Chapter 2

478 28 2
                                    

Chapter 2

Lionel Yrra Vermillion

Nandito ako ngayon sa loob ng tirahan ng babaeng tinulungan namin kanina ni Storm na si Dana at yung batang babae naman na lumapit sa amin kanina na kapatid pala nya ay si Wendy.

"Maraming – maraming salamat sa pagtulong nyo sa amin! Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran sa kabutihang ipinagkaloob nyo sa amin!"

Pasasalamat ng pinuno ng bayan sa amin. Sa ngayon kasi ay lilikas silang lahat papunta sa kanlurang bahagi ng bansang ito upang makipag – alyansa sa kapatid nitong pinuno rin ng isang bayan. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang Restoration Spell sa bayan nila – a wide range spell which considered a Lv. 9 spell among magic casters and is only performed by an advanced magic caster – dahil ang pakilala ko lamang ay isa akong mag – aaral na patungo sa Capital City of the World upang makapagsulit sa kilalang eskwelahan para sa mga katulad namin – ang Alta Victoria Academia.

"Hindi na po kailangan, ang mahalaga ay ligtas kayong makalikas at buhay na makarating sa patutunguhan nyo. Iyon lamang po at okay na po ako doon."

Ngumiti naman ito sa akin at niyakap ako. Nagulat pa nga ako nung una dahil sa tagal ng panahon, ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong pakiramdam ng may yumayakap sayo.

"Mag – iingat po kayo sa inyong – "

"Ma – maari mo ba kaming isama sayo?"

Napatingin kaming lahat kay Dana ng magsalita ito. Maging ako ay nagulat dahil sa sinabi nya. Mapanganib ang ginagawa naming paglalakbay ni Storm kaya nga hindi ako nagsasama ng mga magiging pabigat sa amin. Isa pa, ayokong malaman nya ang sikreto naming dalawa ni Storm.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo Dana? Alam kong ulila na kayong dalawa ng kapatid mo pero alam mo namang kaligtasan nyo lang namang dalawa ang hinahangad ng mga magulang mo."

Ulila na rin pala sila. Katulad ko, malungkot ang buhay at tanging sarili mo lang ang aasahan mo sa lahat ng problema. At kahit na may kapatid pa sya, alam kong nahihirapan rin sya at nagpapakatatag lang para sa kapakanan ng kapatid nya.

"Pero Inang, hanggang kailan po ba ako tatakbo? Hanggang kailan ko po hihintayin ang katarungan para sa kamatayan ng mga magulang namin?"

Pareho pala kami ng pakay.

"Aabangan namin kayong dalawa ni Storm sa bukana ng bayan bago sumapit ang gabi. Kapag nahuli kayo, hindi na namin kayo hihintaying dalawa dahil delikado sa daan pag gabi."

Saad ko sa kanilang dalawa atsaka naglakad papalabas ng bahay na iyon. Tumigil lang ako dahil may nakalimutan ako.

"Mag – iingat po kayong lahat! Protective Barrier Lv. 8!"

Panatag na ang loob kong magiging maayos ang paglalakbay nila. Mabilis kaming nag – teleport ni Storm sa mismong lugar na sinabi ko. Mula rito ay makikita mo ang buong bayan at ang laki ng pinsala na dinulot ng mga Fire Caster na iyon. Sisiguraduhin kong tatandaan ko ang pangalan ng Hari nila – Ismael – ang isa sa mga taong kabilang sa sisingilin ko oras na magtagpo kami.

Dana Grave

Sa huling pagkakataon ay yumakap ako kay Inang. Sya na kasi ang tumayong magulang naming dalawa ni Wendy kaya mahirap rin sa akin ang ginawa kong desisyon. Pero dahil gusto kong bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang namin ay gagawin ko ito kahit na buhay ko pa ang kapalit.

"Mag – iingat ka Dana, kayong dalawa ni Wendy!"

"Kayo rin po Inang!"

Hindi ko mapigilan ang umiyak pati ang kapatid ko dahil sa tingin ko ay ito na ang huli naming pagkikita ng tinuring na naming pangalawang magulang.

"Tahan na Wendy, nakikita ko na sila!"

Ayokong makita ako ng mga magiging kasama ko na mahina. Isa pa, hindi ko pa rin kasi sila kilala sa pangalan nila kaya naman medyo ilang pa kaming dalawa sa kanila. Nakakabilib lang rin dahil nagawa nilang paggalingin ang mga sugat ko sa maikling panahon.

"Halika na! Gagabihin pa tayo."

Tumango na lang ako sa sinabi nung babae. Ito na ang panibago naming buhay dalawa ng kapatid ko, at sisiguraduhin kong hindi masasayang ang pagkamatay ng mga magulang ko para lang sa wala. Magbabayad ang mga walang kaluluwang gumawa nun sa kanila. Pinapangako ko iyan.

Wizards and Witches Kingdom

Third Persons Point of View

Boogsh

Mga walang kwentang nilalang! Paano silang matatalo ng isang nilalang na hindi man lang nila nagalusan o nakita man lamang ang mukha? At kung sino man ang nilalang na iyon ay sisiguraduhin kong magbabayad sya sa pangingialam sa mga plano ko!

"Ipatawag ang Forbidden Eight!"

Sisiguraduhin kong makikita mong hayop ka ang kamatayan bago ka pa makapaminsala sa mga plano ko, pakialamero ka! Tingnan na lang natin kung hanggang saan ang kakayahan mo para matalo ang walo sa mga advanced magic casters ng kaharian.

"Nandito na po silang lahat kamahalan."

Magbabayad kayo ngayon.

Cursed Kingdom

Third Persons Point of View

Mabilis akong napabangon sa kinalalagyan ko at pumunta sa bulwagan ng mga isinumpang bathala. Ganoon na lang ang gulat ko ng makitang nagliliwanag ang mga rebulto ng mga nauna nang pinuno ng aming kaharian. Matagal na rin simula ng mangyari ito, at isa lang ang ibig sabihin nito. Nasa labas na ng mundo ang susunod na magiging pinuno ng sangkatauhan.

"Ipinapatawag ko ang lahat ng mga tagapagbantay ng bawat palapag ng kahariang ito. Humayo kayo at pumunta rito."

Maririnig ang mga pagyanig sa buong paligid at ang iba naman ay pagsabog. Ang kaharian ay binubuo ng walong palapag kung kaya't walong tagapagbantay rin ang pupunta sa akin. Hiwalay ang pinaka namumuno sa buong kastilyo.

"Ang tagapagbantay ng unang palapag – Zetrivias – buong galang na bumabati sa inyo kamahalan!"

"Ang tagapagbantay ng ikalawang palapag – Jezzet – buong galang na bumabati sa inyo kamahalan!"

"Ang tagapagbantay ng ikatlong palapag – Morphia – buong galang na bumabati sa inyo kamahalan!"

"Ang tagapagbantay ng ikaapat na palapag – Tartabes – buong galang na bumabati sa inyo kamahalan!"

"Ang tagapagbantay ng ikalimang palapag – Ygron – buong galang na bumabati sa inyo kamahalan!"

"Ang tagapagbantay ng ikaanim na palapag – Xerxes – buong galang na bumabati sa inyo kamahalan!"

"Ang tagapagbantay ng ikapitong palapag – Qui – buong galang na bumabati sa inyo kamahalan!"

"Ang tagapagbantay ng ikawalong palapag – Kyuon – buong galang na bumabati sa inyo kamahalan!"

"At ang tagapangalaga ng mga tagapagbantay – Ophinx – buong galang na bumabati sa inyo kamahalan!"

End of Chapter 2

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Blue EyesWhere stories live. Discover now