herself entering a school that she didn't know that actually exist. She planned to be invisible to make her stay in the academy a peaceful and quiet one so for her t...