Kabanata 1

3 0 0
                                    

Diniinan ni Princess ang brake ng minamanehong Mitsubishi Montero Sport nang magpalit ng kulay ang traffic light sa kahabaan ng Bonifacio Global City.

Sinamantala niya ang pulang ilaw at mabilis na inilabas mula sa kanyang vanity kit ang kanyang MAC lipstick.

Ibinaling niya ang kanyang ulo sa kaliwa at pagkatapos ay sa kanan habang sinisipat nang mabuti ang kanyang mukha sa rearview mirror.

"Maganda ka, Cess. Maganda ka" sabi niya sa sarili.

Kung may nakakarinig siguro sa kanya ay baka isipin nitong tila napakayabang niya sa sinabi. Hindi naman totoo iyon. Ang totoo, mantra niya ang mga katagang iyon. Iyon ang paraan niya upang bigyan ng assurance ang sarili. Iilan na rin kasi ang nakapagsabi sa kanya na: "to be beautiful, one must feel beautiful first."

Ginuhitan niya ang kanyang mga labi, mga labing mas malapad kaysa sa ibig niya. They were wide and pouty and, in her opinion, alangan sa kanyang maliit na mukha.

"You're so pretty, Cess" muling pep talk niya sa sarili ag pagkatapos ay ibinalik sa pouch ang lipstick.

Eksakto namang nag-green ang ilaw.

"And every time we touch, boy, you make me feel weak....." sinabayan niya ang kanta habang panay ang tap niya ng mga daliri sa manibela.

Narating niya ang kasunod na intersection. Another red light. Muli ay diniinan niya ang brake. And again, baling to the left and baling to the right ang kanyang ginawa habang sinisipat ang mukha sa salamin. This time, ang mga pilik-mata naman niya ang kanyang pinagtuunan ng oansin. Nilagyan niya iyon ng waterproof mascara, also from MAC.

Bago magberde uli ang ilaw ay nilakasan niya ang volume. It was the same song, her favorite.

"Still i wonder, could you fall for a woman like me..... woman like me"

Bigay todo ang kanyang ginawang pagkanta na halos ikapigtil ng mga litid niya. Kahit na magkandapiyok siya, wala siyang pakialam. Siya lang naman mag-isa sa loob ng kotse.

Hindi niya naman masisisi ang kanyang mga kaibigan. Siya lang kasi at tanging siya lang sa kanilang tatlong magkakaibigan ang may hawak na record na pinakamatagal na oras na ginugugol sa paggagayak. Ang resulta, tuwing may lakad sila ay palagi siyang huli sa tagpuan. And today was no exception.

Nahihiya na rin naman siya sa mga kaibigan niya kaya inagahan niya ang pag-alis ng bahay nila. Iniiwasan na niya ang dumating nang late but the rate things were going—na bawat traffic light ay kailangang hintuan niya—mukhang iyon na naman ang nakatakdang mangyari.

She will be meeting her bestest friends niyang sina Lara and Patricia sa BGC, Tomatito para mananghalian and after that magsa-shopping sila gaya ng palaging ginagawa nila. Late lunch ang usapan nila at ala-una ang meeting time na napagkasunduan nila.

Isang mabilis na sipat sa Apple Watch na suot ang kanyang ginawa. Twelve-40 pa lang. Hindi na masama, naisip niya. Kung hindi siya maiipit sa traffic ay makakarating siya sa Tomatito bago mag-ala-una y media.

Nagberde ulit ang ilaw ag nagpatuloy siya pagmamaneho. Maya maya ay nakarinig siya ng beep. Napabaling ang mga mata niya sa pinagmulan ng tunog, sa gas gauge. Malapit nang mag empty iyon kaya nag bigay ng warning.


Shit!


Nagpalinga-linga siya at sa bandang kanan, humigit-kumulang isandaang metro ang layo mula sa kinaroroonan niya, ay natanaw niya ang isang gasolinahan. Nagpakawalansiya ng isang relieved na buntong-hininga.

Sa gasolinahan ay sige pa rin ang pag-awit niya habang kinakarga ng gas boy ang tangke. Nang singilin siya ay inabit niya rito ang kanyang credit card. Naalala niya ang daddy niya. The card was a birthday gift from him the year she turned sixteen which was seven years ago.

Habang naghihintay ng kanyang resibo ay binaba niya ang kanyang bintana at inayos ang pagkakapuwesto ng side mirror.

And the boom!

Something extraordinary happened.

Life as she knew it wasn't the same again after that. Hindi niya inaasahan na nang mismong sandaling iyon ay babaliktad ang mundo niya.

She read once that love was like a "Thief in the Night". Bigla na lang daw darating iyon sa hindi inaasahang pagkakataon. Unexpected. Unplanned. Undeniable.

Sa ginawang pagpihit sa side mirror, tumambad sa kanyang mga mata ang mukha ng lalaking nagmamaneho sa kotseng nakapila sa likod niya.

All of a sudden, nagkaroon ng riot act sa kanyang dibdib. Damang dama niya ang malakas at eratikong tibok ng puso niya.






"Cess, magiging sayo siya. SOON!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon