Chapter: 1

38 1 0
                                    

Yay, hey guys this is my very first story. I want you all to support this story and to keep it until the end. Sana po maging maganda ang flow ng story na ito. I need your support guysss! Please read my story po. Thank Youuuu guyss!

_______________________


Aaliyah's POV

6:45 am na at ready na akong pumasok sa schoool! Makikita ko nanaman yung mga loka loka kong kaibigan. Hayyyy!

"Pa, tapos na po akong kumain, una na po ako sainyo" pagpapa alam ko kay papa at tuluyan nang tumayo at kinuha yung bag ko sa may sala.

"ingat ka anak!" pahabol ni papa bago ako lumabas ng pinto. Binigyan ko naman sya ng isang flying kiss. Sweet ko kay papa no?

Paglabas ko ng bahay, nakita ko yung kapit bahay naming si Aling Dolor na nakikipagsagutan nanaman sa asawa nya. "pano tayo yayaman nyan kung puro ka nalang sugal!" napakamot naman sa ulo yung asawa nya. Napatingin sya sa direksyon ko at nginitian ako. Hindi naman ako masungit sakanila kaya nginitian ko sya pabalik.

-----

"hi ate Aaliyah!" bati sakin ng batang estudyante na nakasalubong ko sa hallway.

Ngumiti ako sakanya, na ang pahiwatig ay 'hello'. Halos lahat na ata ng estudyante sa paaralang ito kilala na ako. Paano? Ganito kase yan.

Matagal na ang paaralang ito ngunit napakaganda parin nito at napaka sarap titigan. Isa ito sa pinakamalaki at pinakamagandang paaralan dito sa aming lugar. Halos dito na rin nag aral ang kanunu-nunuan ko. Ang papa ni lolo na si Lolo Leonardo na nakapagtapos ng kolehiyo rito at ng magkaanak ay pinag aral ang kanyang anak na si Lolo Leonard. Apat silang mag kakapatid ngunit sakanilang apat ay sya lang ang pinag aral sa unibersidad na ito. Nang ito'y maka graduate at makahanap ng magandang trabaho na maaring makatustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya ay nagkaroon ito ng anak na si Papa Leano. At dahil sya ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid, sya lang din ang nakapag aral sa unibersidad na ito, hanggang sa isinilang na nila ako ni Mama Allice. Dalawa lang kaming mag kapatid at ako naman ang bunso. Hindi ko alam kung bakit ako pinag aral ni Papa dito. Ang buong akala ko kase ay tanging panganay na anak lang ang maaaring mag aral dito. Kaya naman hindi maipagkakaila na kilala kami dito dahil malapit na mag kaibigan ang tatay ko at ang may-ari ng paaralang ito dahil magkaklase sila noon at matalik na magkaibigan.


Ni hindi ko nga alam kung anong nangyari saakin e, sakanilang lahat ako lang ata ang pinaka pasaway. Siguro dahil ako ang unang babaeng kadugo nila na nag aral dito? O baka naman sadyang sutil lang ako.

Back to reality. Andito na ako sa tapat ng pinto ng aming silid aralan. Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagbuntong hininga ko. Praying na sana wala pa yung subject teacher namin. Dahil once na ma-late ako, for sure palalabasin nanaman ako non. Tsss. Apat na beses na ata nya akong napapahiya sa room noong nakaraang taon kung kaya't walang gustong mag pahuli sa subject nya. Grrrr, bahala na nga!

Pinihit ko ang pinto at dahan dahang pumasok sa loob. Dahan dahan akong humarap sa mga kaklase ko... Please wala pa si miss, please wala pa, wala pa, wala pa, wala paaa.... "YES!" Sa sobra kong tuwa, napasigaw tuloy ako dahilan para pag tinginan ako ng mga kaklase ko. Yumuko nalang ako at umupo na sa upuan ko. Wala akong katabi dahil ayoko lang talaga.

Nilabas ko ang notebook ko at nagsimula nang magsulat. Sinulat ko lang lahat ng schedules ko para hindi ako malito. Pagkatapos kong mag sulat, pumasok ng room si Ms. Remedios, ang adviser namin.

"Goodmorning Class!" Sambit ni Ms. Remedios kaya naman nag sitayuan ang lahat at bumati rin sakanya. "Today is the first day of our classes. Ms. Morgan, since you are the early bird of this class you will be the secretary. But before this election, let us first introduce your new classmates." Matapos nyang mag salita ay agad syang napatingin sa bandang pintuan." You may come in" just by the creak of the door, I know they just entered the room. When they entered, a sudden silence filled us but turned into a screams. Oo, nagtitilian ang mga babae dito.

Happy TogetherWhere stories live. Discover now