Chapter 2

16 1 2
                                    

December 26,2011

Agad-agad kameng umuwi ng Pilipinas at dumiretso agad sa Philippines National Hospital. Maraming tinest sakin at chineck na kung ano-ano. Although my mom is a doctor, I hate the ambience here. Halos ilang oras din ito bago natapos at nakompirma ngang I have a second stage heart cancer.

My mom was with me the whole time and just like how she has always been she tried to look it positively kahit na alam ko naming she’s just trying to be strong for me to be stronger.

“Sophia anak, for now you have to be hospitalized kase we need to have research on how to operate the tumor on your heart, you need to be home schooled muna for now, alam mo naman na I’m just doing this for you,” sabe sakin ni mom na halatang kaiiyak lang niya.

I can’t blame her pano ba naman napakaswerte niya samin ni papa, una siya yung kinuha because of cancer and now ako naman. Halos hindi ko pa nga maprocess lahat ng nangyari ngayon. First and foremost, ang saya saya namin sa Paris and now this happened. Halos napapatulala na lang ako sa kawalan. I feel hopeless lalo na nung sinerch ko sa Iphone ko . .

Heart Cancer

-          One of the rarest cancer in the world. One out of millions of people have this cancer. And 75% of people who have this kind of cancer dies. .

Okay, tinigil ko na ang pagscroscroll kase mas lalo lang akong nawawalan ng pag-asa. How lucky I am na ako pa yung napili out of millions of people na masasama na pwede naman sila na lang. . How I wish this was all a dream, a one big LIE.

Araw-araw, mas lalong naging protective si mommy, yung tipong every hours siyang sumisilip sa room ko dito sa hospital kahit na marami siyang schedule. Marami na ring pinagbawal saking pagkain and unti-unti ko na rin naaabsorb na may sakit ako.

I decided to check my Facebook account.

Nakita ko na ngang nagpost yung isa sa mga kinaiinisan ko sa school na si Ashley Argota(*Eishley daw ang tamang pagpronounce ng name niya, arte e)  sa Facebook wall ko.

“Sophia, heard you have a cancer. Aww feeling bad for you. .”

2980likes 500comments 126shares

0.0 Di ko na nga tiningnan yung mga comments baka mabaliw lang ako. At may nagshare pa talaga.

Hindi naman sa kinaasaran ko siya ng bonggang bongga, kaso masyado siyang pafamous. Although I know she’s famous naman talaga, ikaw ba naman magkaroon ng commercial at mapasama sa isang music video. Diba actually gandang ganda nga ko sa kanya kaso ewan ko ba minsan may pagkaattention seeker siya.

Kaya ayun dineactivate ko na rin yung website ko at iba kong sns accounts (*social networking sites*) kase feeling ko may mga nakakaalam na sa mga classmates at schoolmates ko at ayaw kong magpost sila sa wall ko tulad ng pagpost ni Ashley sa wall ko at na kung ano anong comforting messages kase mas lalo ko lang nafifeel na may sakit ako. Mas lalo lang tumatatak sakin na I have this damn cancer in me.

Halos ilang days na rin ako dito sa hospital and nababagot na ko, gusto ko ng umuwi ng Bulacan at makita ang mga friends ko. Feeling ko mas lalo akong nanghihina dito sa hospital. So I decided to went out pero syempre sa may garden lang outside this hospital. May mga nakita rin akong mga pasyente dun which is younger than me like way way younger than me pero they were smiling, how I wonder if alam ba nila ang totoong mga nangyayari. .

“Good Morning kids.” sabe ng isang lalaking mukhang halos ilang years lang ang agwat sakin.

“Good Morning Kuya Christian.” sabay sabay silang sumigaw at ngumiti.

Miracles of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon