032519,2253.
Malungkot ang musika,Lumalalim na ang tulog ng ibahabang ako nilalamon na, kalungkutan malalabanan ko pa ba?
Sa pagsapit ng gabi, habang malamig ang hangin, ako'y nag-iisa.
Bigat ng kalooban ko'y sa pagluha ipinapakita.
Akala ko'y okay na, hindi parin pala.
Tuhod ko'y nanghihina, utak ko'y sasabog na.
Pero hindi dapat mawalan ng pag-asa,
Diyos ko'y may magandang plano pa.
Pagsuko'y di sagot sa problema, pwede tayong magpahinga
at ang bukas ay panibagong pag-asa.