Chapter 1

3 1 0
                                    

Chapter 1

"SI RIEGLEE!!!!!!!!!!!"

Nagtakbuhan ang mga estudyante at halos matilapon na ako kung saan habang naglalakad dala-dala ang mga libro ko at bag.

Last year ko nalang ngayon sa pagiging Senior High school at simula nang mag-Transfer dito si Reiglee noong 2nd year ay kada pasok niya dito ay marami nang nag-aabang sa kaniya. Ang iba'y kumakaway, gustong magpa-picture o di kaya'y gustong magpakilala sa kaniya.

First day niya palang dito noon ay marami nang humanga sa pagiging maganda niyang lalaki. Who would have not? He have a white complexion of skin, na halatang hindi hinanayaang mapakagat sa lamok at inaalagaan. Hindi gaanong makapal ang dark brown nitong kilay, pointed nose, pinkish lips, at dark brown na mata at buhok.

Tumingin ako sa gawi ng mga estudyante na patuloy ang pagpapa-pansin kay Reiglee, at sa kaniya. Ni minsan, hindi ko nakitang may pinansin siya dito. Kahit mga classmates niya. Di rin siya palakaibigan.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Minsan, tinatanong ko sa sarili ko kung bakit pa nila kailangang ipakita sa taong nagugustuhan nila kung gaano nila ito. Hindi ba masyadong awkward? I mean.. Nakaka-baba para sa akin, e.

Dumeretso ako sa locker ko at inilagay doon ang mga dala-dala kong libro. After lunch break pa naman ito gagamitin so dito nalang muna to. Nagpalit rin ang ako rubber shoes at inilagay sa loob ang school shoes ko.

Kinuha ko ang bag ko at umikot pa harap. Ngunit imbes na maglakad ay napahinto ako sa kinatatayuan ko.

Malalim akong tinitignan ni Reiglee na ngayo'y nasa harapan ko. Kumirot ang puso ko sa paraan ng pagtitig niya. Alam kong hindi ko na ito dapat na maramdaman ngunit sino ba ako? Hindi ko ma-control ang nararamdaman ng puso ko.

"Your Handkerchief."  ani niya.

Inabot niya ito sa akin. Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko.

"T-Thanks,"

Kinuha ko ang panyo na nasa kamay niya at parang gustong sumabog ng sistema ko nang magtama ng saglit ang aming mga kamay.

Lumunok ako at tinalikuran na siya. Mabigat ang bawat hakbang na ginawa ko.

Pinunasan ko ang mata ko gamit ang panyo.

Sa di malamang dahilan ay napangiti ako sa sakit. 

Paano ko nga ba makalimutan ang taong mahal ko?

Ang taong kinalimutan ako?

The Pain of Forgetting HerWhere stories live. Discover now