♡ Kabanata 1

214 3 0
                                    

First day of School

Lian V. Garcia's POV 

Hi! Ako si Lhian(Lian). ^__^ Trip ko lang talaga lagyan ng 'H; yung pangalan ko kasi ganun daw talaga ang mga pinoy, Trip nila lagyan ng H yung mga pangalan para mas humaba XD.

Ako po ay isang bangag, sabog, walang pakielam sa school, laging nakatulala, namumula ang mga mata at high na high na babae. De, joke lang. XD Mamaya isipin nyo pa na nagda-drugs ako eh. Ang healthy at ang sexy ko kaya. :P (Anong konek? XD)

At saka, hindi pa uso ang drugs sa panahon namin 'no!

WOW? Akala mo ang tanda ko na eh -___-

--

Habang naglalakad ako sa hallway ng school ay pare-parehas paring mga mukha ang mga nakikita ko. Siguro yung mga kaklase ko nung second year pa rin yung mga kaklase ko ngayon.

Malay ko ba sa school na 'to kung bakit ganito. Parang walang pakielam sa mga estudyante eh. XD

Tignan nyo nga ako oh, Di ko alam kung bakit nakapasok ako sa school na 'to kasi sobrang bagsak ng grades ko nung elementary palang ako. Tuwang tuwa kaya ako nung mga panahon na yun kasi ang alam ko ay wala tatanggap sa'kin na school kaso akala ko lang pala na wala. Akalain n'yong ang 65 na average ko ay nakapasa pa ako sa isang school? Oo. 65 ang average ko nung grade 6 ako.

Hindi ko din alam kung bakit o paano ako naka- abot ng 3rd year High School dahil ako ay isang Certified tamad sa lahat ng subjects at kahit kailan ay hindi ako gumawa ng mga assignments at requirments.

Ay, hindi, ang natatandaan ko ay may isa akong ginawang assignment sa kadahilanan na mataray ang teacher ko sa subject na yun. Grabe, sa kanya nga lang ata ako natakot nun eh. -__-

"Hi, Garcia!"- Bati sa'kin nung isang student. Naging kaklase ko ata s'ya dati eh pero nakalimutan ko na pangalan n'ya. (-0-)7

Nginitian ko nalang s'ya. Mamaya sabihin pa nito na snober ako eh. Tss.

--

Nung makarating na ako sa classroom namin ay nadatnan ko sila na ang ingay ingay. As usual, natahimik lang sila nung padabog kong binuksan yung pinto at nagdire-diretso papunta sa upuan ko.

Actually hindi naman talaga padabog yung pagbukas ko eh. Haha, natulak ko lang talaga yung pinto ng malakas kaya naman napalakas 'yung pag bangga dun sa pader. :P

Hindi naman ako maldita eh. Pero mukha daw akong mataray kapag nakasimangot ako. Wala kasi ako sa mood kapag nakasimangot ako eh. Tapos mukha rin naman daw akong inosente kapag wala yung nakasimangot kong mukha.

Ang gulo nila, 'no? Sarap jombagin eh. XD

"Hoy, te! Matutulog ka nanaman ba?" - Tanong sa'kin ni Jessa na kaklase ko.

Tinanguan ko lang siya dahil wala ako sa mood magsalita. -__- Nakakatamad kaya magsalita.

Tinungo ko na ulit ang ulo ko sa desk namin at nagkunyaring tulog. Lagi naman akong ganito. Akala nilang lahat tulog ako pero nakikinig lang talaga ako sa kanila. Ayoko kayang ma-late sa uso 'no. -__-

--

Dumating na si Ma'am kaya umayos na ako ng upo at nag pamukhang inosente ulit. XD

Di ko pa kasi masyadong ka close yung iba kong mga kaklase. Ako yung tipo ng tao na mahiyain sa una pero kapag naging close ako sayo, aba eh madaldal kaya ako kaya naman lumalabas ang kawalang hiyaan ko kapag close na tayo! ^__^

Yung iba ngang mahaharot kong kaklase ang sarap kotongan sa Fallopian Tube eh. Landi landi kay bata bata pa! -__-

"Okay, class, I will arrange your seats acording to your surnames / last names." - Sabi ni Ma'am.

Ang Crush Kong Paasa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon