Quote for today: "Sometimes, the simplest words are the hardest to say." so short yet it makes sense :))
- - - - -
Chapter 3
"Anong gusto mong kainin Summer?"
Andito na kami ngayon sa Mall at oorder na kami ni Winter for lunch.
"Ahmmm.. gusto ko yung Lasagna with chichken tapos 2 extra rice at saka pizza! yung special ha? tapos pineapple ang drinks ko." ^______^ gutom na kase talaga ako di na kase ako nakapag breakfast kase nga nalate ako ng gising eh bigla naman agad dumating si Winter kaya di na ako nag-breakfast.
"Di ka gutom Summer?"
"Hahaha. Di ba obvious? ikaw ano order mo?"
"Baka pizza na la--"
"Pare!" -Kiko
"Uy andito na pala kayo!" -Winter
"Hi Summer!" -Joe
"Hi.." matipid kong sagot. Tss.. andito na naman mga friends ni Winter. Minsan di ko maintindihan kung bad or good influence nga ba sila sa bestfriend ko =_____=
"Pre libre mo lunch namin?" -Renz
"Libre ka dyan.. Hahaha libre mo muka niyo." -Winter
"Kayo lang dalawa ni Summer?" -Renz
Obvious ba? dalawa lang kami dito oh? +______+ At saka yung ibang costumer ^___^
"Yep.."
"Asan si Anne Tol?" -Kiko
Bakit ba hinahanap ang wala? Buti nga wala yung mistisang bangus na yun eh. Tss..
"Ewan ko?" -Winter
"Uy.. mukang LQ ata kayo ah?"
LQ? Ibig sabihin mag-kaaway silang dalawa? Hahaha. buti naman kung ganon! Atleast wala akong Anne na makikita na laging naabuntot kay Winter. ^______^
"Tss.. Busy lang siya ngayon may shooting kase siya eh. Teka wait lang mga pre oorder lang ako ng lunch namin ni SUMMER."
"Wala ka talagang balak manlibre?" -Joe
"WALA."
"Hahaha. Sana kami na lang si Summer para libre mo din kami. Teka sama na ako sayo oorder din ako para samin."
Pumunta na sila ni Joe sa may counter para umorder. Natira lang kami ni Kiko at Renz sa upuuan. Nagkukulitan silang dalawa at kung ano ano pinagkukwentuhan about sa mga babae nila. Samantalang ako eh OP na talaga at tahimik lang. Kasundo ko din naman sila kaya lang naiinis ako minsan kapag lagi na lang sumusulpot pag magkasama kami ni Winter.
"Naku pare ang sexy nun ang ganda ganda pa! Ligawan mo na!" -Kiko
"Masarap ba naman? Hahaha" -Renz
"Ehheeem.. ehem." Kunwari umubo ako para naman mapahiya sila sakin. Hello babae ako? tapos paguusapan nila yung mga ganyan bagay sa harap ko? tss..
"Ay, andito nga pala si Summer." -Kiko
"Obvious ba?"
"Hahaha. Sorry naman Summer ang tahimik mo kase dyan eh. Di kami sanay." -Renz
"Tss.. Pwede ba wag nga kayong mag-usap ng ganyan bagay sa harap ko." =____=
"Hahaha. Okay okay. Pasensya na." -Renz
"Teka Summer meron ka ba? Bakit ang taray mo ata ngayon?" ^______^
"Wala.." matipid kong sagot.