"Ako'y Sayo at Ika'y Akin Lamang"

22 1 0
                                    

Ofelia's POV

Hi!  Ako nga pala si Ofelia G. Pinapaasa. 16 yrs old.  Gaya ng apelyido ko, ako ay laging umaasa.  Hahaha.  Pero totoo yun.
Im grade 10 student in Love University or LU.  Astigin ang name ng school namin noh.  Hahaha. Well, yung may-ari kasi nito ay isang Lovers. Sobra nilang mahal ang isa't-isa and sobra silang naniniwala sa Love kaya gumawa sila ng school na ang pangalan ay Love University. 

Ang LU ay isang school (obvious ba??) na ang pinakapundasyon ay pag-ibig.  Lahat ng buildings and rooms dito ay may design na hearts tapos may mga Love Quotes din na nakasulat sa bawat classroom. Since isang Love University toh, karamihan dito ay mga Lovers.  Kaya sobrang nakakabitter sa lugar na ito.  Char.

So ayun nga, andito ako ngayon sa room namin at tinatapos ko yung seatwork namin sa Math, mamayang lunch na ang pasahan nito.  Btw, recess time namin. 

"Uy Ofelia, hindi ka ba kakain?? " tanong sa akin ng isa kong kaibigan na si Daezen. 

"Hindi na muna, tatapusin ko muna ito." sagot ko sa kanya.

"Anong tatapusin?? Mamayang lunch muna tapusin yan. Sabay-sabay na tayo. " sabi naman ni Leanne, isa ko ding kaibigan.

"Okay. Wait kukunin ko lang wallet ko." sagot ko na lang. 

Palabas na kami ng classroom ng papasok naman si Ethan.

"Bakit sa tuwing ako'y lumalapit, Ika'y lumalayo. 🎤🎼" biglang pagkanta ng mga bestfriend ko. 

"Tsk.  Tigilan nyo nga ako. " sabi ko

"Ano ginagawa namin sayo, nakanta lang naman kami eh. "Depensa nitong si Kylie,isa din sa mga kaibigan ko.

"Oo nga." sang-ayon naman nila Sandra, Cristine at Prizty.  Habang sila Leanne at Daezen nagpipigil ng tawa. 

"Ewan ko sa inyo. " Nag roll eyes na lang ako. 

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa palengke.

"Love, bili mo nga ako ng spaghetti."

"Babe, nestea please. "

"Manag pabili po, Mahal ano sayo??

Yan ang mga naririnig namin nung nakarating kami sa Canteen. 

"Nay pabili nga po ng isang Spaghetti with Nestea 10." sabi ko Nay Lisa, isang tindera dito sa canteen namin. 

"Oh, ito na anak, isang spaghetti with love at Nestea 10 with pag-ibig. " sabi ni Nanay Lisa ng nakangiti.  Nagsmile na lang din ako. 

Matapos naming bumili sa Canteen, bumalik na ulit kami sa Classroom namin.

Medyo mahaba ang recess namin.  Mga 1 hour. 

Ganun kasi talaga kami kamahal ng May-ari.  Hahahaha

Patuloy lang ako sa pagkain sa may upuan ko, tapos ung mga kaibigan ko nagdadaldalan.  Nakikinig lang ako at kung minsan nakikisingit din. 

Medyo natigilan ako sa pagkain ng may marinig akong pagstrum ng gitara. 

Yung tunog na yun ay pamilyar sa akin dahil favorite song ko yun. 

(intro ng Ako'y Sayo at Ika'y Akin Lamang)

Biglang nagstart na sa pagkanta yung nagigitara. 

Nasa gilid ko sya. 

"Ikaw na ang may sabi
Na ako'y Mahal mo rin
At sinabi mo
Na ang pag-ibig mo'y
Di maglalaho"

One Shot Stories Where stories live. Discover now