Chapter: 2

26 1 0
                                    

Ngayon ko lang naisipan na mag sulat ulit kase pinaplano ko pa talaga kung ano ano yung mga mangyayare at magiging flow ng story na ito. Hahahaha so ayon, may concrpt na din naman na nabuo sa isip ko kaya itutuloy ko na lang yung pag susulat ko here! Enjoy reading guys! Please vote and comment. Mwaaa!
______________________

Aaliyah's POV

Tsss eto nanaman sila. Ipapaalala kung ano lang ang dapat kong gawin dito sa paaralan na ito. Di ko alam kung naiinis sila saken dahil halos lahat ng estudyante dito ginagalang ako, well maliban na nga lang dito at sa mga transferees sa paaralang ito.

"Hi Aaliyah girl" bati ng babaeng humarang sa daan ko kanina. Kilala kase akong hindi lumalaban o sumasagot sakanya pero di ko naman hahayaan na saktan nya ako at ipahiya sa mga tao. Kaya ko pa naman pag tiisan yung basura nyang ugali, pwe!

"Miss me? Well, wala ka pa ding pinagbago. Pasikat ka pa din. Akala mo kinaganda mo na 'yang pagiging sikat mo dito." Dati pa lang ang laki na talaga ng galit nitong babaeng 'to sakin. Palagi kase syang naikukumpara ng mga teachers sa akin. Kasalanan ko bang mabait ako? Well, not that literally pero marunong ako gumalang sakanila. Plus, ako lang ang maingay sa klase kapag nagtuturo sila.

"Oh ano gagawa ka nanaman ng eksena dito? Baka gusto mong pilayan kita dyan!" Nagulat ako sa biglang pag hatak ni Jana sa braso ko at inilagay ako sakanyang likuran. Nasundan na pala nya ako. Sya talaga yung palaging nagliligtas sakin sa gulo.

Inirapan sya ni Alyana pagkatapos ay tinignan sya mula ulo hanggang paa. "Still, you can't fight without this stupid girl in front of me huh? Mahina ka pa din talaga Aaliyah" kasabay ng mga kataga nyang 'yon ang pagtawa nya. Alam kong kanina pa nanggigigil itong si Jana sa kaniya. Well, who wouldn't?

Bago ko pa mahatak si Jana paalis sa lugar na 'yon may narinig kaming isang tinig mula sa likuran. "Go get your milk at your house. You're too loud." Halos lahat ng tao sa paligid ay nagulat dahil di nila inaasahan ang nangyari. I remember him! He's the guy back there na pinagtitilian kanina. I forgot his name pero nanindig ang balahibo ko dahil sa aura nya. Just by seeing his presence, gusto ko na lang tumakbo palayo.

Di inaasahan ni Alyana ang nangyari kung kaya't tumakbo sya palayo. Nakakaintimidate nga naman ang lalaking ito. "Oum, t-thank you for saving us." Gosh, bakit ba ako nauutal? Don't get me wrong ha, di ko sya gusto. Di lang talaga ako sanay na ipagtanggol ng iba.

"I'm not saving you. I just don't like her getting others attention." Tinitigan nya ako sa mata at umiwas sya ng tingin. Tumalikod na sya sakin at nagsimulang maglakad. Sinundan naman sya ng mga kasama nya at umalis na sila.


" Hey Jana, let's go. We're getting too much attention here." Malumanay na sabi ko sakanya, natauhan naman sya sa sinabi ko at agad kaming tumakbo patungong cafeteria. Siguro masyado syang natulala dahil nakita nya ang crush nya. Oh, crap! I admit that they are really handsome.

Pumila na si Jana habang ako naman ay naghanap ng bakanteng mauupuan. Nagugutom ako sa mga pangyayari ngayon. Lumapit na si Jana sa direksiyon ko pero bago pa sya tuluyang makalapit may nakatabig na sa tray na hawak nya dahilan upang matapon ang lahat ng laman ng tray. Bakas sa mukha nya ang pag kabigla. Napatayo na rin ako dahil doon at agad na lumapit sa direksiyon nya. "Ayoko ng may paharang harang sa daan ko." Ang itlog na 'to! Nakakainis! Akala ko pa naman mabait sya dahil iniligtas nya ako kanina, mukhang nagkakamali ata ako ng akala.

Napatingin sya kay Jana na walang ekspresyon ang mukha. "Chill bro, look at the cute girl, baka umiyak sya" sabi naman nung lalaking bright brown ang buhok sabay ngiti at kindat pa kay Jana. Psh, what a playboy! Napatingin naman ako sa direksyon nung isang lalaki na black yung buhok at nakitang tahimik lang sya at walang balak na umimik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Happy TogetherWhere stories live. Discover now