Hey! Guys, yung naka-italic ibigsabihin flashback po ah.
P. S: try nyo po itong basahin, habang nakikinig ng kantang Tonight by FM Static.
Enjoy reading
-----------------------------------------------------------
Ethan's POV
Nandito ako ngayon sa important place ng buhay ko.
Sa "Tree House" namin.
Namin, ng babaeng mahal na mahal ko.
Nakaupo ako sa favorite part naming dalawa.
Para syang mini veranda, tas tanaw na tanaw mo yung ganda ng ulap at nung place.
Secret place namin ito. Bumili kami ng gubat para mapatayo itong 'Dream Tree House' namin.
Matagal na namin pinapangarap ito.
Simula nung bata pa kami, hanggang sa naging kami.
5 yrs ago, Im just 22and she's 21, napagawa namin itong Tree House na ito.
Sobrang saya namin nung natupad namin yung matagal na naming pinapangarap.
"Love, finallyyyy!!! Natupad na natin yung pangarap natin." sabi sa akin ni Ella.
Si Ella ang long time girlfriend and bestfriend.
Simula pagkabata, magkasama na kami. Magkaklase ang mga magulang namin nung High School sila. Naging magbest buddies ang parents namin. Kaya nagkaroon sila ng promise sa isa't-isa na kapag nagkapamilya sila, sa iisang lugar lang. Kaya naging magkaibigan kami ni Ella.
"Masaya ka ba Mahal?" tanong ko sa kanya, habang naka-backhug ako sa kanya.
"Sobra Love. Sobrang-sobra." sabi nya tapos umikot paharap sa akin.
Nakalagay yung mga braso ko sa bewang nya at yung kanya ay pumaikot sa leeg ko.
Unti-unti naming ginalaw ang mga katawan namin.
" Our first dream are done. New York next." sabi ko sa kanya, habang nakangiti.
"Yeah, Statue of Liberty." ngumiti ako sa kanya at hinalikan sya ng mabilis sa labi.
We stayed in that position while dancing in the music of our hearts.
Gabi na ngayon. Kaya naisipan namin tignan ang mga stars.
Ang ganda ng view ng mga stars dito. Kitang kita ang kanilang ningning, pati na din ang liwanag ng buwan sa gabing madilim.
"Love ang ganda ng mga stars noh. Sobrang kikinang." sabi sa akin ni Ella habang nakatinigin lang sa langit.
"Oo Mahal, sobrang ganda,gaya mo." sabi ko sa kanya ng nakangiti.
Nakatikim naman ako ng hampas sa braso.
"Ouch, ang Brutal mo talaga Mahal." sabi ko sa kanya ng natatawa.
"Sus, ikaw naman napakabolero. Mula noon hanggang ngayon."sabi nya sa akin ng natatawa.
Pinagmasdan na lang ulit namin ang langit.
"Love, if ever na mawalay tayo sa isa't-isa, tumingin lang tayo sa mga bituin. Sila ang magsisilbing ikaw at ako. Kapag namimiss mo ako, titignan mo lang ang mga bituin, ganun din ako. Stars will symbolize our Love for each other." nakangiting sabi sa akin ni Ella.
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomIba't-ibang kwento na pinamagatan ng iba't-ibang kanta. Para sa mga umiibig. Para sa mga nasasaktan. Para sa mga lumuluha. Para sa lahat..