Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2

"Elvris! Nice game!"

Lumapit sa akin si Linn, ang lalaking naka one-on-one ko kanina sa chess. Simula pa noong bata pa ako ay palagi na akong tinuturo-an ni Papa'ng mag-chess. Kaya nang sinabi ko sa kaniya na maglalaro ako ng Championship sa Chess ay sobrang tuwa niya. Nanalo ako nun. At hindi lang si papa ang masaya nang sabihin ko sa kaniyang nanalo ako.. siya rin.

"Oo nga. Ang galing mo, Linn."

Siniko niya ako ng mahina. Tumawa lang ako at pinagpatuloy ang pag-ayos ng sintoron ko.

"De naman. Mas magaling kaya."

Tinignan ko siya at ngumuso. Humble ako e. Hahaha.

"Oh, Lee!"

Nawala ang ngiti ko at napatigil ako sa ginagawa ko.

"Anong atin?" ani Linn.

"Elvris."

Na-estatwa ako ng tawagin niya ang pangalan at hindi man lang niya pinansin ang tanong ni Linn.

Anong kailangan niya sa akin?

Kinapa ko ang panyo ko sa bulsa ko at naroon naman. Napahinga ako ng malalim. Baka may ipapasabi lang ang Mama niya.

Tinapos ko ang pag-aayos ng sintoron ko at tumayo at tumingin sa kaniya.

"Bakit?" ani ko.

"Come with me."

Napakunot ang noo ko. Bakit naman niya ako papasamahin sa kaniya?

"Bakit?"

Hindi na siya nagsalita at kinuha ang kamay ko at kinaladkad palayo kay Linn.

Kinabahan ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. A-ano ba to! Bakit niya ba ako ginaganito?

Tumingin ako sa gawi ni Linn na ngayo'y parang nagtatanong. I mouthed, 'sorry'.

Hanggang sa nakarating kami sa nakaparada niyang kotse sa labas ng school.

Binitawan niya ang kamay ko.

"Bakit mo ba ako dinala dito? Hindi pa nga kami nakatapos ng pag-uusap ni Linn. Sana kung may sasabihin ka ay doon mo nalang sinabi. Ang dami kayang nakatingin!"

True. Habang kinakaladkad niya ako ay maraming nakaagaw ng atensyon lalo na ang mga Famous rin dito sa University kagaya niya. Kaya medyo nahiya ako sa sarili ko.

Umirap siya sa kawalan. "Shut up, okay? I just save your ass there. So why can't you say 'Thank you' to me instead of shouting me?"

"Anong save your ass ka dyan? Ang bait kaya ni Linn. Hindi mo siya kilala kaya wag kang magsalita na sobrang sama niya para iligtas mo ako sa kaniya!"

"..at hindi kita sinisigawan no! HINDE!"

Napahawak ako sa bibig ko at napapikit. Bakit ba ganito na ako makapagsalita sa kaniya? I even act like I'm closed with him!

He smirked.

Nahiya ako bigla. Napayuko ako.

"I-I'm sorry."

"Date Me."

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kaniya. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko habang sinasabi niya iyon.

"A-anong---"

"It isn't a question. It's a comand."

Napanganga ako habang nakatingin sa kaniya.

Magsasalita na sana ako ng talikuran niya ako at sumakay sa kotse niya.

Binuksan niya ang bintana ng driver seat at tumingin sa akin.

"Wag kang subukang tumakas. I'll still find you." ani niya at pinaandar na ang sasakyan.

Napakurap-kurap ako habang nagpo-process sa isipan ko ang mga sinabi niya.

Damn! Kahit ang mali ang kaniyang tagalog ay sexy parin!

The Pain of Forgetting HerWhere stories live. Discover now