It's Overtime na (T_T)

76.7K 615 18
                                    

Brenda Costa sa gilid ===>

()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()


It's Overtime na

Chapter 5

Brooke's POV

*kring* *kring*

May tumatawag?

Si sir!

"Argh!!! Si sir talaga oh!!! Ilang oras palang ako nakatulog!!"

*kring..* T.T..

"Hello sir?" sagot ko na pinasigla pa ang boses.

Para di halatang gusto ko nang itapon ang cellphone patungong Pacific Ocean at pati na rin ang tumatawag.

Wag nalang sayang,

ang cellphone..


"Yes Brooke? Kagigising mo lang ba?" tanong nito.

Oo! Ikaw ang gumising sa akin.

Yung 4 hours lang ang natulog ko tapos deducted pa kase tumawag ka.

"Ahhhh hindi ho sir, kanina pa po ako gising. Sa katunayan nga po nag—ahm—(isip-isip ng palusot, bilis!)—naghuhugas po ako ng pinggan. Opo, naghuhugas po ako ng pinggan." Ako na, ako na ang magaling.

Ako na ang QUEEN OF PALUSOT!

"Okay, come to my condo kapag tapos ka na sa ginagawa mo. Pero sana bilisan mo yang ginagawa mo. Alam mo naman ang gagawin mo di ba?" tanong nito.

"Yes sir..." sagot ko nalang.

"Good." Sabi nito tapos enend call,

makaligo na nga lang.





Lois' POV

Siguro naman hindi ko siya naabala—teka—bakit ba ako nag-aalala sa babaeng yun?

Pwede naman di ba?

Natural, secretary ko yun kaya pwede akong mag-alala, PA pa nga.

Para na akong baliw na nagsasalita ng mag-isa, makaligo na nga lang.

Agad-agad na akong umalis sa kama at hindi nag-abalang magbihis tapos pumunta na sa cr.


...

Pagbaba ko ay timing namang kadadating lang rin ni Brooke.

"Aalis na ako, ikaw na ang bahala rito. Gigising lang yun maya-maya. Mauuna na ako sa office," sabi ko.

"Yes sir," sagot naman niya na nakapusod na ang buhok nito kahit basa pa.

Tapos nakapang working attire ang suot niya. Weird na pang working attire.

Umalis na ako sa condo ko at pumunta muna sa isang 24 hour na restaurant at dun kumain.

Ganyan ang ginagawa ko kapag may fling ako kasama o di kaya ay one night stand.

Kaya na ni Brooke yun, magaling na PA yun.

Noon kase, hindi talaga aabutan ng araw ang ibang PA ko.

Kung hindi nagkakagusto sa akin o naglalandi, pera lang din ang habol at ninanakawan ako.

Pero kay Brooke wala, ALL complete...

Minsan kahit never in my wildest dream na iflirt si Brooke, nacucurious ako.

Pero sa huli kapag sinusubukan ko, nawawalan lang ako ng lakas ng loob pag tumingin na siya.

All Time Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon