Chapter 14

215 20 0
                                    

Chapter 14

Lionel Yrra Vermillion ~

Dalawang araw na ang lumipas simula ng tulungan namin ang mundo ni Axel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dalawang araw na ang lumipas simula ng tulungan namin ang mundo ni Axel. Masasabi kong sa pamamagitan noon, nakapagsanay na rin kami kahit papaano. Nakakalungkot lang isipin na mas pinili ni Axel ang lumayo kaysa sundin ang kagustuhan nya na syang alam kong makakapagpasaya sa kanya. Wala na naman akong magagawa doon. I've just realized something na minsan sa buhay ay wala na tayong pagpipilian kung hindi ang masaktan na lang. A reality of what's happening now.

Tok ~ Tok ~

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng bigla na lang may kumatok doon. Nga pala, nandito parin kami sa bayan na syang pinamumunuan ni Greg – ang Bayan ng Fertuid.

Sa pagbabalik namin sa mundong ito pagkatapos ng digmaan sa mundo ni Axel, doon ko napansin na totoong may kakaiba ditong nangyayari. Katulad noon sa bayan na syang kinalakihan nina Dana at ng kapatid nyang si Wendy. Napapaisip na rin ako hanggang ngayon kung bakit kailangang sunugin ang bayan nila? Para saan? Hindi gagawa ng isang hakbang ang isang pinuno ng isang kaharian ng para lang sa sarili nyang kasiyahan, it will never happen. I'm sure of that dahil isa iyon sa mga prinsipyo na syang itinuro sa akin noon ni Ama.

" Pasok! "

Sabi ko na lang.

" Pasensya na po sa abala Kuya Lionel. Pero kasi, hinahanap po kayo ni Kuya Greg. Nasa ibaba po sya, hinihintay kayo! "

Tumango na lang ako sa sinabi ni Wendy. Hindi maipagkakailang bata pa rin sya kahit na sa gitna ng labanan ay nagbabago ang katangian nya. Mula sa isang maamo at mabait na bata, nagiging agresibo sya at walang sinasanto sa gitna ng labanan. Isa na sigurong dahilan doon ay ang kakayahang tinataglay nya which is related sa itim na kapangyarihan.

" Pakisabi na lang na susunod na ako. "

Sabi ko sa kanya na sya namang tinanguan lang nya. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo, namasyal kasi sina Dana kasama si Troy habang si Storm naman ay pinaikot ko sa buong bayan upang humanap ng ibang mga impormasyon tungkol sa mga kakaibang pangyayari dito. Alam kong konektado ang nangyayari dito sa bayang ito sa nangyari sa bayan nina Dana at Wendy noon, at kailangan ko iyong matuklasan dahil maaaring maging sagot iyon sa mga katanungang nabubuo sa isipan ko simula ng magbalik kami.

" Sige po. "

Sumunod na lang ako sa ibaba. Ayokong paghintayin si Greg lalo pa at mabuti ang ipinapakita nito sa amin. Kahit pa sabihing sinabi nyang utang na loob ito, hindi pa rin maitatangging sya ang namumuno dito.

Nang makakababa ako, naabutan ko itong seryosong nakatingin sa kawalan. Masasabi ko ring parang malalim ang iniisip nito at seryosong bagay ang sasabihin nito sa akin. Natigil lang ito doon ng umupo ako sa mismong harapan nya. Nanlaki pa nga ang mga mata nya at bahagya pang namula ang mga pisngi nya ganoon rin ang pagpula ng mga mata nya.

" Napadalaw ka? "

Nasabi ko na lang. Bigla kasi itong naging balisa sa kanyang kinauupuan. Hindi ko tuloy maiwasang pagtaasan ito ng kilay lalo pa at parang naiilang ito sa akin.

" Um – um, ma – may nakita kasi kaming kakaibang bagay na lumulutang sa lawa kanina. Gusto ko lang sanang sabihin sayo, baka kasi makatulong sa ginagawa nyong pag – iimbestiga. "

Now that he mention it, I've become more interested than before.

" Hindi lang kami sure kung ano iyon dahil may kung anong barrier ang bumabalot doon at syang pinipigilan kami upang makita kung ano ito. So were thinking kung magagawa nyo bang makita kung ano iyon or mas maigi, makuha nyo sya? What do you think? "

Dugtong nya pa na syang nakapagpaisip sa akin. I mean – this thing happening right now is more fun that I have never imagined. At least, mapa – practice sina Dana at Wendy kahit sa ganitong paraan.

" I'll try, but I'm not promising na magagawa ko o nino man sa amin na makuha ang bagay na sinasabi mo. I'll just check it first before trying to get it! "

Sagot ko sa kanya. Tumango naman sya doon at saka tumayo.

" Then, shall we? "

Napakunot naman ako ng noo doon. Is he asking me to go out now?

" Huh? "

Naguguluhan kong pagtatanong sa kanya. Napangiti naman sya dahil doon at saka lumapit sa akin, samantalang ako naman ay napalayo dahil doon. This guy is creeping me out.

" Ang sabi ko, shall we? Inaaya na kita ngayon na pumunta doon habang maaga pa, habang hindi pa sumasapit ang gabi upang hindi na gaanong delikado. "

Saad nya na syang lalong nagpa – awkward sa aking pagtingin sa kanya. Upang hindi nya mahalata, umiling na lang ako at ngumiti ng pilit sa kanya.

" Salamat sa paanyaya. Ngunit hindi pa kasi dumarating sina Dana at Troy o kahit si Storm. Kung gusto mo, ipapatawag na lang kita sa mga ka – bayan mong nasa labas pag dumating na sila? "

Nasabi ko na lang sa maayos na paraan. Idinahilan ko na lang din ang iba ko pang mga kasamahan. Hindi ko na kasi nagugustuhan ang presensya ni Greg sa paligid ko. He's creeping me out like a psycho.

" Sayang naman kung ganoon, but I respect your decision. Salamat na rin sa pagtulong sa bayan namin, mauuna na ako. "

Tumango na lang ako sa kanya at inihatid sya papalabas ng bahay. Kita ko pa ang pagkuyom ng kamao nya habang papalabas. Doon ko na lang din napansin ang kakaibang marka na nandoon sa braso nya, sa likod nito. Ngayon ko lang din nakita ang ganoong marka kung kaya't hindi ko masasabi kung ano iyon, ang tanging masasabi ko lang ngayon ay hindi na maganda ang pakiramdam ko sa bayang ito. I have a feeling that there is really something going on here, I just don't know what it is, but there is.

" Umalis na po ba si Kuya Greg, Kuya Lionel? "

Napalingon naman ako sa likuran ko, kay Wendy. Nagtataka ang itsura nitong nakatingin sa akin dahil sa magkasalubong kong kilay.

" May problema po ba? "

Dugtong pa nito na kaagad ko namang inilingan. All we must do is to be careful from what we are doing now, hindi na maganda ang pakiramdam ko dito and I want as soon as possible na makaalis dito.

" Hintayin na lang natin sina Ate Dana at Kuya Troy mo na dumating? "

End of Chapter 14

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @vindexia

Instagram: @vhinix_10

Tumblr: @vindexia

Blue EyesWhere stories live. Discover now