Nandito ako sa field at masaya akong nakikipagtawanan sa mga kaklase ko nang makita ko ang pinaka matalik kong kaibigan na naglalakad at masaya ding nakikipagtawanan sa mga kasamahan niya.
Napatigil ako sa pag tawa at pinagmasdan ko silang dumaan sa harapan ko. Hindi niya ako napansin pero pinagkibit balikat ko na lang.
Natapos na yong klase ko kaya pumunta agad ako sa classroom niya. Napatingin ako sa loob ng kanilang classroom. Hindi ko siya makita kaya pati yong paligid ay tinignan ko na. Baka ay lumabas na at hinintay ako sa labas ng gate.
Kahit dito sa labasan ay hindi ko na siya makita. Nakaramdam ako ng kaba kaya nagmadali akong tawagan siya. Matagal nang nag ring at akala ko ay walang sasagot pero may narinig na akong nag salita.
"Bakit Apple?" tanong niya may bahid na pagtataka.
Napakunot ako ng noo, "Nasaan ka? Diba sabay tayong uuwi?" nagtataka kong tanong.
Narinig kong tumawa si Jamaica at hindi lang siya nag iisa, dahil madami akong boses na narinig.
"Jamaica? Are you still there? If you come here, I'll wait.." dagdag ko.
"Hindi na. May kasabay na ako. Mauna ka na. Thank you, I love you bestfriend!" mabilis niyang sagot at pinatay ang tawag.
Napailing na lang ako sa ginawa niya. Lately, napapansin kong hindi na kami nagsasabay tulad ng dati. Nakaramdam ako ng lungkot pero pinilit kong wag isipin yon. Hindi naman niya ako iiwan.
Dumating na ako sa bahay at pumunta na din ako sa bahay nila Jamaica na katabi lang ng bahay namin. Nalaman ko sa Mama niya na hindi pa siya nakakauwi kaya hindi mawala yong kabang nararamdaman ko. Gabi na at dapat ay nandito na siya sa bahay nila!
Nanatili ako dito sa labas ng bahay. Nagbabakasakaling makita ko siya. Tatawagan ko na sana siya nang may marinig akong tunog ng trcycle sa tapat ng bahay nila.
Bumaba doon si Jamaica na may ngiti sa labi niya. Agad akong lumapit at nanlalaking mga mata niya yong tumingin sakin. Hindi niya inaasahang mag aantay ako sa kanya.
"Saan ka galing?" nag aalala kong tanong.
Ngumiti siya, "Masyado akong nawili at hindi ko na napansing gabi na pala.."
"Sino ba yong mga nakakasama mo?" tanong ko.
"Yong mga kaklase ko. Masaya nga silang kasama.." bahagya pa siyang tumawa.
Para akong sinaksak sa dibdib 'non nang marinig ko yong sinagot niya. I'm her bestfriend but right now I don't know if I'm still her bestfriend for her.
Pinilit kong ngumiti, "Basta good influence ha? Masaya ako kung saan ka masaya.."
Tumango naman siya at nag paalam nang umalis. Pinanood ko na lang siya na pumasok sa bahay nila. Siguro naman ay ako pa rin yong taong tatakbuhan niya kapag nagkaroon siya ng problema.
Pero hindi ko maiwasang isipin. Parang ang layo niya sakit kahit na bestfriend niya ako. Parang hindi ko kayang malaman yong mga ginagawa niya. Parang may wall siyang inilagay para hindi ko makita yong nangyayari.
Ayokong manghinala na parang iba na. Pero yon talaga yong nararamdaman ko. Parang hindi na siya yong Jamaica na bestfriend ko. Hindi na siya yong taong pinapahalagahan ko. Bumigat yong pakiramdam ko ng isipin ko yon.
Hindi naman niya yon magagawa. Sigurado ako. Mag bestfriend kami at matagal na yong pinagsamahan namin. Hindi naman niya siguro ako ipagpapalit sa mga taong sandali lang niyang nakasama diba?
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok. Naging masaya naman ako doon at hinatid ko pa siya sa classroom niya. Pero nang makapasok na ko sa classroom ko ay may isa akong kaklase na lumapit sakin.
