So hi guys! Itong part na to ay lara sa "PAASA, T. A. N. G. A" ito yung part na hindi ko na nilagay hahahaha. Ang haba na kasi eh. Kaya ginawan ko na lang ng special chapter.
Maiksi lang ito. Okay??
Enjoy reading guys :)
-----------------------------------------------------
Leanne's POV
Nandito kami ngayon sa classroom, nagpapalit na, dahil magstastart na yung program namin sa Theater ng School namin.
Hindi ko pa rin pinapansin si Marcus.
Kinakausap nya pa rin ako, kahit hindi ko sya pinapansin.
Ang tibay din nitong kumag na toh.
Umupo muna ako sa upuan ko dahil tapos na ako magpalit.
Mamaya lumapit na naman si Marcus sa akin. Tumabi sya.
"Leanne, may sasabihin ako sayo. Kaya please, kausapin mo naman ako." sabi ni Marcus.
Hindi ko sya pinansin at kinuha ang phone ko.
"Leanne please, it's important" pangungulit nya.
Bahala sya. Hindi ko sya papansinin.
Matapos ko syang iyakan kagabi, ano sya siniswerte? Ulol nya.
"Leanne, para sayo naman itong pag-uusapan natin eh. Kaya please."
Anong pinagsasabi nitong epal na ito.
Pero baka nga important, baka magpapaliwanag sya about sa picture.
Kaya dapat kausapin ko na sya,kaso may pumipigil pa rin sa akin eh.
Hindi ko alam, parang may part na nagsasabi na hindi maganda ang kalalabasan ng pag-uusap.
Pero bahala na.
Baka kasi, mali ako ng hinala. Sister or Cousin nya lang iyon. Sayang naman ang iniyak ko ng todo kagabi.
Hay! Sige na kakausapin ko na sya.
Nung haharap na ako sa kanya para kausapin sya.
Biglang tumunog ang phone nya. Tinignan nya ito at tumayo sya.
Tinapat nya sa tenga nya ang kanyang cellphone at nagsalita.
"Hello Love, Allysa. Why?? "
Shet, sino ba ito. Takte. Kung kelan ready na ako makipag usap sa kanya eh.
Lumayo sya at lumabas.
Hindi nya ako nilingon kanina.
Bahala na.
Lumabas ako para sundan sya.
Kaso sana pala hindi ko na ginawa.
Nakita ko syang nakaakbay sa isang babae. Yung kasama nya sa picture.
Tatalikod na sana ako para bumalik sa room namin ng bigla nya akong tinawag.
"Leanne!" napatigil ako sa ginawa nya. Kaya napilitan akong humarap sa kanila.
Ngumiti ako ng pilit.
Naglakad silang dalawa palapit sa akin. Kaya inantay ko na kang sila.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Pero hayaan. Baka ipapakilala nya sa akin yung girl.
Baka pinsan or sister nya lang yan. Kaya team postive Leanne, team positive.
Nung nasa harap ko na sila.
Ngumiti sa akin yung girl kaya ngumiti din ako...
Ng pilit.
"Hi! Leanne, Allysa nga pala." sabi ng girl na kasama ni Marcus at nilahad ang kamay nya para sa shakehands.
Ngumiti ako sa kanya at nakipagshakehands din.
"Hello" sagot ko sa kanya. Ito siguro yung kausap nya.
"Ahh Leanne,girlfriend ko nga pala... Matagal na" napatulala ako sa sinabi ni Marcus.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Kaya napangiti na lang ako ng pilit at iniwan sila.
Tumalikod na ako, at naglakad palayo sa kanila.
Bawat hakbang ng mga paa ko palayo sa kanila, ang syang pagtulo ng mga luha ko.
Mga luha kong nagsisilbing mga salita na hindi ko masabi o mabanggit dahil sa sakit.
Maraming nakatingin sa akin pero ni-isa wala akong pinansin. Wala akong pakialam.
Nasasaktan ako ng sobra. Akala ko masakit na yung nakita ko yung mga pictures eh.
Mas masakit pala kapag harap-harapang sinabi.
Mas masakit pala kapag umasa ka.
Pumunta ako ng C. R para doon iiyak.
Nang matapos ako, bumalik na ako classroom namin. Konti na lang ang nandun.
"Leanne, punta ka na sa Theater, magsisimula na tayo." sabi sa akin ng isa sa kaklase ko.
"Sige, magrere-touch lang ako. " sagot ko pabalik.
Ngumiti lang siya at umalis na.
Nagretouch na ako at nung natapos na ako, naglakad na ako papunta ng Theater.
Pagdating ko dun, nagulat ako sa dami ng tao.
Ang dami agad. Nakakagulat.
Naglakad na ako papunta sa Backstage kung saan doon pwepwesto ang mga magpeperform ngayon.
Nagsimula na ang aming palabas.
Habang hindi pa ako ang sasalang, iniisip ko yung gagawin ko mamaya.
Iniisip ko kung anong sasabihin ko sa Spoken Poetry na gagawin ko.
Kinakabahan ako. Bigla kong naalala yung kakantahin ko.
Paasa, Tanga by Yeng Constantino.
Sakto.
Sakto sa nararamdaman ko.
Iaalay ko kay Marcus ito.
Lahat ng hindi ko nasabi sa kanya kanina. Dito ko sasabihin.
Lahat-lahat, dito ko ilalabas.
Marcus, para sayo ito.
Ito na, ako na ang susunod.
Hooo!! Goodluck sa akin.
Marcus Perez makinig ka.
Dahil isa kang Paasa, Tanga.

YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomIba't-ibang kwento na pinamagatan ng iba't-ibang kanta. Para sa mga umiibig. Para sa mga nasasaktan. Para sa mga lumuluha. Para sa lahat..