Investigation

16 0 0
                                    

Rev's POV 

Ahmmm.. Let me introduce myself first.. So I'm Revzxander Santiago also known as Rev, 16 years old and I am a Senior student.. 

*Flashbacks* (with "s" tlga dahil madami to)

Nag tweet ako habang nagrereview

---Uhh.. Too many things to review.. 3 more chapters to go.. Heeeeeeeelp! 

---@Revzxander kung sana di ka nagtwitweet edi sana tapos ka na ngayon hahaha!! peace ^_^v

Yan yung tweet sa akin ni @Revzters na hinding hindi ko makalimutan sobrang nakakatuwa.. Pinagalitan ba nmn ako  

Isang gabi super lakas ng topak ko sobrang hyper ko nababaliw na ata ako tapos nagtweet ako mga 11:30 na din kaya unti nalang OL dahil may pasok kinabukasan.. Mga 7 lang yung nagreply tapos nireplyan ko sila lahat pero si @Revzters nalang yung nagreply ulit.. Masaya siyang katweet super kulit na nakakatuwa kaya umabot ng hanggang 3 am yung convo namin.. Tapos tinulugan na niya ako kahit ayaw ko pa siyang patulugin siguro super pagod na.. 

September 10 birthday ko.. Nagoover heat na ung phone ko sa dami ng text messages na natatanggap ko.. 

Sa Math class namin habang gumagawa kami nb seatwork 

"Mr. Santiago" sabi ni Ms. Torres yung adviser namin.. 

"Yes ma'am?"

"Pinapatawag ka ng principal sa office niya"

Luhh ano na naman kaya ginawa ko.. Birthday na birthday ko tapos ganito haysss wala ako magagawa kaya pumunta ako sa Principal's office 

Pagkadating ko dun mukhang good mood naman si Mr. Cruz 

"Good morning po sir"

"Good morning iho, upo ka"

Umupo ako tapos nagkaroon ng awkward silence 

"May nagawa po ba akong kasalanan?"

"O.O anong kasalanan? Wala iho.. Pinapunta kita dito dahil may gusto akong ibigay sayo.. Kilala mo naman siguro ang aking anak na si Avery. Alam niyang birthday mo ngayon kaya pinapadala niya itong regalo para sayo tapos kanina din may dumating na LBC dito eto yun galing ata sa fan mo.." 

"Ayy salamat po.. Ittext ko nalang po si Avery para makapag pasalamat" 

"Sige bumalik ka na sa klase mo at Happy Birthday"

"Thank you po"

Bumalik na ako sa klase ko.. Lumipas ang mga oras at uwian na.. Pero dinaig ko pa si santa claus sa paguwi ko dahil sa super daming gifts na natanggap ko.. Yung iba pinaabot sa akin, yung iba naman dinala talaga sa school para makita ako, yung iba iniwan sa may locker room, yung iba iniwan sa may kotse ko, at yung nagiisang pinaLBC pa at sa principal's office pa pinaaddress.. 

Nang makauwi na ako sa bahay pinababa ko na yung mga gifts sa kotse ko at pinalagay ko sa room ko.. 

"Anak saan mo gustong mag celebrate?" 

"Mommy dito nalang po siguro paorder ka nalang po ng pizza tapos magluto ka nalang po"

"Ikaw bahala anak. Yung gift ko nga pala sayo nasa room mo sa may computer table mo"

Ayoko kasing magpaparty ng magarbo.. Nakakapagod lang yun kaya okay na sa akin yung kakain lang kaming sabay sabay nila mommy, daddy at ate.. 

Bago ako matulog binuksan ko muna lahat ng mga gifts na natanggap ko.. At huling huli kong binuksan yung pinaLBC sa principal's office.. Malaki yung box tapos medyo mabigat din.. Nung binuksan ko nagulat ako kasi madami siyang laman.. May v neck shirt na favorite ko from Penshoppe, may scrapbook na may laman na pics ko and some dates and everything.. And finally may letter..

Dreams to RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon